Chapter 11.2

13 1 0
                                    

GUSTO nang mainis ni nang husto ni Guia sa sarili. Hindi na ba talaga siya titigil sa pag-iyak. Wala na ngang nagagawang maayos iyon sa kanya, 'di ba? Kaya bakit ayaw pa rin siyang tigilan niyon?

Isinubsob na lang niya ang mukha sa mga kamay nang halos pabagsak siyang naupo sa stage ng auditorium. Sinusubukan niyang bumuo ng isang dance routine on the spot sa stage na iyon. Pero kabi-kabila ang pagdagsa ng mga alaala sa isipan niya dahil sa ginawa. Lahat ng iyon ay patungkol sa lalaking dahilan kung bakit pinipilit niya ang sarili na patunayang nagawa na niyang labanan ang takot sa dibdib.

Hindi takot ang nagpapahinto kay Guia sa pagsayaw sa lugar n iyon, kundi ang mga alaala niya na kasama si Lexus.

Patuloy lang sa pagtugtog ang kanta mula sa iPod niya. Pero naroon lang siya, walang tigil sa pag-iyak at wala na ring planong kumilos pa.

I guess I failed, huh? Kung kailan naman nasa final stage na ako.

Ilang sandali ring ginawa ni Guia ang lahat para kalmahin ang sarili. Kung hindi niya magagawa ang dapat na gawin ngayon, puwede niyang subukan bukas.

"I guess I failed to help you, huh?"

Pakiramdam ni Guia ay tumigil sa pagtibok ang puso niya. Napasinghap siya nang sa paglingon sa direksyon pinagmulan ng tinig na iyon ay nakita niya ang 'di inaasahang tao. Pero sa loob-loob ay ilang beses niyang pinangarap na mangyari iyon.

Hindi naman siguro siya nagha-hallucinate o nananaginip lang, 'di ba? "L-Lexus..."

Napatunayan niya na totoo ang nakikita nang lumakad ang binata palapit sa kanya at inilahad ang isang kamay. Nakatingin lang siya rito ng ilang sandali bago nag-aalangang kinuha ang kamay nito. Ganoon na lang ang pagtataka niya sa nakitang lungkot at pag-aasam sa  mga mata ni Lexus habang hindi inaalis ang tingin sa kanya.

Teka, para saan ang mga iyon?

"Ganoon ba talaga kahirap para sa 'yo na sumayaw sa stage na 'to? Hindi ba talaga sapat ang lahat ng ginawa kong paraan para matulungan ka?" disappointed at puno ng lungkot na tanong ni Lexus bago nito pinahid ang kanyang mga luha.

Pero lalo lang siyang napaiyak sa ginawa nito. Na-miss niya ang pag-aalala nito, ang concern nito sa kanya. Maging ang mga ginagawa nito para pakalmahin siya kapag umiiyak siya.

"I'm sorry, Guia," puno ng pagsisising sabi ni Lexus.

Nag-angat si Guia ng tingin at matamang tiningnan ang binata. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagpitlag nito na ginawa niya pero hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Hindi na muna niya pinagtuunan ang pagbilis ng tibok ng puso kahit parang pinipiga rin iyon sa nakikitang lungkot at pagsisisi sa mga mata nito.

"Ano'ng inihihingi mo ng sorry? Iyong pagtataboy mo sa akin ng walang dahilan? Iyong pag-iiwan mo sa akin sa ere na hindi pa natatapos ang sinasabi mong misyon mo na bumalik ako sa pagsasayaw?" Garalgal man ang tinig habang sinasabi iyon, ipinagpatuloy pa rin niya ang pagsasalita. "Alam mo, palagi ka na lang ganyan, eh. Gagawa ka ng isang aksyon na wala man lang signal na gagawin mo iyon. Ni ha ni ho, wala. Kaya ngayon pa lang, linawin mo na sa akin kung ano ba ang inihihingi mo ng sorry habang kaya ko pang makinig sa 'yo."

"Marami. Handa naman akong isa-isahin iyon kung gusto mo. Alam kong nasaktan kita nang basta na lang kitang itaboy. Isa iyon sa ihihingi ko ng tawad sa 'yo. At sa palagay ko, hindi lang iisang beses na iniwan kita sa ere. Lagi na lang kitang pinag-iisip sa mga nagiging kilos ko pagdating sa 'yo. Hindi lang talaga ako siguro magaling sa pagpapaliwanag," saad ni Lexus na mahigpit ang pagkakahawak sa isang kamay niya.

Kahit nagtataka sa kung ano na naman ang totoong saloobin ng lalaking ito na mahal na mahal niya, nanatili pa ring nakikinig si Guia. Kaya pa naman niyang pakinggan ang iba pang sasabihin nito.

✔ | IMPERIAL FLOWERS BOOK 2: Guia, The Dancing Lotus FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon