This is really turning into a daily basis. But once I get busy, and have some good wifi. I'll probably still write but not this often.
Today, I will naratte to you what I felt when Jeanne and I visited PCC again last week. I will naratte it in tagalog. This is true, and not my imagination.
ㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇㅇ
Mainit ngayong araw.
Idagdag mo pa yung sira na aircon ng sasakyan ni Lolo, kaya sobrang init talaga. Napaka-traffic pa.
Kachat ko si Jeanne habang mabagal na umuusad ang sasakyan namin sa kalagitnaan ng traffic. Okay lang din sa akin kasi kung tutuusin ayoko masyado naghihintay ng matagal.
Dumating kami ni Lolo sa Pasig. Sa bahay ko muna bago pumuntang PCC. Tiyaka balak ko na rin isama si Jeanne pasabay. Nainform niya na rin sa akin na kasama namin si Alliyah. Iyah for short, na magpupunta sa Canada sa susunod na linggo.
Kinuha ko ang mga papeles ko sa bahay at ilan pang mga damit. Naginternet din muna ako sandali habang ang lolo ko ay nasa sasakyan sa labas. Panigurado kasi matatagalan pa si Jeanne.
Lumipas ang ilang minuto at napagpasyahan ko na matagal na ang pagiinternet ko kaya naman pumunta na ako sa sasakyan. Sinabihan ko si Lolo na magintay ng ilang saglit dahil mukhang pinapagalitan pa si Jeanne.
Maya maya rin ay dumating na si Jeanne at dumiretso na kami sa PCC. Nung una ay akala ko hindi pa kami makakapasok dahil walang dalang ID. Pero nakapasok din dahil inabot ko ang ID ko nung Gr. 8 ako.
Tinanong pa nga ako nung guard kung saan kami nagtransfer. Simula kasi pagkabata ko, naging familiar na ang mukha niya sa akin. Panigurado pati siya, naging familiar na rin sa mukha ko.
Dumiretso kami sa grounds. Sinigurado naming magingat dahil konting maling galaw lang ay may makakakita na sa amin. Baka sitahin pa kami, kung ganon. Kabilin-bilinan pa naman nung guard sa labas na bawal gumala. But honestly... who cares?
May ibang una kaming nakita. Sila Adop. Siguro unang pinalabas bago ang section nila Arianne. Ang section niyo. Dahil kaklase ka niya.
Sinugod kami sa yakap. Ang daming yumakap sa amin na mga dati kong kabatch. Hindi masyado nagfunction ang utak ko nung mga panahon na yon dahil sa tuwa at excitement. Hindi mapagkakaila na namiss ko talaga ang mga dati kong kabatch.
Maya maya din ay dumating na si Arianne at Mikee. Nauna ko pang nakita ang crush ni Arianne bago siya.
Hindi ko agad nasugod si Arianne sa yakap dahil madaming nakapalibot na sa amin. Pero sandali lang ay nagyakapan na kaming dalawa. Daig pa namin ang mga di nagkita nung summer.
Paulit ulit sa akin si Arianne na may ikukwento siya pero puro laging nakakalimutan niya.
Halos hindi ko na narinig si Arianne dahil nakita kita. Nakayakap parin ako kay Arianne at siya naman ay nakaakbay sa akin. Pareho kami ni Arianne napatingin sa inyo ni Julia na nagkukulitan.
Napaimpit na 'OMG' ako sa tabi ni Arianne at natawa siya. Naki 'OMG' din siya sa akin.
Pinilit niya akong sundan namin kayo. Nakasunod din pala sa amin sila Adop, Jeanne at Mikee. Pati ata sila Tubog ay nasama na rin. Pero hindi ko masyado napansin dahil nakita kita.
Maya maya lang din ay sinundan namin kayo ni Arianne. Balak ko sana magbackout nang mapansing pabalik na kayo at magkakasalubong na tayo. Pero pinigilan ako ni Arianne.
Kaya nang lumingon ka, ay nakita mo ako. Kami ni Arianne ang una niyong napansin ni Julia. Kaya napa 'uy' siya at tinuro ako.
"Wala kang pasok?" Tanong ni Julia sa akin.
"Wala pa. July pa pasok ko." Sagot ko. Hindi ko alam kung nagulat ba talaga siya dahil hindi na siya nakasagot sa akin. Para ngang sabog e. Pero okay lang tutal pareho naman kaming sabog.
Nag Hi ka rin sa akin, pala. Kayo ni Julia. Ako naman ay nakangiti lang na parang baliw.
Sunod niyong napansin sila Jeanne at sila ang chinika niyo. Hindi naman kasi talaga tayo close kaya di tayo masyado nakapagchikahan. Tiyaka kung tutuusin, bigla kong hinila si Arianne palayo dahil sa kilig.
Tumitili ako ng medyo malakas at medyo mahina rin kaya naman sinabihan ako ni Arianne na manahimik dahil baka mahalata mo ako.
Lumingon na kami pabalik at saka ako hinampas ni Adop ng folder ko. Lahat sila ay isa lang ang sinasabi sa akin.
"Ang swerte mo."
Pero hanggang dun lang ang swerte ko. Back to normal nanaman ako pag alis ko sa PCC.
Hindi ko na sinabi kay Arianne pero medyo nalungkot ako... Kasi akala ko nakita mo na ako bago pa ako mapansin ni Julia.
Dahil alam ko na habang nagkukulitan kayo... nagkatinginan tayo. Nakangiti ka. Ang pogi mo. Napangiti ako dahil don. Akala ko kasi talaga nakita mo ako...
Akala ko lang pala.
Kasi kung may pake ka talaga sa akin, sa isang saglit na pagkatinginan natin. Mapapansin mo na agad. Na nagbalik ako.
Kasi kung may pakialam ka, mapapansin mo.
Pero hindi.
Hinintay mo pa si Julia na maunang mapansin ako bago mo ako pansinin.
Pero okay lang yun. Masaya ako. Super. Tatandaan ko ang araw na 'to. Tatandaan ko kung paano mo ako binati.
Tatandaan kita.
Tandaan mo ako, ah.
I love you.
I miss you.
Both.
"gehdjdjckcuvhhvucushshshsdjrjfjdjjdicujhhvuvvugjsrhebbbdjcimissyoushdjdjjchfhxhxhshsshhsbshshshaagajsjdofofofidjejejeheheeueussuusudxhcciiwannaseeyouhahahahahxhxjcjcjcjxjjsjjdndnnffjfj"
From me,
Andrea
6/27/2016
BINABASA MO ANG
la carta de amor
Non-FictionFor my love, Gabriel. Everything I've kept hidden; everything I wanted to say. How I caged the wild, how I tamed the love. How I built this wall. How I hid from you. My love that was never given, and will never be given, I hid it here in this saf...