Ilang araw nang wala sa wisyo si Ravin.
Hindi parin nya makalimutan ang eksenang nakita sa grocery kung saan masayang nakikipag kwentuhan si Zea sa kanyang pinsan.
Hindi nya nilapitan ang dalawa. Pinag masdan lang nya ang mga ito sa pamimili hangang matapos. Iniisip nyang baka kung lumapit sya sa mga ito ay hindi sya makapag pigil at masuntok nya ang pinsan sa nakikitang closeness sa dalawa.
Hinintay nya nalang ang mga itong tapusin ang pamimili. He is hoping na pag nakapagbayad na ang mga ito ay maghihiwalay na. Yun din ang kukunin nyang tyempo upang ihatid ang dalaga.
Pero ang ikina irita nya ng husto ay hindi nangyari iyon. Instead, after paying ay tinulungan ni Josh si Zea na bitbitin ang mga pinamili nito. Inilagay ng kanyang pinsan ang mga dala sa kanyang sasakyan at inihatid ang dalaga sa bahay ng huli.
Sya naman ay parang asong sumusunod sakanila. Hindi nya maipaliwanag pero sa mga sandaling iyon ay kakaibang pag kainis ang kanyang nararamdaman. Nakikita nya kasi sa mga galaw ng mga ito na matagal na nilang kilala ang isa't isa. At nakikita nya din na sobrang komporyable ni Zea sa binata.
“Dude, youre spacing out again. Anu ba yan?”It was his cousin Kien.Magkakasama silang magpipinsan ngayon sa opisina nito upang pag planuhan ang surprised wedding na ihahanda nito para sa girlfriend na si Mika.
“Siguro babae yan.” Tumatawang kantyaw ni Josh.Pero sa hindi malamang dahilan ay bigla syang napikon dito.
“Shut the fuck up Josh.”
“Woooh. So hot tempered eh!”Naiinis sya sa inaakto nito at sa mga sinasabi.
“Are you not going to shut up? Gusto mo basagin ko yang muka mo?”
“Ravin, enough! Ang init masyado ng ulo mo.” Saway ni kien sakanyan.Parang nakaramdam naman sya ng pagkapahiya sa naging asal.
“Sorry bro, I was just stressed.”
Umiling iling nalang ang mga ito sakanya.
Nag patuloy na ang kanilang pag paplano sa nais gawin ng pinsan. Sinabi narin nito sakanila ang mga magiging partisipasyon nila sa event.
“Josh, you will be my best man dude.” Masayang pahayag nito na sinang ayunan naman ng binata.Wala sana magiging kaso sakanya ang mga role nila ngunit may nalaman sya.
“Kien, diba best friend ni mika si Zea? Sya ba yung magiging maid of honor?” may kakaiba sa tono ni Nickholas ng mag tanong ito.
“Yeah! Bakit?”
“Kita mo nga naman Josh, ang swerte mo. Diba crush mo yon? Ayan na makakapartner mo sya sa kasal nila Kien.” Pang aasar ni Nickholas kay josh.Dahil sa narinig ay parang mas lalong uminit ang kanyang ulo.
“Whose Zea? Azalea, the designer?” he asked. Malakas ang kutob nya na iisa ang babaeng kanilang pinag uusapan lalo pa ng makita ang reaksyon ng kanyang pinsan na parang teen ager na unang beses mag ka crush.
“Yes dude she is.” sagot sa kanya ni Kien.“Kilalala mo na sya? Ang ganda diba? And FYI, hindi lang sya designer model din sya kagaya ni Josh kaya naman bagay na bagay talaga sila.”
Mas nadagdagan pa ang iritasyong kanyang nararamdaman. He felt a green monster inside him at gustong gusto nya nang suntukin ang mga itong botong boto sa dalawa.Fu** Sh** walang ibang bagay sa kanyang Zea maliban sa kanya. Kaya handa syang pilipitin ang leeg nang sinumang magkakagusto dito. Kahit pa pinsan nya ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
Fiction généraleRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...