Lilibeth P. O. V
Kakalabas ko lang ng classroom namin, kakatapos lang kasi ng meeting namin sa gagawin naming project para sa Science, group project kasi yun kaya lang inaabot na kami ng 1 hour sa pagme- meeting kasi naman ang hirap ng gagawin namin.
Oh well, hayaan na para naman sa grades yan, kaya ayos lang. Pero si Bessie, baka naiinip na yun dun sa bench, ang sabi ko pa naman sa kanya saglit lang yung meeting.
Hay, mapuntahan na nga at baka umuusok na ang ilong nun.
" Kyyyyaaahhhh!!! Sis!!!! Grabe! nakita mo ba yung gwapong guy sa 4th year building ! "
" Oo sis! Grabe ang hot nya at mukhang yummy pa kkkkyyyyaaahhh!!!! "
" kinikilig pa rin ako hanggang ngayon at naalala ko pa rin ang gwapo nyang mukha kkkkkkkyyyyyaaahhh!!!! "
Tumaas bigla ang kilay ko ng marinig ko ang tilian at usapan ng tatlong babaeng nakasalubong ko.
" Aish! Grabe namang makatili 'tong mga babaeng 'to akala mo naman korean Heartrob ang tinitilian. "
Bulong ko habang tinatahak ang daan papunta sa may building ng second year, kung saan kami magkikita.
" Uy! Nabalitaan mo ba ? na muntik ng mag away si Hot guy at si Prince Aljim kanina. "
" Talaga ? At ano namang pag aawayan nila, eh bago lang si Hot guy. "" Dahil sa isang babae, grabe ! Ang haba ng hair nung girl na yun, sana ako na lang sya biruin mo dalawang gwapo pinag aagawan sya. "
Ilan lang naman yan sa mga naririnig ko na sa mga tsismosang estudyante habang hinahanap si Bessie.
Yah! Baka isipin nyong tsimosa rin ako ha, hindi noh, sadyang malakas lang ang aking pandinig kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
Hay, salamat andito na rin ako, kaya lang..
"Asan na yung babaeng yun? "
Tanong ko sa sarili ko habang nagpapalinga linga sa paligid.
" Baka nag cr, wait ko na lang sya dito. "
Sabi ko at naupo na sa isng bakanteng bench.
Jannah P. O. V
" Salamat nga pala sa pagtanggol mo sakin kanina , Dy. "
" Wala yun, buti nga napadaan ako duon habang naghahanap ng tahimik na lugar na pwedeng tambayan. "
Andito kami ngayon ni Dylan sa likod ng gym nakaupo kami sa may ilalin ng puno, dito ko sya dinala, kasi gusto raw nya ng tahimik.
Magkaibigan na kami ni Dylan simula nung nagkausap kami sa bahay nila, Lili, nung natulog ako sa kanila 3 weeks na ang nakakaraan.
Hindi ko pa nga lang nasasabi kay Lili, mabait naman si Dy, at totoo ngang gwapo sya tulad ng mga naririnig ko sa mga estudyante at para nga syang Korean Actor Leading Man sa hitsura at tindig.
" Baka mainlove ka na sakin nyan"
" sira ulo ! "
Sabi ko sa kanya na kinatawa naman nya.
" Sya nga pala sino nga pala yung lalaki kanina, boyfriend mo ba yun ? "
" what ! Hindi ko siya boyfriend noh, tch, "
" Manliligaw ? "
" sa kasamaang palad oo, kung hindi ka nga lang dumating kanina baka kung ano ng nagawa ko dun eh. "
" Pero alam mo, sayang rin yung mga pinamili nya para sayo, madami - dami rin yun. "
" Tss, hayaan mo sya hindi ko naman sinabi sa kanya na bilhan nya ako nun eh. At isa pa hindi ko naman kailangan yung mga yun, at hindi ako katulad ng mga kilala nyang babae noh. "
Paliwanag ko, na ikinatango nya.
" At saka, hwag na nga natin syang pag usapan. "
Sabi ko.
" Sya nga pala ano nga pa lang ginagawa mo sa bench kanina. "
Tanong nya sa akin. Agad akong na patayo ng maalala ko si Lili, at napatingin ako sa relo ko sa braso.
Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng makita ko ang oras, halos mag da-dalawang oras na ang lumipas simula ng magbreak time.
" May problema ba ? "
Takang tanong nya sakin na nakatayo na sa tabi ko.
I' m going to open my mouth to answer his question, when we heard loud voice.
" JANNAH ABELLANO MADRIGAL !!!!!!!!!! "
" Patay... "
bulong ko habang tinitingnan ang galit na mukha ng babaeng papalapit na samin.
" Hay, naku, eto na naman ang babaeng nakalunok ng megaphone. "
Napatingin ako kay Dylan ng marinig ko ang sinabi nya with his pocker face expression.
Agad kong tinakpan ang dalawang teynga ko at nakapikit na yumuko, pero kahit na may takip ang teynga ko naririnig ko pa rin ang sinasbi nya, grabe, tama nga si Fylan nakalunok yata ng megaphone tong babaeng to.
"ALAM MO BANG KANINA PA AKONG NAG-AANTAY SAYO DOON SA BENCH! HALOS 2 HOURS NA AKO DOON! TAPOS HINDI MO MAN LANG AKO MAKUHANG I-TXT O TAWAGAN AT SABIHIN KUNG NASAAN KA! KUNG HINDI PA KITA TATA----HMMMMMPP!! ----HMMMP! ---"
Tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa teynga ko ng wala na akong naririnig na boses nya at tumingala, napabuntong hininga ako ng makita ko si Dylan na tinakpan na nya ang bibig ni Lili, gamit ang kamay nya, at pilit kumakawala ni Lili kay Dylan.
" Dylan, bitiwan mo na si Lili. "
sabi ko sa kanya na agad naman nyang sinunod, kaya lang mas lalo yatang nagalit si Lili dahil sa ginawa nya kaya sya tuloy napagbuntunan.
" HOY! IKAW KAPRE! ANONG GINAGAWA MO DITO! HANGGANG DITO BA NAMAN SINUSUNDAN MO AKO! AT SAKA BAKIT MO GINAWA YON! BAKIT MO TINAKPAN ANG BIBI----"
Nanlaki ang mata ko at napatakip sa bibig ko sa sumunod na ginawa ni Dylan....
HE......
KISSED...........
LILI......
IN............
THE................
LIPS.................
YOU ARE READING
MY SWEET GIRL ( updating )
Teen FictionI was a simple kid who have a simple and happy life, and just like the other kids i have my own dream too, na gusto kong matupad... when i grown up and gusto kong kasama ang parents ko habang tinutupad ko yun. But i don't know if i can still do that...