Bigla namang nawala ang pagkainis ko ng makita ko sa mga mata nya na nagsasabi sya ng totoo, at saka ngayon ko lang din naman sya talaga nakita dito sa lugar namin kaya ngumiti ako at inilahad ang kamay ko para makipagkamay sa kanya.
"Ok then, i'm Lilibeth you can call me Lili for short. "
"Hi! I'm Lydon."
nakangiting sabi nya at inabot ang kamay ko.
"can i call you.. Beth? Instead of Lili? "
tanong nya sakin habang nakahawak sa batok nya at nahihiyang tumingin sakin.
"Hahaha!!! Oo naman."
sabi ko at hinampas sya sa braso
"Mas maganda ka pala kapag tumatawa. "
Napahinto ako sa pagtawa at tumingin sa kanya, at nakita kong titig na titig sya sakin, kaya napaiwas ako ng tingin dahil feeling ko namumula na ang pisngi ko
"Ahmm.. Cge ha.. Lydon! Uuwi na ko may pasok pa rin kasi ako eh! Bye! "
sabi ko at nagtatakbo na paalis doon sa park.
Pagdating ko sa may gate ay agad akong pinagbuksan ni Manong Oscar ng gate
"Goodmorning po Señorita."
"Goodmorning din po. "
nakangiting ganting bati ko sa kanya.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil medyo hinahabol ko pa ang paghinga ko dahil sa pagtakbo, ng papasok na ako sa bahay ay bigla akong nabunggo sa matigas na bagay at na out of balanse.
Napapikit ako para ihanda ang pagbagsak ko kaya lang.. Walang nangyari hindi ako bumagsak sa sahig.. Dahil sa pagtataka ay dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at doon ko nalaman, na meron palang braso na nakapulupot sa beywang ko, kaya pala hindi ako napasalampak sa sahig.
Nang tingnan ko kung sino ang nagmamay-ari ng brasong yon ay awtomatikong napigilan ko ang aking paghinhga at agad na bumilis ang tibok ng puso ko at ang mukha nya...god ! Maling galaw ko lang magdidikit na ang mga labi namin.
Dylan P. O. V
" 'Nay, pupunta na po ako sa garahe, para po ilabas yung sasakyan, na gagamitin namin ni Señorita Bansot. "
Paalam ko kay, nanay. Andito kasi kami sa kusina ng Mansion ng mga Lee.
" Hay, ikaw talagang bata ka, tigilan mo na nga ang kakatawag kay Señorita Lili ng Bansot at baka may makarinig sayo at isumbong ka pa kay, Chairman Lee. Tandaan mo, anak , kahit na mabait sila sa mga katulad natin dapat pa rin natin silang igalang. "
Sermon sakin ni Nanay.
" Opo, 'nay, sorry na po. "
Sabi ko habang napapakamot sa batok ko at hinalikan na sya sa ulo at lumabas na ng kusina.
Papalabas na sana ako ng pinto ng Mansion ng bigla na lang may bumunggo sakin mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko.
Kaya agad kong napulupot ang braso ko sa beywang nya, kaya di sya lumanding sa sahig.
Nang tingnan ko ang taong nasalo ko ay hindi ako kaagad nakakilos dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't -isa.
At isang maling galaw lang ng isa sa amin ay paniguradong mauulit na naman ang nangyari nung nakaraan.
Nang mapadako ang tingin ko sa mga labi nya ay napalunok ako Damn! That cursed lips! mura ko sa isip ko.
Ilang minuto rin kaming magkatitigan ng marinig ko ang boses ni Nanay.
" Dylan ! Anak ! Sandali ! "
Agad akong napatayo ng maayos at nawala sa isip ko na hawak ko pala sya.
" Aray! "
Rinig kong daing nya, ng tingnan ko sya ay muntik na akong matawa sa itsura nya.
Nakasalampak kasi sya sa sahig, habang hinihimas ang pang upo nya.
" Buwisit ka talagang Kapre ka! "
Inis na sabi nya sakin, habang masama ang tingin.
" Kung isasalampak mo lang din ako sa sahig ! Hindi mo na sana ako sinalo! Buwisit ka! "
Aish! Nagsisimula na naman ang bunganga nya, kilala nyo na ngayon kung sino ang nasalo ko. Tss.
Lilibeth P. O. V
Bwisit talaga 'to Kapreng ' to ! Naku! Pagkatapos akong saluhin bibitawan rin naman pala ako! Kainis!
" Naku! Señorita ! "
Nabaling ang tingin ko kay Nana Yolly ng tawagin nya ako.
"Ano pong nangyari sa inyo ? "
May pag-aalalang tanong ni Nana Yolly ng makalapit sya sakin at tinulungan akong tumayo.
" Ayos lang po ba kayo, Señorita ? "
" Ahmm..opo, Nana, ayos lang po ako. "
Nakangiti kong sagot dito
" Siguarado ka ba ? Ano po bang nangyari at nakasalampak po kayo ng upo dyan sa may pinto ? "
" Ah...kasi...nagmamadali pi ako sa pagpasok dito aa loob ng bahay, baka po kasi malate ako, kaya... Ayun...natapilok po ako, Nana. "
Paliwanag ko sa kanya.
" Ikaw, talagang bata ka.. Sa susunod mag-iingat ka. "
Sabi nya, Tumango na lang ako bilang sagot.
" Nay, bakit nyo po ako hinahanap ? "
Sabay kaming napatingin ni Nana, kay Kapre.
" Ah! Ok nga pala, anak, nakalimutan kong ibigay 'tong sandwich mo na baon. "
Sabi ni Nana kay Kapre na inabot naman ng huli.
" Ahmm...sige po, Nana, aakyat na po ako sa kuwarto ko, para maligo. "
Paalam ko.
" Ah, sige po Señorita, at ihahanda ko na rin po ang dine-in para po sa agahan nyo po. "
" Thanks, Nana. "
Nakangiting sabi ko ng tingnan ko si Kapre ay napataas ang kilay ko ng makita kong titig na titig sya sakin. Inirapan ko lang sya at dumiretso na sa taas kung saan ang kwarto ko.
jamRose022 note ^_^
Hanggang dito na lang muna ang P. O. V nila dylan at lilibeth... ^_^
Enjoy reading ^_^
God bless ^_^
YOU ARE READING
MY SWEET GIRL ( updating )
Teen FictionI was a simple kid who have a simple and happy life, and just like the other kids i have my own dream too, na gusto kong matupad... when i grown up and gusto kong kasama ang parents ko habang tinutupad ko yun. But i don't know if i can still do that...