Chapter 03

12 0 1
                                    

LIlibeth p. O. V.

Hi! Hello!everybody!! kilala nyo na siguro ako di ba, dahil pinakilala na ko ng aking bessie. Well.. Para sa mga taong hindi pa ako kilala.. Eh... Let me introduce my self,

I am Lilibeth Samonte Lee, 16 years of age, 4th year high school here at one of the prestigous school in the Philippines - Hyden University, and i am half filipino, half korean, at ako lang naman ang nag - iisang magandang kaibigan ng aking bff. :p ang kumontra may sapok!

Nakahiga ako ngayon dito sa aking kama, dito sa loob ng kwarto ko, bale ang pwesto ko ay nakabaligtad ako ng higa sa kama, yung ulo ko sa paanan nakapwesto, ganonkung hindi nyo nagets di ko na problema yun,ok.

Hindi na ako sumama sa kambal sa pag gala dahil hindi rin naman kasama si Jannah.

At saka, isa pa, nagtatampo ako sa kambal na yun, tama ba namang si Bessie lang ang mamiss nila, samantalang Bff din nila ako noh. Kaya sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko.

"Kumusta na kaya si Bessie? Ano na kayang nangyari sa lola nya, sabi nya tatawag sya pero hanggang ngayon wala pa. "

Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame.

Napabuntong- hininga na lang ako at ipinikit ang aking mga mata. Sa totoo lang kanina pa ko nagwo - worry sa kanya , sa school pa lang lalo na ng makita ko yung sobrang pag aalala sa mukha nya .

Sana ok lang sya, pati ang lola nya. Ah! Tama! Ako na lang ang pupunta sa kanya, bakit ba ngayon ko lang naisip yun.

Agad kong iminulat ang mga mata ko at sa pagmulat ng mata ko ay bumungad sakin ang dalawang pares ng nagga-gandahang itim na itim na mata, matangos na ilong at mapupulang labi.

And oh my god! I am dreaming? Totoo ba tong nakikita ko na isang gwapong anghel? Pero..hindi ko naman natatandaan na nakatulog ako para managinip ng isang anghel.

Kusang kumilos ang kamay ko para haplusin ang mukha ng anghel na nakikita ko, nakita ko ang paglaki ng mata nya ,sanhi ng pagkagulat na rumihistro sa mga itim nyang mata. Nagulat ako ng mahawakan ko at maramdaman ng palad ko ang makinis at malambot nyang balat.

" My God! You're real! And i am not dreaming, but why an angel like you, is here in my room? "

Takang tanong ko habang hawak hawak ko pa rin ang mukha nya at hindi inaalis ang titig sa mga mata ng gwapong anghel.

Natigilan ako at napa awang ang labi ko, ng ma realize ko ang isang bagay. May lalaki sa kwarto ko!

"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!! "

Sigaw ko sabay bangon at hila ng kumot at tinakip sa katawan ko at saka ako tumayo sa may malapit sa bintana, para makalayo sa gwapong anghel.

" Aray...Shit! "

Narinig kong daing ng lalaking nakaupo na ngayon sa sahig, habang sapo ang kanyang noo.

"Aray.."

Sambit ko ng maramdan kong kumirot ang noo ko, dahil yata sa pag headbat ko sa kanya, ng biglaang pagbangon ko.

"He- Hey! You! Wh-who are you!? What are you doing here in my room! "

Nauutal sa takot kong sigaw at tanong sa gwapong lalaking papatayo na sa pagkakaupo.

" Hay, bakit ba kasi ako pa inutusan na gumising sa babaeng 'to eh, kainis, "

Inis na bulong ng gwapong lalaki pagkatapos ay ginulo ang sarili nitong buhok.

Nang makatayo na sya ng tuluyan ay doon ko lang napansin na matangkad pala ang lalaking to na sa tingin ko ay nasa 5' 9 ang height.

At saka yung totoo? Bulong lang ba nya ba dapat yung sinabi nya o gusto nya talagang iparinig sakin.

MY SWEET GIRL ( updating )Where stories live. Discover now