KAHIT hindi pa rin magawang kalmahin ni Guia ang sarili ay pinilit pa rin niyang lakasan ang loob para makarating sa closed court. Hindi na talaga niya matatagalan ang patuloy na pag-iwas sa kanya ni Lexus sa kanya. Ayaw na niyang patuloy na bigyan ng palaiaipan ang sarili kung ano ba ang maling nagawa para gawin nito iyon sa kanya.
Tinimbrehan siya ni Mirui sa oras ng pagdating ni Lexus sa closed court. Ayaw niyang makakuha ng atensyon ng mga ka-teammate ng binata sa gagawing pagkumpronta rito. Kaya sinabihan niya si Mirui na siguraduhin nito na wala ang ibang Falcon Knights sa closed.court. At ayon sa kasamahan, mag-isa lang ito sa locker room nang mga sandaling iyon.
Ngayon nga ay naroon na siya sa pinto ng locker room. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago kumatok ng ilang beses. Unti-unting bumibilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay na bumukas ang pintong iyon, kung may magbubukas man. Hindi naman siya nabigo.
Bumukas ang pinto at pareho pa silang natigilan ni Lexus nang magtama ang kanilang mga mata. Bumahid din ang pagkagulat sa mukha ni Lexus pagkakita sa kanya.
"Umm... P-puwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang. And please... Huwag mo akong iiwasan this time," nangingilid ang luhang pakiusap niya.
Walang salitang lumabas kay Lexus. Pero niluwagan nito ang pagkakabukas ng pinto. Agad naman siyang pumasok sa locker room. Ngayon ay doble ang kabang nararamdaman niya, lalo na sa kaalamang silang dalawa lang ang naroon at balot pa ng tensyon ang paligid.
Sa kabila niyon ay hinarap pa rin ni Guia si Lexus. Kahit blangko ang ekspresyon nito, kahit nasasaktan na talaga sa pagiging malamig nito, tiniis niya iyon. Gusto niyang malinawan, at iyon ang mahalaga sa kanya.
"A-ano'ng pag-uusapan natin?" walang emosyong tanong ni Lexus.
Mariin siyang napapikit para pigilin ang nagbabadyang pagtulo ng kanyang luha. Agad din siyang nagmulat ng mga mata at tiningnan si Lexus.
Nakatingin lang ito sa isang bahagi ng locker room. Hindi talaga nito gustong tingnan pa siya.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? May naging kasalanan ba ako para bigla mo na lang akong iwasan? Basta ka na lang kasing nagbago, eh."
Pero walang naging tugon ang binata. Nanatili lang itong nakaiwas ng tingin sa kanya. Para bang ayaw na talaga nitong makita siya. Imposibleng nahihiya lang itong tingnan siya. Hindi nito gagawin iyon kung nahihiya lang.
Something was wrong and she knew it. Iyon ang gusto niyang malaman.
"I just got tired. That's it," sagot ni Lexus kapagkuwan.
Hindi niya napigilang mapaismid. "Just got tired?" sarkastikong ulit niya. "Matapos mo akong bigyan ng sangkaterbang emotional stress dahil sa kagustuhan mong tulungan ako, sasabihin mo na lang na napagod ka na? Bakit hindi mo pa ako diniretso kung ganoon din lang pala? Nang sa gayon, hindi na umabot sa sangkaterbang guessing game para lang malaman kung bakit bigla-bigla ay nilayuan mo na ako."
"Bakit? Kung sasabihin ko ba sa 'yo, gagawin mo kaagad?"
"Bakit hindi ko magagawa? Nasanay nga ako na lumalapit ka lang sa akin kapag tungkol kay Mirui ang isyu, 'di ba? But this time, I'll pretend that you never approached me at all. Madali lang naman iyon, eh." Hindi na napigilan ni Guia ang pagtulo ng kanyang luha pero agad din niyang pinunasan iyon.
Ano ba 'tong nangyayari sa kanila ni Lexus? Paanong umabot sa ganito? Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito pero sandali lang. Agad ding napalitan iyon ng pag-aalals, siguro ay dahil sa pagluha niya.
Muli niyang hinarap ang binata. "Alam mo, okay na sana, eh. Kung nagtuloy-tuloy lang ang lahat, magagawa ko nang makasiguro. Pero dahil sa mga sinabi mo, ngayon alam ko na kung saan ako nakalugar sa buhay mo. At sigurado na rin ako na kahit pagkakaibigan, hindi na pupuwede sa ating dalawa."
Tila may bumara sa lalamunan ni Guia habang sinasabi ang mga iyon. Nang tingnan niya si Lexus, nawalan na ng buhay ang mga mata nitong minsan ay hinangaan niya. Lumabo na kapagkuwan ang tingin niya kay Lexus dahil na rin sa walang tigil na pagtulo ng kanyang luha. Pero wala na siyang pakialam. At least gusto niyang ipakita sa lalaking ito kung gaano kasakit ang ginawa't sinabi nito.
"Huwag kang mag-alala. Ito na ang huli. Hindi na ako lalapit sa 'yo. Gagawa na rin ako ng paraan para iwasan ka at nang hindi ka na mahirapan," garalgal na ang tinig na sabi ni Guia at walang lingon-likod na nilisan ang lugar na iyon.
Hindi na siya nag-abalang punasan ang kanyang mga luha at dire-diretsong lang siya sa paglalakad. Tiyak na ang direksyong tinatahak niya--patungo sa clubhouse.
Nang makarating doon ay agad siyang nagtungo sa banyo at ini-lock iyon. Doon niya inilabas ang sakit at hapdi na ibinigay sa kanya ng confrontation nilang iyon ni Lexus.
She cried with all she got, knowing that the pain she was feeling at the moment was nothing compared to when Jeric and his other girlfriend destroyed her dream to dance two years ago.
Hindi lang naman pangarap na maipagtapat at matugunan ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Lexus ang nawasak nang mga sandaling iyon. Kasama na rin doon ang puso niyang nagawang magmahal sa ikalawang pagkakataon kasabay ng pagtulong nito na buuin ang pangarap na minsan niyang tinalikuran.
ーーーーーー
THIS wasn't how Lexus wanted things to turn out between him and Guia. Pero nangyari na. Nasabi na niya ang mga kasinungalingang iyon. Alam niyang nasaktan niya ang dalaga dahil doon pero hindi na talaga niya napigil ang sarili.
Nagmistulang blangko ang isip niya nang sabihin ni Guia na kahit pagkakaibigan ay hindi na puwede sa kanilang dalawa pagkatapos ng mga sinabi niya. Iyon ay kahit ilang beses niyang pilit at sa hindi nakakabiglang paraan na ipinakita niya rito ang kanyang tunay na damdamin. Idagdag pa na hindi pa rin maalis sa isip ang nakitang tagpo sa hallway.
Mukhang nagkakamabutihan naman na ulit sina Guia at Jeric. Kaya ano pa ang silbi ng pananatili niya sa tabi ng dalaga? Isa pa, mukhang hindi naman na siya kailangan nito para tuluyang labanan ang kung ano pang natitirang takot dito.
Nahilamos niya na lang ang mukha at inihagis ang hawak na tennis racket sa dingding ng locker room sa sobrang galit at inis.
Tama ba talaga ang ginawa niyang ito?
Sa unang pagkakataon, ginawa niya ang isang bagay na matagal na niyang hindi nagagawa. Pero wala na siyang pakialam. Sa sobrang sakit na nararamdaman dahil sa kinahinatnan ng pag-uusap nilang iyon ni Guia, ang pag-iyak na lang ang pinakatahimik na paraan para mailabas ang nararamdaman.
BINABASA MO ANG
✔ | IMPERIAL FLOWERS BOOK 2: Guia, The Dancing Lotus Fairy
Teen Fiction『COMPLETE』 Book 2 of "Imperial Flowers", an Alexandrite University romance series Story of Guia Krystelle Medrano and Lexus Willard del Fierro ーーーーーー Para kay Guia, karugtong ng buhay niya ang pagsasayaw. Kaya naman ganoon siya kalungkot at tila...