Aaraw arawin ko na talaga 'tong pagsusulat ko sayo habang may time pa ako kasi isang araw na lang pasukan ko na! Huhu. Kainis.
Ang mas nakakainis pa, diba alalang alala ako sayo kahapon baka napano ka. Baka di ka nakauwi ng maayos or what. Kahit nasa byahe na ako nun at may mga ginagagawang errands iniisip pa rin kita.
At ayun, kakaisip sayo... sumama pakiramdam ko. Kakainis. Kung maka "take care always" pa ako kahapon, ako pala yung dapat mag take care.
Tutal ako naman yung di feeling well ngayon, sabihan mo rin kaya ako ng "take care"? Haha, charot!
Hindi ko naman kaya manghingi ng kapalit sa mga ginagawa ko para sayo. Alam ko naman kasi na hanggang dun na lang tayo.
Nga pala, Riel... Mukhang matatagalan pa bago ulit kami bumisita. Pero who knows?
Who knows na baka pag bumisita ulit kami ni Jeanne wala na akong feelings para sayo?
Haha.
Hirap mag move on, alam mo ba yun?
Syempre hindi, manhid ka e. Charot lang ulit.
I miss you.
I love you pa rin.
Sana bukas hindi na, nakaka 4 years na akong tanga e.
Wag ka papaulan.
From me,
Andrea
7/9/2016
BINABASA MO ANG
la carta de amor
Non-FictionFor my love, Gabriel. Everything I've kept hidden; everything I wanted to say. How I caged the wild, how I tamed the love. How I built this wall. How I hid from you. My love that was never given, and will never be given, I hid it here in this saf...