First story ko to at pasensya na kung hindi maganda wala lang gusto ko lang gumawa ng story ingitera ako sa mga writers dito sa wattpad. Saka pasensya na sa mga words basta kung may makita kayong pangit pasensya na. Saka eto lang kinaya ng aking imahinasyon.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Pagpapanggap dyan magaling ang mga tao. Isa na ata ako sa mga tao na yan.
Magaling ako magpanggap lalo na sa nararamdaman ko, sa kung ano ako.
Pano ko mapapakita ang tunay ako kung lagi ko iniisip ang sasabihin ng ibang tao.
Kaya ko ba ipagsigawan sa buong mundo kung sino ako at akung ano ako.
Kaya ko ba sabihin sa mahal ko ang tunay na nararamdaman ko.
O magpapangap nalang ako sa lahat ng nararamdaman kong ito.
Chapter1
< Sam >
First day ko sa college ngayong araw, dahil maaga pa ko, manonood muna ako ng mga naglalaro ng volleyball.
Pag nakakakita ako ng may naglalaro ng volleyball lagi ako humihinto muna para makinood dahil ang favorite kong sport ay volleyball at player din ako simula high school ako.
Interesado ako sa lahat ng sport, lahat gusto ko matutunan sabi nga ng mga kaibigan ko sport minded daw ako.
Dahil nalibang ako sa panonood ng mga nagpra-practice late na pala ako sa unang klase ko kaya nagmadali ako papunta sa classroom.
Pagkasilip ko sa classroom nandun na yung prof siguro kakarating lang dahil may kinakalikot pa sya sa bag nya kaya pumasok na ako at umupo sa likod dahil dalawa nalang yung bakanteng upuan.
Habang may sinasabi yung prof namin ay biglang bumukas yung pinto at nagtinginan kaming lahat kung sino yun, pati yung prof napatigil sa pagsasalita ngiti lang ang tanging ginawa samin ng babaeng dahilan kung bakit tahimik ngayon sa loob ng classroom.
Agad din namang nagsalita yung prof at dahilan para bumalik na kami sa realidad. Pano naman kasi hindi ka mapapatingin sakanya napakaganda nya mas maganda pa sakin matangkad sya pero mas matangkad pa din ako sknya siguro kung 5''8 ako mga 5'5 sya, maagkasing katawan lang kami pero mas maputi sya sakin.
Habang nakatulala ako nagulat nalang ako ng may katabi na pala ako at may tinatanong pala sya sakin dahil nakatingin sya sakin sa mata ko.
Kaya lalo akong nataranta mahiyain kasi ako pag hindi ko pa close ang isang tao at ayoko talaga nakikipag titigan sa mata pag kausap ko ang isang tao feeling ko nanghihina ako.
Nangiti sya bigla dahilan para makaramdam ako ng init sa mukha ko at feeling ko malulusaw ako sa ngiti nya sana lang hindi nya makita pagka blush ko kanina. Nginitian ko nalang din sya at sinagot yung tinatanong nya sakin.
Maya pa ay nagdismiss na yung prof namin.
Dahil hindi uso sa school na to ang block section ay sigurado ako iba nanaman ang kaklase ko sa susunod kong subject. Lumabas na ako agad at pupunta nako sa next subject ko tutal isang floor lang naman babaan ko.
Habang nag aantay ako sa labas ng classroom sa next subject dahil may mga tao pa sa loob umupo muna ako sa sahig at nagsoundtrip muna ako.
Bigla ko naramdaman parang may tumabi sakin at as usual nakangiti nanaman sya hay! may iba talaga sa ngiti nya.
"HI! Dito din next class mo? " sabi nya
' ahhhhh oo may nagklaklase pa sa loob eh tagal nga. ' sagot ko
BINABASA MO ANG
My Closet Queen (girlxgirl story)
RandomSi Sam na lagi iniisip ang sasabihin ng ibang tao. Minsan na syang umibig sa kapwa nya babae pero pinigilan nya dahil iniisip nya ang sasabihin ng ibang tao at ayaw nya masira kung anong relasyon meron sila ni Giezel. Pero pano kung magkagusto ulit...