013
Hi Riel! Excited na excited akong magsulat ngayon dahil kanina pang umaga ako nangangati magsulat ulit para sayo. Pero sabi ko kinabukasan na lang kaya eto, saktong 12 am nagsusulat na ako agad.
Kaninang 8 natulog ako pero nagising din ako ng mga 10 pm. Nakakainis nga e, dapat tuloy tuloy na kasi tulog ko.
Wala akong magawa buong araw kanina. Sinubukan kong mag omegle, magchatous at kung ano ano pang dating sites pero walang epekto. Parang mas lalo lang akong nawalan ng gana.
Nagplantsa lang ako ng mga uniform ko para sa monday at nagayos ng onti pero yun lang. Halata bang excited ako pumasok? Haha.
Kanina ginusto kong ichat ka. Ginusto ko rin pala ilike yung post mo sa IG.
Gusto mo pala maging artista. At in fairness, english lahat ng captions mo. Nakakaturn on kaya. Hihi.
Anyway, I just wanna let you know na fan na fan mo na ako ngayon pa lang. Kahit di ka artista o mapa artista ka pa.
Talo ako ni Elizabeth, Riel. Alam mo ba may achievement ako na nagawa. Inunmute ko na si Elizabeth! Progress diba? Kung tutuusin kasi magkaibigan naman kami dati e kundi lang dahil sayo. Kung anong nangyari sainyo ni Diego... ganun din siguro nangyari sa friendship namin. Pero wala na yun, what stays in 7th grade, stays in 7th grade.Tiyaka nasa bagong school na ako ngayon, dapat kalimutan ko na lahat ng past ko sa PCC.
Bago ko makalimutan sabihin sayo, binilang ko nga pala yung mga araw na inlove ako sayo. Simula 2013 ata kasi, gusto na kita.
1,136 days na pala, Riel.
Hanggang ilang days kaya to tatagal?
I miss you! So much!
I love you.
From me,
Your #1 fan
(Andrea)7/10/2016
BINABASA MO ANG
la carta de amor
Non-FictionFor my love, Gabriel. Everything I've kept hidden; everything I wanted to say. How I caged the wild, how I tamed the love. How I built this wall. How I hid from you. My love that was never given, and will never be given, I hid it here in this saf...