Dahil sa sobrang kahihiyan ay hindi na pinansin ni Zea si Ravin. Kada mag tatanong lang ito ay saka sya sasagot ngunit "oo, hindi, iyan, at ok" lang ang kanyang nagiging tugon hangang sa magpasya na silang umalis ng kanyang condo.
"Sa Airport na tayo tuloy ok lang? doon nalang din tayo kumain." Tanong ni ravin sa kanya ng makasakay na sila sa sasakyan nito.
"Ok."
Nang makarating sa airport ay inalalayan sya ng binata papasok sa loob pagkatapos nitong ibaba ang kanilang mga gamit mula sa sasakyan.
"Hey, what about our things?"
ito na ata ang pinakamahaba nyang sinabi sa binata mula pa kanina."Don't worry my secretary will take care of it. Tara kain na muna tayo."
Nilahad nito ang kamay telling her to hold it. Hindi nya alam but, seems there was somethings that urge her to accept it so she did.
Nang maglapat ang kanilang kamay ay naramdaman nanaman nya ang libu-libong boltahe na dumaloy sa kanyang katawan ngunit hindi nya nalang ito pinansin.
"I like this." Bumalik lamang ang kanyang wisyo ng marinig itong nagsalita.
"Huh?"
"ang sabi ko I like this."
Naguguluhan naman sya sa sinasabi nito. Hindi nya alam kung magulo lang ba talaga ang lalaki o sadyang nabibingi lang sya sa lakas ng kabog ng kanyang puso.
"Ang alin?"
"This, you and me walking as if we're ok."
"Yun lang? ang weird mo." Pinipilit nyang itago ang kilig na nararamdaman.
What? Kilig? Where did it came from?
"Panira ka naman." Bahagya pa itong ngumuso na parang nagtatampo.
He's cute. Pero hinding hindi nya ito sasabihin sa lalaki.
"Kasi po ang babaw mo."
"Hindi naman yun mababaw. Napapakanta na nga ko ngayon eh."
"Anong kanta naman aber?"
She's now enjoying a conversation with him.
"Hmm. You want me to sing it?"
"Yeah."
"Ok, but promise me two things."
"Ano nanaman?" pakunyaring inis nyang sabi.
Huminto ito at humarap sakanya bago nag salita.
" First, don't laugh at my voice. Second, wag ka masyado kiligin."
"Heh, wag ka na ngang kumanta kung mang-iinis ka lang."
she immediately turned around, pulled her hand on his gripped and walked away from him. Ayaw nya kasing mapansin nito na namumula ang kanyang muka kayat agad syang lumayo kay Ravin.
Ngunit ilang sandali lang ay naramdaman nya na agad ito sa kanyang tabi. He grabbed her hand and fill the spaces between her fingers with his.
"Ang matampuhin mo talaga." Pinisil pa nito ang kanyang ilong at hinalikan ang kanyang palad habang nakangiti sakanya.
Iniiwas nalang nya ang paningin mula dito bago pa lumabas ang kanyang puso sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng kabog nito.
"Ewan ko sayo."
Natawa nalang ito sa kanyang sagot.
Nang makarating sa restaurant ay iginiya sya ng binata sa lamesang sa tingin nya ay ipinareserba nito para sa kanila.Matapos ibigay sa waitress na nag asist sa kanila ang mga orders ay muling nag salita si Ravin.
"Kantahan na kita?"
Hindi pa pala nito nakakalimutan ang kanta. Kainis kinikilig sya.
"Bahala ka."
"Look at me before I sing."
"Andami mo namang paandar eh."
"Ok ito na." peke pa itong umubo para tangalin ang bara sa lalamunan.
"You and me sitting on a tree K-I-S-S-I-N-G." sabay kindat sakanya ng binata.
Bigla namang nagpalakpakan ang ilan sa mga taong malapit sa kanilang lamesa na para bang kilig na kilig sa nasaksihan.
And with this she knew for sure, Matagal tagal nanaman na hindi makakaranas ng katahimikan ang kanyang buong sistema dahil sa pinag gagawa nito.
_____________________________________
A/N: This is dedicated to all my reader friends out there who keep on supporting my works kahit pa ang tagal ng update.
Love you guys,
M
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
Fiksi UmumRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...