11

36.3K 975 34
                                    


Hindi mapakali si Zea sa kabang nararamdaman.Alam nya kasing nakatitig sakanya si Ravin habang naglalakad sila ni Josh sa gitna ng simbahan. Ewan nya ba pero iba talaga ang naidudulot sakanya ng mga titig ng binata.

“You seems so nervous, relax Zea.” Bulong sakanya ni Josh.

Nginitian nya nalang ito bilang tugon.

“HINDI ako mag tataka kung bigla nalang bumulagta si Josh mamaya.”

Narinig nyang malokong kumento ni Nicholas habang kausap si Aaron na nakatayo sa kanyang gilid.

“Yeah, sa titig ba naman ng katabi ko. Mukang gutay gutay na ang katawan ni Josh sa isip nya.”

At nag apir ang dalawa.

Hindi nya nalang pinansin ang mga komento ng mga ito dahil focus sya sa dalawang taong naglalakad sa gitna.

Naiinis sya dahil sa masyadong malapit ang mga ito sa isa’t-isa. Naka sukbit pa ang kamay ni Zea kay Josh. At ang mas lalo nyang kinaiinis ay nang makitang may ibinulong ang lalaki kay Zea at hinawakan na nito ang kamay ng dalaga.

“Fuck!” mahina nyang mura. Gusto nyang puntahan ang dalawa at kunin ang dalaga. Buti nalang ay napipigilan nya pa ang sarili.

“Relax dude, wala naman silang ginagawa. Sweet lang naman sila so no big deal.”

Patuloy na pang aalaska ni Aaron. Tinapik tapik pa nito ang kanyang balikat.

“Stop that Aaron. Baka hindi kita pasamahin bukas.” Pagbabanta nya dito.

Gusto kasi ng pinsan nyang sumama bukas sa kanya sa Davao. Nalaman kasi nyang mag kakaroon ng photoshoot si Zea bukas doon at naisipan nyang sundan ang dalaga. Nang malaman ito ni Aaron ay nais din nitong sumama.

“Oo na hindi na. seloso!” ibinulong pa nito ang huling sinabi pero narinig parin nya.


MAAYOS ang naging kasal ni Mika at Kien, todo pasasalamat ang kanyang best friend sakanya ng malaman nitong sya ang nag desenyo ng lahat ng damit na isinuot ng mga nakilahok sa kasal.

“Babe, kanina ka pa nag tha-thank you. Mababatukan na kita eh.”

Masaya silang nag-usap ng kanyang kaibigan. Si Kien kasi ang nagaasikaso sa mg bisita para daw hindi mapagod ang asawa.

“Hmm. Grabe ka naman.” Nakangusong reklamo nito.

Ang weird talaga ng kaibigan. Siguro dahil narin sa pagbubuntis nito kaya ganon. Naiyak iyak pa ito kanina ng malaman na pupunta sila ni Larry sa davao bukas. According to her. “Kakakasal ko lang iiwan nyo na ko.” Na tinawanan nya nalang.

“Basta wag mong kalimutan ang pasalubong ko ah. Gusto namin ni baby ang Durian.”

“Opo.”

Nang bumalik na si Kien sa tabi nang asawa ay iniwan na nya ang mga ito. Hinahanap nya si Larry ng biglang may humawak  sa kanyang kamay.

Nang lingunin nya kung sino ito ay nagulat sya sa nakita. “Josh.”


“Ah. Ano. I just want to ask if we can dance?” parang nahihiya pa nitong anyaya.

Sa totoo lang ay si Josh ang kanyang Ideal man. Mabait ito, gwapo, mayaman at may respeto sa mga babae. Sa katunayan nga ay natutuwa sya nang malaman na isa ito sa makakasama nya bukas at makakapareha.

“Sure.” She smiled to him. Iginiya sya nito sa gitna kung nasaan ang mga nagsasayaw.


“Zea.” Mataman itong nakatitig sakanya habang nagsasayaw. Nakahawa ito sa kanyang bewang habang sya ay naka hawak sa leeg ng binata.

“Hmm?”

“Would you mind if I ask you something personal?”

May ideya na sya sa itatanong nito.

“Not at all, go ahead.”

Nakita nyang huminga muna ng malalim ang binata bago nag tanong.

“Anong meron sa inyo ni Ravin?”

Hindi nya sigurado pero parang nabakas nya ang lungkot sa boses nito.

“Honestly, wala.” She don’t want to lie. Gusto nyang mag pakatotoo sa binata.

“But, he- I mean you guys you know Kissed.”

She could still feel the sadness on his voice that make her feel the same.

“It was just an accident. Mahirap paniwalaan but, it was not our intention do it.”

“Maybe not for you.”

He smiled sadly. Bakit ba parang ang lungkot lungkot nito? At bakit feeling nya she is the reason of his sadness?

“Josh-“

“Shhh. Nag bibiro lang ako.”

Sa wakas nakita nya ang masayang ngiti sa muka nito.

“One more question.”

“Fire away.” Pagbibiro nya.

“Hmm. Can I pick you up tomorrow? Sabay na tayong pumunta sa Davao.”

“Let me think.” She teased him. Natawa naman sya ng makita ang pagsimangot nito.

“Bakit?” nakangusong tanong ng binata.

Bakit ba kahit anong gawin nito gwapo parin?

“Joke lang. Sige pwedeng pwede. Basta wag kang malalate ah.” And she winked at him.
Nakita naman nya ang pamumula ng muka nito na mas nakapag pangiti pa sa kanya ng todo.Hinawakan nya pa ang magkabilang pisngi nito upang mas lalo iyong tignan.

Nasa ganon silang ayos ng mapadako ang kanyang tingin sa lamesang malapit sa kinaroroonan nila.

Hindi nya maintindihan pero parang kakaiba ang kanyang nararamdaman ng mapagasino ang nakaupo dito.

She saw Ravin holding a glass of brandy while intensely looking at them. At kahit na medyo madilim ay may nakita sya sa mga mata nito.


she can't believe it but, it seems so real. Is he in pain?




___________________________________

A/N:

Hala naloko na. Parang mas bet ni Zea si papa Josh. 😑

#BattleOfThePogi



Lockheart Series 3 - Ravin's Revised RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon