Chapter 3.1

24 3 1
                                    

IPINIKIT ni Guia ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang pagluluha niyon. Mukhang napagod na nang husto iyon dahil ilang oras na rin kasi siyang nagbabasa. Naroon siya sa ilalim ng malaking puno ng acacia sa open field sa campus ground dahil doon niya naisipang tumambay pagkatapos ng klase. Wala silang professor para sa huling klase niya kaya naman maaga silang pinauwi. Wala rin itong iniwan na activity sa kanila kaya naman ang mga kaklase niya, hayun at masaya. 

Pero siya, wala lang. Nanatili lang neutral sa lahat. Ang mahalaga lang naman sa kanya sa mga sandaling iyon ay maayos na niya ang magiging performance para sa musical play. Hindi niya alam kung bakit mas matindi yata ang dedication niya para lang sa performance na iyon. Hindi niya puwedeng irason na ginagawa niya iyon para kay Aria. May mas malaking rason para roon. Kaya lang, hindi naman niya matukoy kung ano.

Para bang... ginagawa niya iyon para makuha ang atensyon ng isang tao. Pero sino?

Hanggang dumating siya sa puntong hindi na niya magawang i-focus ang utak sa musical piece. Kaya ang naging diversion niya sa paparating na frustration, ang magbasa ng nobela. Mabuti na lang pala at dala niya ang ilan sa mga nobelang hindi pa niya natatapos basahin. Iyon na muna ang pinagtuunan niya ng pansin. Pero ninais naman niyang maghanap ng ibang lugar para gawin ang pagbabasa. Agad namang nagsialisan ang mga estudyante sa hallway dahil nagmamadali ang mga ito na umuwi upang makapaglakwatsa sa kung saan. Hindi naman siya nahirapang maghanap ng lugar na puwede niyang pagtambayan upang makapagbasa siya ng tahimik—na walang iba kundi ang malaking puno ng acacia. 

Nagdesisyon si Guia na magtungo muna sa clubhouse dahil may kailangan siyang kunin sa locker room niya room. Nasa kalagitnaan na siya ng open field nang may naramdaman siyang pumatak sa pisngi niya. Napatingala siya sa langit. Kapagkuwan ay sunud-sunod na mga patak na ang bumagsak sa paligid.

“Naman! Ngayon mo pa naisipang bumuhos!” angal niya habang nakatingala sa langit.

Akmang tatakbo na siya paalis sa lugar na iyon nang biglang may nagpatong ng kung ano sa ulo niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Hindi siya nakapag-react kaagad lalo na nang hilain siya ng kung sinong iyon paalis sa open field dahil lalong lumakas ang buhos ng ulan. Marahas na binalingan niya ang sinumang gumawa niyon. Pero imbes na angilan niya ang taong iyon, napasinghap na lang siya nang mapagsino iyon.

It was Lexus! He was actually helping her escape the rain.

Nakasilong man sina Guia at Lexus kaagad nang marating nila ang building ng College of Engineering and Architecture na nagkataong malapit na sa clubhouse ng Imperial Flowers, nabasa pa rin silang dalawa. Noon niya lang napansin na ang varsity jacket pala nito sa Tennis Team ang ipinatong nito sa ulo niya. Hindi niya tuloy alam ang iisipin.

“Kung kailan ka naman tumambay sa labas ng classroom n’yo kahit tapos na ang klase, saka ka pa inabutan ng ulan,” ani Lexus habang pinupunasan ng kamay nito ang sarili.

Pero si Guia, hayun at nakatingin lang sa binata. Hindi naman kasi niya alam kung ano ba ang dapat gawin—lalo na ang sabihin—dahil sa ginawa nitong iyon. Pero hindi niya nakalimutan ang isang bagay. “Thank you. 'Ayan tuloy, nabasa ka pa ng dahil sa akin.”

“Para namang hahayaan lang kitang mabasa ng ulan. Gentleman naman ako kahit papaano, 'no?”

Hindi na niya napigilang matawa sa tinurang iyon ni Lexus. “Bakit? May sinabi ba akong hindi ka gentleman, ha?”

