Chapter 07

4 0 0
                                    

Dylan P. O. V

Habang tinutuyo ko ang buhok ko gamit ang maliit na tuwalya na hawak ko ay, napahinto ako ng mapadaan ako sa salamin sa loob ng banyo.

Nahaplos ko ang kaliwang pisngi ko na nakalmot, napahinto ako sa paghaplos ng biglang pumasok sa isipan ko ang mukha nya.

" Anak! Dylan ! "

Nabalik lang ako sa realidad ng marinig ko ang boses na yun, sa labas ng banyo.

" Goodmorning, Nay. "

Nakangiting bati ko paglabas ko ng banyo.

" Goodmorning din, Anak."

Nakangiting ganting bati nya, habang inaayos ang gagamitin kong uniform sa school.

" Nay, kaya ko na po yan, hindi nyo na kailangan pang gawin pa po yan. "

Nakangiting sabi ko at hinalikan sya sa ulo ng makalapit ako sa pwesto nya.

" Bakit ayaw mo bang inihahanda ko ang gamit mo, anak ? "

May himig pagtatampong tanong ni Nanay sakin.
Umiling ako at pinatigil sya sa ginagawa nya, at hinarap sya sakin.

" Nah, hindi naman po sa ganon, Nay, ang akin lang po eh alam ko naman pong pagod na po kayo sa pagtatrabaho sa Mansion ni Chairman Lee, tapos po..pati pa po ako aasikasuhin nyo pa. "

Paliwanag ko sa kanya.

" Ayos lang, anak, kung yung ibang bata nga eh, ipinaghahanda ko ng damit, sayo pa kaya na anak ko ay hindi ko gagawin. "

" Pero po , Nay, ang ayoko lang po ay masyado nyo pong pinapagod ang sarili nyo, at saka. .kaya ko na po ang bagay na yan. "

" Ah, basta, yan ang gusto kong gawin, para sayo, anak. "

" hahaha!!! Ok sige po kung, yan ang gusto nyo. "

Nakangiting napapailing na lang ako, sa kakulitan nitong Nanay ko, pero kahit ganyan yan, Mahal na Mahal ko yan.

Dahil sya lang ang nag iisang taong nakakakilala at nakakakilala sakin ng lubos, at sya lang din ang tanging babae sa buhay ko.

" nga pala, anak, anong nangyari dyan sa pisngi mo, napano yan. "

Nag- aalalang tanong nya sakin ng mapansin nya ang sugat ko sa kaliwang pisngi.

" Ah, eto po ba ? Wala po 'to, Nay, nasabit lang po sa nakausling sanga ng puno kahapon di ko po napansin, kaya ayan po ang nangyari.

Paliwanag ko, habang napakamot sa batok ko.

" hay, naku...sa susunod, anak mag-ingat ka, ha. Mabuti at hindi yang mata mo ang timamaan."

Nakangiting tumango lang ako.

" Oh, sya, sige na at magbihis ka na at aantayin na kita sa labas at ng sabay na tayong mag-agahan. "

Nakangiting sabi ni Nanay sakin at lumabas na ng aking silid, at ako naman ay nagsimula ng magbihis.

" Wooww!!! Mukhang mapaparami ang kain ko ngayong umaaga ah. "

Nakangiting sabi ko pagkapasok ko ng kusina ay makita ko ang mga paborito kong pagkain na syang nakahain sa lamesa.

" Talagang niluto ko ang mga yan, para sayo, anak. "

Nakangiting sabi ni Nanay habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko.

" Oh, sya kumain ka na, anak. "

Nakangiting tumango lang ako at nagsimula ng kumain.

" Anak, sigurado ka na ba sa desisyon mo ? "

MY SWEET GIRL ( updating )Where stories live. Discover now