veintinueve parte dos

2 0 1
                                    

029 part 2

Masakit magmahal ng taong may mahal na iba. Mas masakit yun kung yung taong mahal niya rin ay mahal siya.

Pero paano yung mahal mo, may mahal na iba na hindi siya mahal? Masakit din ba?

Masakit din ba makita ang sarili mo sa taong mahal mo... na naghahabol sa taong mahal niya?

Masakit nga ba?

Masakit makita siyang nasasaktan ako ng dahil sa mahal niya, pero ikaw? Sinong nasasaktan para sayo?

Sinong nasasaktan para sayo na nasasaktan dahil sa taong mahal niya?

Sa taong mahal niya... na busy din maghabol ng iba.

Ano ba talaga mas masakit? 

Ang maghabol sa taong nakatali na o ang maghabol sa taong may hinahabol na iba?

Hindi ko alam ang sagot sa mga katanungan ko. Ayoko rin maranasan o malaman kung ano pa ang magiging sagot dito.

3 weeks pa lang naman, diba? 3 weeks ko pa lang gusto si Raj.

Hindi pa ganun katagal, pwede pa matanggal.

(7/28/2016)

la carta de amor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon