Huminga ako ng malalim bago bumaba na jeep. This is it. There's no backing out na, Dea.
I'm Dea, once again. Si Dea na nagaaral sa PCC. Si Dea na mahal ka.
Sumunod si Jeanne sa pagbaba ko at nagtawanan kami.
"Excited ako!" Sabi ko. Siguro kasi makikita kita. Pero hanggang siguro lang yun dahil hindi pa ako sure kung nandyan ka ba talaga.
Tumayo kami sa gate. Yung nilalabasan niyo. Para sana manalubong. Medyo maaga nga kami ni Jeanne ng 15 minutes sa uwian niyo kaya nakabili pa kami ng snacks sa food trip bago tumayo ulit sa gate.
Maya maya rin ay nagsimula ng maglabasan yung mga students. Madami akong nakitang mga kabatch ko, pero hindi ko sila binati dahil hindi ko naman sila close. Pati mga older seniors na familiar sa akin ang mukha ay nakita ko rin.
Totoo ngang parang sardinas kayo pag uwian. Halos lahat kasi sabay sabay. Kaya ayun, lahat din nakita ko.
Maya maya rin ay nakakita na ako ng mga familiar na mukha ng mga dating BHS. Alam kong kaklase mo sila. Dumaguete ka rin kasi, at alam kong section niyo na ang lumalabas.
Una kong nakita si Arianne. Hindi niya kami napansin agad dahil naguusap sila ni Mikee. Pero nang nagangat siya ng tingin ay ngitian niya ako at saka nanakbo sa amin para yumakap. Sunod na humabol si Mikee at niyakap kaming dalawa ni Jeanne.
"Gaga ka! Ang tagal mo bago bumisita!" Batok sa akin ni Arianne at saka ko lang siya tinawanan.
"Sorry na! Hectic schedule e." Pagpapaumanhin ko habang nakayakap sa kanya. Panandalian kitang nakalimutan dahil sa excitement ko kay Arianne at Mikee. Pero maya maya rin ay natandaan kita dahil... nakita kita.
Kasama mo ulit si Julia. Lagi naman. Pero sa sobrang miss ko sayo ay parang wala na akong pakialam. Ang linaw ng pagkakasabi mo sa akin na kaibigan mo lang siya, nung umamin ako sayo.
Kinurot ako ni Arianne nang marinig niya ang impit na tili ko. Hanggang ngayon nakaakbay pa rin siya sa akin at halos gusto ko itago ang mukha ko gamit siya.
"Iel! Julia! Kain muna tayo bago umuwi!" Nagulat ako ng tawagin ka ni Arianne. Napatanggal ako sa yakap naming dalawa at tinignan siya. Kinindatan niya ako. Si Jeanne naman ay kinurot ako at si Mikee naman ay natawa. Maya maya rin ay lumapit na sa amin si Adop. Automatic na kasama na siya sa amin dahil isa siya sa tropa.
Lumapit ka naman. Kasama mo pa rin si Julia. Pero okay lang talaga sa akin kaso nahihiya ako. Super. Hindi ako mapakali at feeling ko nanlalamig ako. Gusto ko tumili lalo na ng makalapit ka. Grabe.
"Saan tayo? Dun tayo sa walang masyadong tao." Anyaya ni Adop.
"Malayo?" Tanong ko naman. Dahil panigurado puno na ng estudyante yung mga nakapaligid sa amin na fast food chains. Pati yung food trip dahil kadalasan doon dumidiretso ang mga students.
"Medyo lang. Madalas na kami lumalayo pag nagagathering kasi sabay sabay ba naman uwian e." Sagot niya.
Lahat tayo ay may sari sarili ng usapan. Nakita kong binati niyo ni Julia si Jeanne na katabi ko at maya maya ay lumapat na rin ang tingin mo sa akin.
"Uy, Dea!" Bati sa akin ni Julia. Titignan pa sana kita kung di niya lang ako tinawag. Nginitian ko siya at nagwave ng hello.
Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin pero kusang lumipat ang ngiti ko sayo at nagwave din ako.
"Hello." Bati ko sa inyong dalawa. Parehas ko kayo nginitian. Ayoko makita mong apektado pa rin ako. Ayoko makita mong may epekto ka pa rin sa akin.
Nakangiti ka rin. Parang normal lang talaga ang lahat pero gusto kita yakapin. Ng mahigpit. At sabihin na namiss kita pero hindi naman tayo ganun ka-close. At isa pa, bata pa tayo para sa ganung klaseng physical contact.
BINABASA MO ANG
la carta de amor
Non-FictionFor my love, Gabriel. Everything I've kept hidden; everything I wanted to say. How I caged the wild, how I tamed the love. How I built this wall. How I hid from you. My love that was never given, and will never be given, I hid it here in this saf...