treinta y seis

4 0 0
                                    

036

Yucky yung last entry ko ah. Friends lang tingin ko kay Jericho, promise! No feelings attached! Si Rajdeep naman... wala. Hate? Like? Admire? Sarap asarin kaso pikon?

Haha seriously, di ko na rin alam nararamdaman ko para sa kanya. Basta nahihiya ako, yun lang. And most of the time kasi turn off na ako sa kanya. Pero may times na mabait siya. But the hell I care?

Anyway, I have this classmate. Lol ang landi ko talaga ang dami ko ng nagustuhannn wtf. Pero yun nga. His name's Jethro. First week akala ko isa siya sa cool kids, I stared at him for a while kasi ang tahimik niya and lagi siyang tulog. Lagi din siyang inaasar. Turns out he's not one of them so it's a plus. Haha fun fact: mahilig ako sa di cool kids like riel 😂

Anyway, eto nga kaya naman di ko na napansin si Jethro nun kasi nahuli kong nakatingin si Raj saken kaya yun. Weeks later as I open up to my new environment, syempre may mga nalalaman na rin ako. Nalaman kong di pala ganun kagaling si Jethro academically, parang Jericho lang except si Jericho tamad lang. Jethro seems to have a problem. Anger issues? Depression? Hindi ko alam. And I want to take care of him. Close kami ni Jethro, naglolokohan nga kami actually. Not the "close talaga" lokohan type of thing. Parang medyo close lang lol dami kong alam.

Sometimes I do want to talk to him. Gusto ko siya tabihan at kausapin. May tropa naman siyang sarili. And I know they understand Jethro well.

May tropa din naman akong sarili... kaya yun nga. Hindi ko siya malapitan. Jethro's not exactly a dead kid, di nga dead kid tropa niya kung tutuusin. And nakikisama den siya sa jokes.

Aaminin ko, nung nagbreak down siya once sa classroom namen and he started to hit his chair natakot ako sa kanya. My thoughts were filled with "May problema ba yan sa utak?", but I regret asking myself that because hindi ko naman talaga siya kilala. Until now I am still wondering... Is he depressed? Suffering much from anxiety?

Hindi ko alam. And I care too much that I get desperate to have answers. Lagi naman akong ganon. Lahat gagawin ko malaman lang sagot sa mga katanungan ko, kaya nga nasaktan ako kay Riel e. Kasi I'm filled with so much feelings they're trying their best to get out.

Also... Jethro's the type of guy you get comfortable with. The one who you can physically communicate. Parang Vince lang kasi nahahampas ko yun minsan at naakbayan. Ganun din si Jethro I can even hold hands with him. And kahapon... I realized sobrang payat ni Jethro. I lightly touched his arm and his back and I was surprised to see how thin he is. Hindi sa minanyak ko si Jethro ah. Parang dumaplos lang yung kamay ko sa kanya kasi nakahawak siya sa likod ko.

Ang payat niya. And I'm getting more worried. Kumakain pa ba siya? Nagagalit parin ba siya ng ganun?

I want answers. I want to talk to Jethro more. Gusto ko siya pakisamahan pero natatakot ako. Natatakot akong masaktan siya. Tiyaka isa pa, I'm not playing the good girl here kaya aaminin ko na. Medyo nagiging close ako sa cool kids, and they think of Jethro as weird... just because he's like that. Natatakot ako na baka mawalan ako ng friends... putangina. Ang gulo ko diba? Basta. Gusto ko sana kaibiganin si Jethro syempre kasama na rin yun onting landi kasi pogi naman yun matangkad pa, kaso nga lang payatot pero that's not what important e. Baka kasi minsan sumobra ako, or baka pag nilandi ko yun at sinabi ko sa kanyang nagugustuhan ko siya, baka maguluhan at saktan nanaman sarili niya. Baka saktan niya sarili niya kasi di niya ako magawang magustuhan. Because Jethro's that type of person.

I am afraid to get close to him. Baka ako yung maattach din, o baka siya. Basta ayoko siya masaktan. Hindi ako yung sobrang bait na babae kaya naman may mga panahon talagang nakasasakit ako ng tao or friend ko. Ayoko masaktan si Jethro. He's too fragile. Too fragile to the point na ayoko na lapitan.

From me,

Andrea

(8/13/2016)

la carta de amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon