10

38.6K 1K 24
                                    

“Hoy, babaita ano na? Kung hindi ka mag kukwento sasabihin ko kay Mika para sya mag tanong sayo.”


Nakapamewang pa si Larry habang nakaangat ang kikay na nag tatanong sakanya.



Mag dadalawang linggo na kasi syang kinukulit ng kaibagan tungkol sa naganap na Kissing scene sa kanyang boutique. Pero dahil kahit sya ay hindi maipaliwanag ang nangyari ay hindi nya ito masagot sagot.



“Common love, I already told you to open that topic after Mika’s wedding. I have to focus on the dresses and the event itself remember? Isa pa, you can’t tell that to Mika, cause if you do that mabubuking tayo. Bukas na man na yung grand event so please next time na yan.”



Nag papacute sya sa kaibigan. Yumakap pa sya sa bewang ng binata para lang mag paawa epek nasana kagatin nito.



“Fine, siguraduhin mo lang na ikukukwento mo lahat ah. Naku kang babae ka.”



Tumango tango naman sya nang mabilis na parang bata.


“ Oh pano, I’ll go ahead. Ichechek ko yung mga gagamitin sa photoshoot natin sa Davao sa makalawa. Ingat ka dito ok?”


Tumango nalang sya dito at humalik sa pisngi bago nag paalam. 


Sa nakaraang linngo ay wala syang ibang ginawa kundi abalahin ang sarili sa pag aayos ng kasal ng kanyang best friend.  Matapos kasi ang insidenteng naganap sakanila ni Ravin sa loob ng kanyang opoisina ay hindi na sya natahimik.


Kada mag-iisa sya ay naaalala nya ang nangyari sa kanila. Kung pano sya hinalikan nito at kung paano nya iyon tinugon with the same intensity as he has. Naaalala nya rin na matapos ang halos labing limang minutong kissing scene ay bigla nya nalang itong itinulak at tumakbo sya palabas ng kanyang boutique.



Alam nyang lahat ng nakasaksi ay nagtataka sa nangyari but, good thing no one dares to ask. Even her friend Josh na pinsan ni Ravin ay hindi rin nagtanong.



Ang tanging taong nagtatanong lang sakanya tungkol doon ay si Vien. But, since she is still a baby ay hindi nya ito masisisi even she really make her felt akward.



Naalala nya pa nga ang sinabi nito sakanya kinabukasan nung magkita sila. “Tita fewie, no longer sick? Daddy’s kiss took it away?”



Hindi nya malaman ang isasagot sa bata. Buti nalang at nakaramdam si Mrs. Lockheart ang ina ni Ravin na syang may bitbit dito. Iniba nito ang usupan hangang sa nakalimutan na ni ito ni Vien.





“Argh! Stop thinking about him Zea. Mag focus ka sa ginagawa mo.”



She felt frustrated now. Naalala nya ulit kasi ito. Mas nakakadagdag pa ng kanyang iniisip kung paano ito pakikitunguhan bukas. Nalaman kasi nya na nagkaroon ito ng conference meeting sa ibang bansa dahilan ng pagiging MIA nito ng mga nag daang araw.


Ngunit bukas, dahil ito ang araw ng kasal ni Mika at Kien ay malamang na nadoon ang binata.




“Ahhhhhh bwisit ka Ravin Lockheart bwisit. Get the hell out of my head you smug. Get out! Get out!” sinabayan nya pa ng pag pukpok sa kanyang ulo ang pagsigaw.




Sound proof ang kanyang opisina kayat’t hindi sya maririnig sa labas although,alam nyang wala namang tao doon.


But, she thought wrong. Dahil nagulat sya nang may biglang baritonong boses na nagsalita.



“Common wifey ang harsh mo naman minunura mo ko ng walang kalaban laban.”




Tulala syang nakatingin sa lalaking malawak ang ngiti at naglalakad papalapit sa kanya. "Holly cow! he's here?"


“Pinapaalis mo pa ko dyan sa isip mo.”


Yumuko ito sakanya at hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. "Oh my gosh! he's really here." sya naman ay parang naestatwa na hindi makagalaw. Hinahayaan lang nya ang binata sa ginagawa nito.



Inilapit ni Ravin ang muka sa kanya habang malalim na nakatitig sa kanyang mata.



Naramdaman ang kakaibang kabog ng kanyang dibdib ng ipag dikit nito ang kanilang mga ilong at gumalaw galaw.


“Sige ka pag pinaalis mo ko sa isip mo. Lilipat ako dyan sa puso mo at hindi hindi mo ko mapapaalis kahit anong pilit ang gawin mo.”



At binigyan sya nito ng isang makapigil hiningang ngiti.


Lockheart Series 3 - Ravin's Revised RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon