Maagang nagising si Zea upang mag ayos papuntang Davao.
Pag katapos na pag katapos ng selebrasyon ng kasal ng kanyang kaibigan ay agad syang nag pahatid kay Larry upang makapag pahinga. Ayaw nyang mag mukang haggard sa photoshoot kaya naman pinilit nyang makakuha ng tulog kahit pa nahihirapan sya.
Hindi kasi mawala sa kanyang isip ang muka ni Ravin habang nakatingin sa kanila ni Josh. Pakiramdam nya ay ang laki ng naging kasalanan nya dahil malungkot ito kahit pa hindi naman nya alam ang dahilan.
“Haiyz Zea, stop thinking about him.” Bahagya nya pang tinapik tapik ang kanyang mukha habang nakaupo sa kama.
Akmang pupunta na sya ng banyo ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone.
“Maybe its Josh. Ang aga naman.” Napangiti sya sa naisip. Dali dali nyang tinignan ang dumating na mensahe. And she’s right it was from Josh, pero ng mabasa ang text nito ay nawala ang kanyang ngiti.
“Zea, I’m sorry. I have an emergency that’s why I can’t pick you up. I can’t also make it to the photoshoot, I’ve already informed the staff about it and I’ve asked my cousin Ravin to temporarily take my place as a model. Hope you don’t mind. Again I’m sorry.”
Hindi nya alam kung kinakabahan ba sya o naeexcite o nadismaya. But, she’s sure I was not the latter.
Nag reply sya sa mensahe nito bago nagtuloy sa banyo upang maligo.
Halos thirty minutes na syang tapos maligo but, she still can’t decide what to wear. Halos lahat na ata ng mga damit nya sa closest at nailabas na nya ngunit wala syang mapili doon.
“Argh, what the heck is wrong with Zea?”
Naiinis parin syang nakatingin sa mga damit na nag kalat sa kanyang kama. Hindi nya alam kung bakit sa dinami dami ng mga ito ay wala syang magustuhang isuot na sa tingin nya ay mag mumuka syang maganda.
“Nakakainis! Kelan ka pa na insecure pagdating sa kalalabasan ng damit mo?”
Dahil sa sobrang frustration na nararamdaman ay ibinagsak nya ang katawan sa higaan. Wala na syang pake kung malukot man ang ibang damit na madadaganan nya. Naiinis sya dahil kagabi pa sya nakapag ayos ng gamit na dadalhin, even those she would wear today. Pero sa hindi nya malamang kadahilanan ay biglang nawala ang lahat ng plano nya.
Ilang sandali pa syang naka higa sa kama ng marinig nyang may nag doorbell.
Maybe it’s Larry. Dahil hindi sya makapag decide kung ano ang isusuot ay mag papatulong nalang sya sa dito.
Agad syang lumabas ng kwarto at nagmamadaling binuksan ang pinto upang papasukin ang kaibigan.
“Love, Good thing you’re here. Mag papatulong ako sayong-
She suddenly stopped ng mabungaran ang bisita. Hindi ito si Larry.
“Shit!” she heard him cussed. Dali dali itong pumasok sa loob ng kanyang condo, itinulak pa sya nito ng bahagya dahil medyo nakaharang sya sa pinto.
Pag kapasok ay mabilis nitong ibinalibag ang pintuan pasara.
Nairita naman sya sa ginawa ni Ravin. Yeah! Its him.
“Excuse me Mr. Lockheart pero kung makabalibag ka ng pintuan ganon ganon nalang. Nakakahiya naman po sayo, ikaw na nga po itong basta basta pumapasok ng hindi naman iniimbitahan ikaw pa may ganang magdabog. Nakakahiya naman po diba?” she can’t help but to be sarcastic.
Kahit kailan talaga ay napakagaspang ng ugali nito. Nag sisisi tuloy sya kung bakit hinayaan nya ang sariling mapuyat sa pag-iisip dito.
“Shut-up woman. Go to your room now!” namumula na ang muka ng binata.
At talagang sagad sa kapal ng muka. Kung makautos parang isang hari.
“Wow! Just wow Mr. Lockheart. May I just remind you that this is my house so don’t you dare mandate me. Kung sa labas umuubra yang kagaspangan ng ugali mo pwes spare me. I am not your damn servant so stop bossing around especially when your in my place!”
Pakiramdam nya ay sasabog na ang kanyang muka sa sobrang inis. At ang hudyo nakapamewang pa sa harap nya habang nakahangad at nakapikit ang mata.
Mas lalo syang nairita sa nakita. Pakiramdam nya ay hindi ito seryoso sa kanyang sinasabi. Hindi man lang nito magawang tumingin sa kanya.
Ilang sandali pa ay narinig nya itong mahinahong nag salita. “Zea please. Go to your room now.”
Kumabog naman ng malakas ang kanyang dibdib. Gosh! Why does her name sounds perfect when he calls it?
“Why would I? at bakit ba naka hangad ka? Kung pumunta ka lang dito para manigaw at mag hanap ng butiki sa kisama pwes Mr. Lockheart, you’ve gone to wrong place. Umali-
“Please wifey.” Tumitig ito sakanya. Nang salubungin nya ang mga mata nito ay nakita nya ang pag pipigil ni Ravin.
Why is he suppressing himself?
Mas lalo lang lumakas ang kabog ng kanyang dibdib sa kakaibang ipinapakita nito sakanya.“Ano bang pinag sasabi mo?” thank goodness she did not stammer.
“Wifey, umakyat ka na sa kwarto mo please. Kasi ang hirap hirap ng mag pigil. You looked so hot and even hotter when you get mad and swear to all holy up there pag hindi ka pa umakyat ngayon Ihihiga kita sa sofa and I’m gonna ripe that lacy underwear of yours and take you right here right now hard and fast till you become sore.”
Sa narinig ay biglang nag-init ang kanyang pisngi. Nang tignan nya ang sarili ay ganun nalang ang panlalaki ng kanyang mata ng mapagtantong tanging panloob lamang ang kanyang suot.
“Oh my gosh!”
Nang tignan nya si Ravin ay nakita nya ang pagnanasa sa mga mata nito kayat dali dali syang tumakbo papuntang kwarto.
“Bwisit ka Lockheart! Manyak!” she shouted.
__________________________________
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
Ficción GeneralRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...