04

38.5K 985 26
                                    

Matapos ipakilala ay iniwan na nang kanyang kliyente ang ginang.




"Iha, pano I have to go. Ikaw na ang bahala kay amiga ok? Make me proud."





"Sure tita!" besides of being her client ay parang tunay nya narin itong tiyahin.





"Amiga I have to go." Nag beso ang dalawa at tuluyan ng umalis ang ginang.





"Ma'am Raiza, shall we start?"




"Drop the ma'am iha that was too formal, just call me Tita Raiza."




Napakabait talaga ng ginang. Paano kaya talaga niti naging anak ang aroganteng lalaki?




"Sige po ma- I mean tita."ipinakilala nya ang kaibigan sa ginang. Napag kamalan pa nitong boyfriend nya ang lalaki na hindi nya nalang itinangi.




"Babe, I have to go now." At humalik ito sa kanyang pisngi. "Ang harot mo talagang babae ka." Bulong nito sakanya.




Ang tinutukoy nito ay ang hindi nya pagtanging boyfriend nya ang binata.




"Sus, love mo naman talaga ko diba?" umingos lang ito.




"Mrs. Lockheart I have to go now. Nice meeting you ma'am." Lalaking lalaki nitong sabi. Napaka galing talaga nitong magpakamacho.





"Sure iho, pleasure is mine."




Pag kaalis ng kaibigan ay iginiya nya ang ginang sa loob ng kanyang opisina.





Duon nila pinag usapan ang damit na nais ipagawa ng ginang.




Nais nitong mag pa disenyo ng mga damit nagagamitin nito at ng mga apo sa nalalapit na kaarawan.





"Iha, I also want you to do my sons suite."





Nais nya sanang tumangi ngunit hindi maaari. Ayaw nyang makita ang aroganteng lalaking iyon ngunit hindi naman nya pwedeng sabihin iyon sa ginang.




"Sure tita." All she said.




"Great, bukas ay dadalhin ko dito ang aking mga apo para masukatan. But, I think my son is busy . siguro ay sa ibang araw nalang sya makakapunta."





Kahit wag na po syang pumunta, mas ok yun. She want to tell her but, of course she wouldn't dare.





"Kahit po makuha ko lang ang sukat nya ayos na po yun. Hindi nya na po kailangan pumunta dito."





"Really? So maybe pwede kong hingin nalang yon sakanya tutal lagi naman yung nag papatahi."





Lihim syang napangiti sa suhentyon nito. Ngunit nang magsalita ulit ang ginang ay napawi iyon.




"Or better be kung puntahan mo nalang sila sa bahay ni Ravin. Para narin hindi ko na ibyahe ang aking mga apo."





Sa itsura ng ginang ay parang nakaisip ito ng napakagandang ideya.




Samantalang sakanya para itong isang napakasamang bagay na ayaw nyang ikonsidera.











Lockheart Series 3 - Ravin's Revised RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon