Nagtapon ng basura si Raj kanina. Sakto malapit yung upuan ko sa basurahan kasi nasa dulo ako.
Amoy ulam siya. Ano kaya ulam niya kaninang recess? Nasa babang canteen kasi siya e.
Nakakaconscious kasi bigla na lang siya nasa likuran ko ng hindi ko namamalayan. Kasi nga diba, iniiwasan kong tignan siya.
Nakita ko nanaman 'to. Nagassume nanaman ako. Umasa nanaman ako sa wala. Nakakainis.
Ayoko mangyari yung nangyari sayo. Na lumala feelings ko. Dapat chill lang, happy lang. Walang heartaches.
Ang cute niya ngumiti. Kahit nakasimangot cute din siya. Tapos ang haba ng pilikmata niya. At yung ilong niya!!! Grabe! Matutusok ata ako nun e.
Pero unreachable si Raj eh.
Imposible.
Imposible.
Imposible.
Itatak ko yan sa utak ko hanggat hindi ko na siya tignan ulit.
Ayoko na kasi umasa sa wala. Nakakasawa. Nakakatanga.
I can't say I don't miss you anymore.
I hate you lang naiisip ko na dapat sabihin eh.
Hintayin mo na lang na mag "thank you" ako para siguradong di na kita gusto.
Ps: Thanks to Arianne for reminding me to update. Daig ka pa niya na adik magbasa ng updates ko, haha.
From me,
Andrea
(7/15/2016)
BINABASA MO ANG
la carta de amor
Non-FictionFor my love, Gabriel. Everything I've kept hidden; everything I wanted to say. How I caged the wild, how I tamed the love. How I built this wall. How I hid from you. My love that was never given, and will never be given, I hid it here in this saf...