Masayang pinagmamasdan ni Zea ang kanilang mga anak. Limang taon na matapos ang kanilang kasal at ngayon nga ay meron na silang anim na supling.
Si Arkin na siyam na taong gulang, si Vienna na walo. Ang triplets nilang mga apat na taong gulang na sina Zavier, Raizen at Zaiken na pawang mga lalaki. At ang kanilang bunso na isang taong gulang na si Vennizea na natutulog sa bisig ng ama.
What she is seeing now is a perfect scenery that she wanted to keep for the rest of her life. Nag lalaro ang kanyang mga anak sa kanilang hardin ng may mga ngiti sa mga labi.
Ilang sandali pa nyang pinag masdan ang mga ito ng maramdaman nyang may humalik sa kanyang pisngi.“I love you wifey.” Si Ravin na bitbit an g kanilang bunso. Kung si Vienna ay maka mommy ang bunsong prinsesa nila ay mas gustong ama ang nagbubuhat sa kanya. Kaya naman si Ravin ang laging nagpupuyat sa kanila.
“I love you too Ravin, I love you soo much.”Ngumiti sa kanya ang asawa at hinalikan sya nito sa labi na agad nyang tinugon. Sa limang taon nilang pagsasama ay walang nagbago sa pagmamahal nya dito. Mas lalo pa nga itong lumalim. Hindi lang kasi maalaga at mapagmahal si Ravin. Maalalahanin din ito, malambing at matimpihin lalo na sa mga makukulit nilang anak. Kaya tuloy habang tumatagal mas lalo pa syang naiinlove sa asawa.
“Mommy! Mommy!” malakas na tawag sa kanya ni Vienna na syang nagpagising sa kapatid. Nag-ingit ito na kalaunan ay naging iyak dahil naistorbo sa tulog.Nang makita ni Vienna na umiiyak si Vennizea ay agad itong lumapit sa ama na hinehele ang kapatid upang tignan ang bata.
“Sorry baby Ven, ate didn’t know you were here sleeping.” Kausap nito sa kapatid. Nag mulat naman ng mata ang bunso pagkarinig sa boses ng kanyang ate. At nang makita nito si Vienna ay ngumiti ito. Napapansin nilang may kakaibang bonding talaga ang kanilang mga anak. Bukod kasi kay Ravin ay tangin si Vienna lang ang nakakapag patahan sa bunso nila. Pag nag-iiyak nga ito ng sobra ay tinatawagan nila si Vienna sa school nito upang kausapin ang kapatid na napaka effective naman.
“Favorite ka talaga nya sweetheart.” Lumapit sya kay vienna at hinalikan ito sa pisngi.
“I can see that mommy.” Masayang sabi nito. Proud na proud na gustong gusto sya ng kapatid. “Ako daw po kasi ang nag request na buohin sya.” Pahabol nito.
“Oo na po ate ikaw na po.” Natatawa nyang tugon dito.
Abala sila sa pag-uusap ng marinig nila ang boses ni Dexie na tinatawag ang kanyang ate Vienna.“I forgot mom. Sasabihin ko po sana na nandyan sila Tita Brittany sa labas may dala silang chocolate cake and special jelly ace.” Natatawa itong napapa-iling. Sya naman ay pumunta sa pintuan upang salubungin ang mga bisita.
Nakita nya si Brittany na papasok sa bahay kasama ang kanyang asawa na mag bitbit ng dalawang boxes. Siguro ito ang sinasabing pasalubong ng anak. Nang hanapin nya si Dexie ay kasama na ito ng mga pinsan na naglalaro.
“Hi Brit.” Niyakap nya ito at hinalikan sa pisngi. “Nahahalata na si baby.” Ang tinitukoy nya ay ang maliit pa nitong tiyan.“Nako oo lumalaki na nga sya. Sana lang hindi sya sing likot ng ate nya dati.” Natatawang saad nito. Lumapit din si Ravin sa mag-asawa dala ang anak at binati ang mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/77895439-288-k534382.jpg)
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
Ficción GeneralRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...