Raiter Vinzce Lockheart also known as Ravin Lockheart , a well known CEO of VineLockheart Airlines. 32 years of age, father figure of two children namely Arzen ryke, 4 and Viena Renei,3.
He is single, yummy, hot, macho, malaki ang-
"What the heck Larrylone!"
Naiinis si Zea sa kanyang kaibigan. Kasalukuyan itong nagbabasa ng bachelors magazine kung saan na feature ang sinasabi nitong Ravin Lockheart and she is sure na hindi na kasama sa magazine na binabasa nito ang mga huling sinabi.
Habang hawak nito ang magazine ay hindi nya sinasadyang nakita ang muka ng masungit na lalaking namahiya sa ilang empleyado sa paborito nyang coffee shop.
Kakagaling nya lang ng araw na iyon sa kanyang boutique ng maisipan nyang bumili ng coffee, naeexcite pa syang pumasok dahil finally pagkatapos ng sobrang busy nyang araw ay magkakaroon na sya ng pahinga. But, to her dismay ay isang lalaking walang habas na naninigaw sa dalawang crew ang kanyang nabungaran. Galit na galit ito at sinasabihang stupid ang dalawang tao na nakatungo lamang dito.
Gusto nya sanang lapitan ang lalaki at awayin, nais nyang ipagtangol ang dalawang tao na walang magawa sa paninigaw nito ngunit mas minabuti nya nalang na manahimik. Tumalikod sya sa mga ito at naiinis na umalis doon.
"Love, he's really hot! Look!"
Nahinto lamang ang kanyang pag-iisip ng magsalita si Larry.
"Hot-in mo muka mo! Napaka nyang lalaki na yan. Kaya pwede ba ilayo mo sakin yang magazine na hawak mo!"
"Ang sungit ah.Why? what did he do to you? Don't tell me isa ka sa mga babaeng napa uhh ahh nya?"
"Larrylone!!! Kahit kelan talaga yang bibig mo!"
Binato nya ng unan ang kaibigan dahil sa eskandalosong bibig nito.
Buti nalang at nasa condo nya sila ngayon kaya't malaya itong nakakapag salita ng kung anu-ano at malaya din itong mag labas ng totoong anyo.
"Oops! Serrey, virgin pa nga pala yang tenga mo." Sabay halakhak nito.
"Pero seryoso love, anong ginawa sayo ng Hot na pinsan ng Jowa ni mika?"
Tumungo pa ito sa kanyang harap at nag-abang ng kanyang sagot.
"Sakin wala, pero doon sa dalawang crew ng favorite coffee shop ko meron!"
"Ano nga?"
"Sinigawan nya sila."
"Lab, grabe naman. Sumigaw lang hinusgahan muna agad? Malay mo may mali yung mga crew kaya nagalit si papa Rawrrvin."
Maarteng pagkakasabi nito. Minsan nagtataka sya kung pano ba naitatago ni Larry ang totoong anyo at nag mimistulang heartthrob sa paningin ng kababaihan sa labas kahit pa lalaki rin ang hanap nito.
"Lab, ang pogi mo pala no? Sayang ka!"
Matamis nya pa itong nginitian.
"Hoy! Azalea Montes, tigilan mo yan. Kadiri ka!" sabay irap nito sakanya.
Natatawa naman sya sa naging reaksyon nito. He really hated being called handsome kahit totoo naman. Kaya kapag gusto nila ni Mika na asarin ito ay tinatawag nila itong pogi o gwapo.
"Doon ka nalang kay Rawrrvin, ang hot daddy Lockheart."
Napakalandi ng pagkakasabi nito sa pangalan ng lalaking ikinaiinisan.
"Rawrrvin really love? Para kang ewan. Saka you metioned na he's the father figure of the two kids diba? Why is that?"
"Hmmm. Curious eh!"
"Nope!" she even emphasize the P. "Gusto ko lang malaman bakit sya naging father figure eh ang sama ng ugali nya?"
"Judgmental nito." Inirapan pa sya ng binata. "Sya yung tumatayong ama kasi tegi na yung mga magulang nung mga bagets. According to this article. Ravin Lockheart became Ryke and Renei's father when his younger sister and its husband died on a plane crash two years ago."
Para namang naawa sya sa dalawang bata pag karinig sa sinabi ng kaibigan.
"Ang bata pla nilang naulila."
"Korak! Kaya wag mo agad husgahan ni papa Rawrrvin. Siguro nga masungit sya pero, according dito sa article. He is a good and loving brother, son and father. Kaya nga yung iba ang tawag sakanya The famous Daddy." Mahabang litanya nito.
"Ang korny naman ng tawag nila."
"Anong korny ang hot kaya." Pag kontra nito sakanya. Napaka fan boy-girl naman ng best friend nya.
"Anong hot doon? Ang baduy nga eh. The Famous Daddy! baka arogant ruler. Tsss!"
_____________________________________
A/N:
Hi loves,
ito na po yung book 3 ng mga Lockheart, sana po suportahan nyo sila gaya ng suportang natangap ni Kien at Aaron. hihi
Enjoy reading loves, just comment your suggestion and insight, you can pm me aswell kung may mga tanong at mga kung ano ano pang kaganapan at kahilingan. ^___^.
-M
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
Fiksi UmumRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...