Chapter 10.2

3 1 0
                                    

KAHIT wala pang matinong tulog mula kagabi, pinilit pa rin ni Guia ang sarili na tumayo sa kama. Hindi na siya puwedeng um-absent. Tatlong araw na siyang hindi pumapasok. Kapag pinatagal pa niya iyon, tiyak na magtataka na ang mga kasamahan niya.

Kaya pa naman siguro niyang tiisin ang sakit. Oo nga, mahirap. Isa pa, hindi niya gustong mag-alala pa nang husto ang nanay niya. Kahit sabihin pa na alam na nito ang dahilan kung bakit gabi-gabi ay umiiyak siya, hindi pa rin rason iyon para bigyan niya ito ng alalahanin.

Nang makapaligo at makapagbihis, agad siyang nagtungo sa dining room kung saan abala ang kanyang ina sa paghahanda ng almusal nilang dalawa. Kitang-kita niya ang pagdaan ng gulat sa mukha nito pagkakita sa kanya. Agad ding napalitan iyon ng pag-aalala nang makaupo na siya sa harap ng mesa.

"Sigurado ka ba na kaya mo nang pumasok, anak?"

Tumango siya at malungkot na ngumiti. "Kailangan, 'Ma. Hindi naman puwede na kalimutan ko ang dapat kong gawin dahil lang nasasaktan ako."

Sooner or later, Guia knew she had to face him, anyway. 'Kahit alam kong hindi na yata mawawala sakit na ibinigay ni Lexus sa puso ko,' dagdag niya sa isipan. Huminga siya ng malalim kapagkuwan at inumpisahan na ang pagkain.

"Hindi ko akalaing magagawa sa 'yo ng batang 'yon ang ganoong bagay," iiling-iling na wika ng ginang.

"Ganoon naman talaga, 'di ba? Ang sabi nga nila, 'The person you trusted or even loved can sometimes hurts you the most.' Hindi ko lang inasahan na kaagad kong mararanasan iyon," mapait niyang tugon. Bigla ay nahirapan siyang lumunok nang makaramdam ng tila pagbara ng lalamunan.

Grabe naman! Iiyak na naman ba siya? Hindi puwede.

"Patunay lang kung gaano mo kamahal si Lexus. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit niya ginawa sa 'yo ang ganito. I really thought he loves you."

Tila tumigil sa pagtibok ang puso ni Guia sa narinig. Kapagkuwan ay napatingin siya sa ina, puno ng pagtataka ang mukha.

"Lexus loves me? 'Ma, kung totoo ang sinasabi mo, hindi na sana ganito ang nararamdaman ko ngayon." Imposible ang sinasabi nito.

"Minsan din akong nagmahal, Guia. Kaya alam ko at nakikita ko kung ano ang itsura ng taong nagmamahal. Of course, hindi ko pa rin alam ang totong iniisip niya habang tinitingnan ka na hindi nawawala ang pagmamahal na iyon sa kanyang mga mata. But I could tell that he had held that feeling in his heart for a long time," seryosong turan ng kanyang ina bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Napailing na lang siya matapos tingnan ng ilang sandali ang ina. Bakit ganoon ito? Why was her mother continue to give her false hopes? Hindi siya mahal ni Lexus at iyon ang totoo. Patunay na ang ginawa nitong pagtataboy sa kanya.

ーーーーーー

KAHIT na sa totoo lang ay gusto nang ihagis ni Lexus ang hawak niyang tennis racket, pilit pa rin niyang pinipigilan ang sarili. Wala nang magagawang maganda sa kanya ang palaging moody at mainitin ang ulo. At ang mas malala, nawawala na ang matinong daloy ng isip niya nitong mga nakaraang araw.

Mag-iisang linggo na rin pala mula nang huling beses silang magkita't magkausap ni Guia. Pero sa totoo lang, walang tigil na minumura niya ang sarili dahil sa nangyari. Kahit sabihin pa na wala naman siyang puwedeng panghawakan kay Guia para manatili ito sa tabi niya, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para itulak na lang ito palayo.

Kaya ngayon, siya ang nagdurusa sa kagaguhang ginawa. Oo, aaminin niyang gago siya. Iyon naman ang totoo. Sa katunayan, hinihintay niya na isigaw iyon ni Errol sa mukha niya. Alam niya na may ideya na ito sa nangyari sa kanila ni Guia. Imposibleng hindi nito alam iyon.

"Captain, wala ka talagang planong magpahinga muna? Lie low ka lang muna kahit sandali. Hindi ko na maatim na makita kang ganyan, eh," nag-aalalang sabi ni Selwyn nang lapitan nito si Lexus.

Pero marahas na iling lang ang naging tugon niya. Walang pahinga ang makakatulong sa kanya sa mga sandaling iyon. "Okay lang ako." Kahit hindi, mapait niyang dagdag sa isip.

"Anong okay ang pinagsasasabi mo riyan? Eh mas malala ka pa kay Theron noong depressed 'tong Iceman ng team natin dahil sa nangyari sa kanila ni Mirui. Ngayon, ikaw naman ang problemado at nawawala sa sarili," mariing saad ni Kane.

Tiningnan ni Lexus ng masama ang kaibigang halos kaedad niya pero hindi man lang natinag si Kane. Para bang inaasahan na nito iyon. Marahas siyang bumuntong-hininga kapagkuwan at napahilamos ng mukha. "Alam mo kung bakit ako nagkakaganito? Dahil ngayon ko lang na-realize kung gaano ako kagago."

"Akala ko aabutin ka pa ng siyam-siyam bago mo maisip iyan."

Lahat sila sa Falcon Knights na naroon sa closed court ay napalingon sa pinagmulan ng pamilyar na tinig na iyon. Ganoon na lang ang gulat at pagtataka ni Lexus nang makitang palapit sa kanila si Mirui.

Ano ang ginagawa nito sa closed court? At bakit... hindi niya maipaliwanag ang kaseryosohan sa mukha ng dalaga? Noon lang niya nakitang ganoon ang kapatid. Nang tingnan niya si Theron ay nagkibit-balikat lang ito. Bakas sa mukha ng isa pang kapatid niya ang pagtataka sa kilos ni Mirui.

Dapat na ba akong kabahan?

✔ | IMPERIAL FLOWERS BOOK 2: Guia, The Dancing Lotus FairyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon