Jannah's P. O. V
Pagkalabas ko ng kwarto ko ay agad akong bumaba at pumunta sa kusina.
Nang makasalubong ko si 'Nay Soling na nagmamadali papalabas ng kusina.
" Oh ! 'Nay, saan po kayo pupunta at nagmamadalai po kayo ? "
" Ah, anak, buti na lang at bumaba ka, pupunta muna ako sa palengke hindi ko napansin na kulang pala ang mga rekado ko na lulutuin ko para sa hapunan nyo. "
" Ah ganon po ba...sasamahan ko na po kayo, 'Nay."
" Naku, anak, huwag na, saglit lang naman ako doon. "
" Sige po, kayo pong bahala, pero sigurado po ba kayong kaya nyo ? "
" Oo, oh! sya , sige at ako'y aalis na para maaga ting makabalik. "
" Sige po, mag-iingat na lang po kayo, 'nay. "
Sabi ko at inihatid sya ng tanaw, papalabas ng pinto.
" Hmm...ano kayang pwedeng lutuin sa kanya ? "
Tanong ko sa sarili ko habang iniisa -isang buksan ang mga kitchen cabinet.
Eto na lang siguro, sabi ko sa isip ko, habang inilalabas ang isang malaking cup noodles na nakita ko.
Agad kong nilagyan ng mainit na tubig ang cup noodles at tinakpan, habang inaantay kong maluto ang noodles ay kunuha ako ng tinapay at nilagyan ng butter.
Pagkatapos noon ay pumunta naman ako sa may medicine kabinet na nasa gilid ng refrigirator, pata kumuha ng gamot.
Bumalik na ko sa may lamesa kung saan ko iniwan ang noodles at tinapay, kumuha ako ng mangkok at isinalin duon ang noodles, at nagsalin ako ng tubig sa baso.
Inilagay ko na ang mga inihanda ko sa tray.
" Yan, tapos na ! "
Nakangiting sabi ko, habang nakatingin sa tray.
Umakyat na ako sa taas para puntahan ang kuwarto ni Clyde, nang makarating ako sa labas ng kuwarto nya ay agad akong kumatok at tumalikod.
" Haist ! Ano ba kading nangyayari sakin at ginawa ko ang mga 'to ? "
Ok lang yan, Jannah ngayon lang yan at saka...may sakit naman sya eh.
Bumuntong hininga na lang ako at saka humarap sa pinto. At nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon.
" Oh my god ! "
Sabi ko at agad na tinakpan ang mukha ko gamit ang mg palad ko, at dahil sa ginawa ko ay nawala sa isip ko na may hawak nga pala ako.
Agad akong yumuko para pulutin ang mga bubog na nasa sahig. Sino ba nmang hindi masho-shocked kung ang ang makikita mo ay topless na halos.
At tanging tuwalya lang ang nakatapis sa lower part ng body nya. Dyos ko Lord !
Ano bang nangyayari sayo, Jannah, hindi ka lang naman ngayon nakakita ng ganyang katawan di ba. Naghuhubad pa nga sa harap mo ang kuya Drae at Drian mo, pagkatapos nyong maglaro ng basketball. Pero ngayon tingnan mo yang kamay mo nanginginig pa.
Sermon sakin ng isip ko, ng tumingin nga ako sa kamay ko ay nagulat ako ng makita kong nanginginig nga.
" Aray ! "
Sigaw ko nang mapatingin ako sa daliri ko ay nakita kong may dugo.
" Ho - Hoy ! Ano- anong gagawin mo ? "
Nauutal kong tanong sa kanya ng pumasok kami sa loob ng kuwarto nya, habang hila hila nya ako.
Awang ang labi at nanlalaki ang mga matang tumingala ako sa kanya, syempre nyo namang matangkad sya di ba kaya nakatingala ako aa kanya.
" Ho- Ho- Hoy ! Ano bang gagawin mo ! Bitiwan mo nga ako, bakit mo ba ako dinala dito !- "
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla na lang nyang, itinapat ang daliri ko sa gripo ng lababo.
Pagkatapos nyang hugasan at mapatuyo ay nilagyan na nya ng band aid.
" Careless lady, tss. "
Sabi nya in a serious tone of voice at lumabas na sya ng banyo.
Wala akong masabi pagkatapos ng ginawa nya, i didn't expect na gagawin nya ang bagay na yun, akala ko kasi hahayaan nya na lang na nasugatan ako, kasi kasalan ko rin naman.
Agad akong lumapit sa kanya, paglabas ko ng banyo ng makita ko syang winawalis ang mga kalat na ginawa ko.
" Ahmm...a-ako- ako na ang gagawa nyan. "
Sabi ko sa kanya, at akmang kukunin ko na sana ang walis at dustpan na hawak nya ng ilayo nya sakin.
" No. "
Sabi nya at nagpatuloy na sa paglilinis. Hay, ano naman kaya ang gagawin ko dito sa loob ng kuwarto nya ? Tanong ko sa isip ko.
" Sit there at the couch and wait me to finish this mess of your. "
Gulat akong napatingin sa kanya, dahil sa sinabi nya. How did he know what am i thinking ? Manghuhula ba sya ? at saka hindi naman nya kailangang pang ulitin na ako ang may kagagawan ng kalat na yun.
" No i am not. It's obvious on your face. "
Sagot nya habang inilalagay sa may trash bin ng banyo ang plastick na pinaglagyan nya ng mga natapon kanina.
Lumapit sya sa pwesto ko sa couch at inabot sakin ang tray, na agad ko namang kinuha ng huli.
Nakahinga ako ng maluwag ng mapansin kong may suot ma pala syang t-shirt at shorts.
" Can you explain to me, what are you doing there outside of my room, while holding a tray of foods. "
Tanong nya habang nakatayo sa harap ko at ako naman ay nakatingala sa kanya.
" Ahm...an-ano kasi eh...sabi kasi ni 'Nay Soling na may sakit ka raw kaya naisiapan kong dalhan ka...at saka...pambawi na rin sa- "
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at napaawang ang labi ko dahil nakikita ko ngayon at narinig ko.
He's laughing while he's standing in front of me. Am i dreaming ? God ! What happen to earth, and is this real ? At nang kurutin ko ang sarili ko ay napa-aray ako.
YOU ARE READING
MY SWEET GIRL ( updating )
Ficção AdolescenteI was a simple kid who have a simple and happy life, and just like the other kids i have my own dream too, na gusto kong matupad... when i grown up and gusto kong kasama ang parents ko habang tinutupad ko yun. But i don't know if i can still do that...