041
At dahil wala akong magawa ngayon, I will predict my future love life, based on my past experiences.
As usual, may magugustuhan nanaman akong specific guy.
Syempre hindi pogi. Hindi niya reach ang standards ko pero maffall ako, kasi syempre ganon ako katanga at kabaliw sa love.
As usual ulit, aamin ako sakanya. Syempre ako una aamin kasi ganon naman lagi. Pag amin ko sakanya, hindi siya maawkward sa akin. At dahil doon syempre aasa ako na baka magustuhan rin niya ako.
Pero syempre imposible yun mangyari.
Tapos pagkatapos ko umasa susubukan ko mag move on. Pero hindi ko kakayanin. Kaya iiyak na lang ako, tutal hanggang dun lang naman kaya kong gawin.
Tapos iiyak lang ako ng iiyak. Tapos hahabol ulit. Tapos pahinga, tapos iyak. Tapos habol. Tapos repeat.
Tapos tatanungin ko sa sarili ko, "Hindi ka ba napapagod?" tapos sasagutin ko sarili ko ng "Pagod na pagod na ako." Pero syempre hindi parin ako titigil. Tanga ako e, tanggapin na lang natin.
Tapos mar-realize ko na walang nagkakagusto sa akin.
Tapos kakainin ako ng insecurities. Yung tipong gusto ko na mawala dahil sa insecurities na yon.
Tapos magpapakadepressed ako. Tapos iiyak nanaman ako gabi gabi.
Tapos magoomegle ako...
Siguro maghahanap ng taong magmamahal sa akin.
Siguro gusto ko lang may magmahal sa akin.
Siguro gusto ko lang maranasan kung papaano alalahanin, alagaan, magustuhan.
Kasi puro ako na lang yung may gusto e.
Siguro lang naman... gusto ko rin maranasan yung mga bagay na 'yon.
Siguro maaga pa. Siguro ganyan. Siguro ganito.
Bakit ba ako naghahanap ng taong magmamahal sa akin kung hindi ko magawang mahalin sarili ko?
Ako si puro paganda. Puro paganda kasi hindi pa ako kuntento. Puro paganda baka sakaling may magkagusto. Puro paganda... baka sakaling mahalin mo na rin ako.
Puro paganda... anong nangyari? Bakit pumangit? Bakit naging ganyan? Bakit naging ganto?
Nung nalayo ako sayo tiyaka ko lang napagtanto... nagpapaganda lang pala ako para sayo. Dahil nung nawala ka, nawalan na ako ng gana. Walang gana magpaganda. Dahil hindi naman ako maganda.
Tanggapin na lang natin, Andrea. Hindi ka maganda. Hindi ka si ganyan. Hindi ka si ganito. Anong gagawin mo?
Ano bang gagawin ko? Sawang sawa na ako. Lumayo na ako at lahat lahat, wala parin akong pinagbago. Bakit ganito?
Bakit ganito? Bakit ikaw parin ang nasa puso ko?
Bakit lahat ng ginagawa ko para sa sarili ko kailangan nakaduktong sayo? Bakit ako magpapapayat kung ikaw lang naman ang gusto kong makapansin nito?
Bakit ko gusto magbago...kung wala ka naman pakialam sa mga pinagagawa ko?
Bakit ganito?
Bakit ako ganito?
Bakit hanggang ngayon ganito?
Bakit hindi kita magawang alisin sa puso ko?
Putangina mo. Mahal kita.
Putangina mo. Gago ka.
Putangina naman, Andrea. Wag ka ng tanga.
From me,
Tanga.
(8/29/2016)
ps: chinat ko si iel nung isang araw. pati si juno. lol bat wala akong naramdaman masyadong spark? naexcite lang pero yun lang. wala na yung dating feeling e.
BINABASA MO ANG
la carta de amor
Non-FictionFor my love, Gabriel. Everything I've kept hidden; everything I wanted to say. How I caged the wild, how I tamed the love. How I built this wall. How I hid from you. My love that was never given, and will never be given, I hid it here in this saf...