“SA LAHAT naman ng mga araw na tatrangkasuhin ang ugok na iyon, bakit ngayong linggo pa?”
Kagyat na napaangat ng tingin si Guia mula sa binabasang nobela nang marinig iyon mula kay Mirui na kararating lang sa clubhouse ng Imperial Flowers. Siya pa lang ang naroon dahil maaga siyang umalis sa bahay. Agad na natuon ang pansin niya sa inirereklamo ni Mirui pagdating pa lang nito sa clubhouse.
“Sino naman ang nagkatrangkaso?” usisa ni Guia at tuluyan nang itinabi ang librong binabasa sa mesang nasa harap niya.
“Si Lexus. Kung hindi ba naman kasi sira-ulo’t kalahati ang lokong 'yon. Kalimutan ba naman kasing magdala ng payong kahapon. Alam na ngang mahina ang resistensiya niya kapag nauulanan kahit saglit lang, eh. Kahit kailan talaga, ang tigas ng ulo n’on.” At marahas na bumuntong-hininga ang dalaga.
Habang si Guia naman ay nakaramdam ng magkahalong pag-aalala at guilt dahil sa nalaman. Wala namang masama roon, 'di ba? Isa pa, kasalanan niya kung bakit ito nagkasakit. He helped her escape the rain that day, after all. Ipinagamit pa nito sa kanya ang jacket nito para lang hindi siya gaanong mabasa ng ulan. Kung alam lang niya na ganoon pala kahina ang resistensiya nito kapag nauulanan, hindi na sana siya pumayag na gawin nito iyon sa kanya.
“Itinaon pa talaga ang pagkakasakit niya ngayong may open tournament ang Falcon Knights sa Biyernes. Oh, well. Bahala na sina Kuya Kane at Kuya Errol na mamroblema sa team. Mukhang kakailanganin rin naman ng mokong na 'yon ang matagal-tagal na pahinga,” dagdag pa ni Mirui na nagkibit-balikat kapagkuwan.
“Kasalanan ko iyon, Mirui. I’m sorry…” naisatinig niya at saka hinarap ang kaibigan. “Tinulungan kasi ako ni Lexus na makatakas sa ulan kahapon. Hindi naman niya kailangang gawin iyon, eh. Pero siguro nga, ganoon na katigas ang ulo niya. 'Ayan tuloy, nagkasakit pa siya ngayon.”
Walang naging tugon si Mirui pagkatapos niyang sabihin iyon. Hindi tuloy niya maiwasang makaramdam ng tensyon sa pagitan nila.
“Kung para siguro sa 'yo, maiintindihan ko kung bakit niya ginawa iyon. At saka, alam kong alam naman niya ang consequences ng ginawa niyang iyon. Kahit alam niyang lalagnatin talaga siya, tinulungan ka pa rin niya.” Kapagkuwan ay natawa si Mirui at umiling-iling pa na ipinagtaka naman niya.
“Ano naman ang itinatawa-tawa mo riyan, ha?” Baliw lang ba ang babaeng 'to ngayon?
“Ang dami na ng da moves ni Lexus sa 'yo these past few days, ah. Ang laki ng nakikita kong pagbabago sa kanya matapos ka niyang paiyakin nang araw na iyon dito sa clubhouse. At least iyon ang observation ko. Correct me if I’m wrong, though.”
“Well, you’re wrong. Bakit naman gagawin iyon ni Lexus? Not like he cares about it.” Right? Curiosity lang marahil ang nagbunsod sa binata para lapitan siya. Nothing else.
Narinig ni Guia na pumalatak si Mirui at iiling-iling na humalukipkip pa sa kabila ng nararamdamang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. “Alam mo, Ate Guia, matagal ko nang kasama si Lexus kaya alam ko ang likaw ng bituka niya. lalo na sa pagtratong ginagawa niya sa isang tao. One thing I can tell you about his actions, he cares for you. At least in his own Lexus way, of course.”
Well, that’s a mind-blowing statement… At literal ang pagkakahulugan doon ni Guia. Dahil sa mga sandaling iyon, kalat-kalat na ang takbo ng utak niya. Lexus cared for her? That would be impossible.
ーーーーーー
“ANO? Magpapaulan ka pa ulit? Alam na nga kasing magkakasakit ka kinabukasan, sumige ka pa rin sa katigasan ng ulo mo. Kung hindi ka ba naman isang dakilang baliw.”
Kung nagkataong hindi masama ang pakiramdam ni Lexus, nakatikim na talaga ng isang matigas na sapak si Mirui sa kanya. Nakakarami na ito ng pagsasabi ng baliw at sira-ulo sa kanya, eh. Alas-singko na ng hapon at naroon ang dalaga sa kuwarto niya. Nakaupo ito sa gilid ng kama at nagpapatugtog ng gitara na iniregalo niya rito noong 15th birthday nito.
Maagang umuwi si Mirui dahil hindi raw ito mapakali sa clubhouse sa pag-aalala sa kanya. Kahit sabihin pa na pagaling na siya makalipas ang limang araw na trangkaso, hindi pa rin kumakalma ang babaeng ito. Ganoon katagal talaga siya lagnatin kaya nga laging natataranta si Mirui kapag nagkakasakit siya. Ito kasi ang madalas na mag-alaga sa kanya kapag ganitong nagkakasakit siya.
“Bakit ba kasi nandito ka sa kuwarto ko? Doon ka kaya sa kuwarto mo manggulo at nang hindi ako 'tong iniinis mo rito.”
“Wow! Makataboy ka naman sa akin, Kuya, wagas. Eh sa gusto kong tumambay rito. Bakit ba? Ang init ng ulo nito. Sa pagkakaalam ko, may sakit ka lang. Hindi buwanang dalaw ang meron sa 'yo.”
Akmang uupakan na talaga niya si Mirui pero nakalayo ito kaagad at humalakhak lang. Lalo siyang magkakasakit sa ginagawa ng babaeng ito, eh. Sa totoo lang.
“Joke lang. Ito naman. Pero nag-aalala rin sa iyo si Ate Guia. May guilt trip pang nalalaman dahil nga siya ang dahilan kung bakit ka may sakit ngayon,” sabi ni Mirui nang muling maupo sa gilid ng kama.
Agad napukaw ang atensyon ni Lexus pagkarinig sa pangalan ni Guia. “Ano'ng sinabi mo sa kanya?”
“Na walang dahilan para ma-guilty siya dahil alam mo naman ang consequences ng ginawa mo. Pero malabong makikinig iyon sa sinabi ko.” Nagkibit-balikat si Mirui kapagkuwan.
Habang siya ay natahimik sa sinabi ng dalaga. Mukhang kailangan na nga talaga niyang madaliin ang pagpapagaling para mapanatag ang loob ni Guia. Tama nang siya ang mag-alala para rito.
“Rui, tutal gusto mong manggulo nang husto rito, patugtugin mo nga 'yong favorite song ko,” utos ni Lexus.
Kunot-noong hinarap siya ni Mirui. “Alin doon? Ang dami kaya n'on.”
“'Yong lagi kong pinapatugtog sa piano ni Dad,” aniya na ang tinutukoy ay ang piano ng stepfather niya.
Iyon ang hindi alam ng madla sa kanya. Gaya ng kawalan ng kaalaman ng mga ito sa paglalaro ni Mirui ng tennis.
Agad na napalitan ng panunudyo ang pagtataka sa mukha ni Mirui. “In love ka lang talaga, 'no, Kuya? In denial ka rin, eh, ha?”
“Rui...” may pagbabanta nang tawag niya sa pangalan nito.
“Okay, okay. Kung iyon ang gusto mo, eh 'di sige. Habang hinihintay din nating matapos maluto ni Manang Esther ang dinner natin. Kakantahin ko pa ba 'yong lyrics?”
Tumango siya. Ilang sandali pa, nag-umpisa nang tumugtog si Mirui gamit ang gitara nito. Pambihira! Ano na naman ba ang pumasok sa isip niya at inutusan niya si Mirui na patugtugin ang kantang iyon?
And it was a Japanese song, at that.
Epekto siguro ng pagkakaroon ng Japanese na stepfather at half-Japanese na half sister. Pero kahit ibang lengguwahe pa ang paborito niyang kanta, ang kahulugan niyon ang mas mahalaga sa kanya.
“Sore ni egaita mirai wa... Te wo tsunaide waraiatte iru... Sonna sukoshi no shiawase de ii noni wa... Kanawanai no?”
Isang munting pangarap lang iyon mula nang makita niya ang isang partikular na babae noong second year college siya. Hindi nito alam ang ngiting nagawa niyang ipakita nang masilayan niya itong masayang-masaya sa ginagawa nitong pagsayaw sa stage.
Iyon din ang unang pagkakataon na narinig niya ang kantang kasalukuyang inaawit ni Mirui dahil ang instrumental version niyon ang ginamit ni Guia sa production number nito nang mga panahong iyon.
“Hontou wa ne soba ni ite hoshii noni... Demo umaku kimi ni tsutaerarenai... Todokanai kimochi to wakatteru kedo... Nee semete suki de isasete... Onegai...”
Allow him to stay in love? Even if his feelings won't reach? Hanggang kailan niya hahayaang manatiling ganoon?
BINABASA MO ANG
✔ | IMPERIAL FLOWERS BOOK 2: Guia, The Dancing Lotus Fairy
Teen Fiction『COMPLETE』 Book 2 of "Imperial Flowers", an Alexandrite University romance series Story of Guia Krystelle Medrano and Lexus Willard del Fierro ーーーーーー Para kay Guia, karugtong ng buhay niya ang pagsasayaw. Kaya naman ganoon siya kalungkot at tila...