“Naniniguro lang. Baka mamaya, iba na ang isipin mo riyan.” Tumingin ito sa langit kapagkuwan at saka bumuntong-hininga. “Wrong timing din kung bumuhos ang ulan na 'to. Kung kailan naman hindi ko naisipang magdala ng payong. Eh 'di dapat sana, magkasalo na tayo sa ilalim ng iisang payong at inihahatid na kita pauwi sa inyo.”

Lalo siyang napipilan sa sinabing iyon ng binata. Gulat tuloy siyang napatingin dito at idagdag pa ang 'di mapigilang pag-iinit ng kanyang mga pisngi. “K-kung anu-ano na naman ang lumalabas sa bibig mo. Alam mo, nakakatakot kang kasama kapag ginagawa mo 'yan.”

Nagkibit-balikat lang si Lexus at pinanood ang pagbagsak ng ulan. Kalauan ay ganoon na rin ang ginawa niya. Dark clouds loomed over but she actually found the sight quite comforting. Hanggang sa isang katanungan ang sumulpot sa kanyang isipan. 

“What do you think of the rain as it falls down? I mean, what comes into your mind whenever you watch it fall down?”

Walang nagsalita sa kanila matapos niyon. Hindi na rin matagalan ni Guia ang katahimikan at bahagyang tensyon na nakapaligid sa kanila. Babawiin na sana niya ang mga nasabi nang—

"It's how I describe love… I guess," Lexus said as he faced her with a small smile.

Lihim na ikinagulat iyon ni Guia kaya naman napatingin siya rito. Para lang makita na ilang pulgada na lang pala ang lapit ng mga mukha nila sa isa't-isa. They were just standing next to each other, that's why. Sabay pa silang nag-iwas ng tingin nang ma-realize iyon. Pero 'si nagtagal, natawa na lang sila sa ginawa.

“Grabe. Kung anu-ano na nga ang nasabi ko. Ang sarap ding umbagin nitong ulan na 'to, eh,” kapagkuwan ay sabi ni Lexus na hindi napapawi ang ngiti sa labi nito.

Hindi man gusto ni Guia, pero hindi talaga niya maialis ang tingin sa nakikitang ngiti sa mukha ni Lexus. Oo, maliit lang iyon at bihira talaga niyang makita mula rito. Pero sa hindi maipaliwanag na rason, pakiramdam niya ay napakalaking bagay na n’on. Higit pa sa sapat para makaramdam siya ng tuwa.

“Kailan pa nangyaring nauumbag ng isang tao ang ulan?”

“Nakakainis, eh! Bumubuhos na nga lang, grabe naman kung manggugulo ng takbo ng utak ng isang tao.” Umiling-iling pa si Lexus bago huminga nang malalim.

Natawa na lang si Guia at tiningala ang langit. Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan. Subalit hindi kagaya ng dati, hindi siya makaramdam ng pagkainip habang hinihintay ang pagtila niyon. “Bakit mo nga pala nasabi na dini-describe ng ulan ang love para sa 'yo?”

“Rain made me think of how I love someone. Rain is something that comes unexpectedly even though we could predict it coming. Just like love, it comes to us unexpectedly. It's something we couldn't easily avoid—it will get you whatever circumstances you have.”

Hindi makapaniwalang tiningnan ni Guia si Lexus. “Okay ka ring sumagot, ah. English na naman? Pang-pageant lang?”

“Praktisadong sagot na 'yon. At huwag mo nang kontrahin. Minsan lang akong magsalita ng tungkol dito. Kaya huwag na huwag mong ipagkakalat iyan sa iba.”

Praktisadong sagot… Ibig sabihin, matagal nang ganito ang perception ni Lexus pagdating sa ulan. Nagawa na nitong ihambing iyon sa pag-ibig na hindi naman niya inaasahang marinig mula rito. 

Pero naisip niya na kung nagawang isipin ni Lexus ang ganoong klaseng bagay, ibig sabihin ba ay nakaranas na ito kung paano ang magmahal? Posible naman iyon kung ikukunsidera niya ang pagiging sikat nito sa mga babae sa university pa lang. At kahit mali—not to mention weird—para maramdaman iyon, sapat na ang kaisipang iyon para tusukin ang puso niya nang paulit-ulit.

✔ | IMPERIAL FLOWERS BOOK 2: Guia, The Dancing Lotus FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon