Nang makaalis si Josh ay hindi mapakali si Zea. Kakaiba ang kabang kanyang nararamdaman at hindi nya gusto iyon.
Alam nyang dapat ay hindi na nya pinaunlakan si Josh nang mag-aya ito ng lunch. May boyfriemd na sya at pakiramdam nya ngayon ay nag taksil sya kay Ravin.
Isa pa sa labis nyang pinag aalala ay ang pag kikita nila ni Britanny. Baka kung ano pa kasi ang sabihin nito kay Ravin na mag trigger sa binata upang magalit ng husto.
Its not that she have done something wrong but, knowing how possessive and jealous her boyfriend is ay baka kung ano pa ang gawin nito.
“Ravin answer your phone please.” She was walking back and fort habang patuloy na dinadial ang numero ng kasintahan. Maka ilang ulit nya pa itong ginawa ngunit bigo syang makausap ito.
Ayaw nyang mag-isip ng masama pero hindi nya mapigilan. Just thinking that Ravin maybe mad at her ay kumikirot na ang kanyang puso.
Kinabukasan ay maagang gumising si Zea. Tinignan nya ang kanyang cellphone kung may text o tawag ba mula kay Ravin ngunit bigo sya. Magdamag nya itong hindi nakausap at nag aalala na sya ng husto.
Tumawag sya sa bahay ng binata kagaya ng nakagawian kapag hindi sya dito natutulog.
“Hello mommie fewie!” it was Vienna.
“Hi sweetie, Good morning! How was your sleep?”
Masaya namang nag kwento ang bata tungkol sa ginawa nito kahapon pati narin sa naging panaginip nito. At nang sabihin ng bata na tumawag ang ama kagabi ay nakaramdam sya ng lungkot.
Tumawag si Ravin sa bahay ngunit hindi sakanya.
“We will see you later mommy fewie ok?”
“Sure baby. Take care ok? I love you!”
“I love you mommy fewie. Bye!”
Mas naramdaman nya pa ang lungkot ng pinatay na nito ang tawag.
Ilang araw pa ang lumipas at hindi parin nag papramdam sa kanya ang binata. Pero pag tinatanong nya ang mga bata ay sinasabi ng mga ito na laging tumatawag ang ama kada gabi. Minsan pa nga ng matulog sya sa bahay ng mga ito ay narinig nyang kausap ni Vien si Ravin. At nang sabihin ni vien na naroon sya sa kwarto ay narinig nyang nag paalam agad ni Ravin.
Nasasaktan na sya na pag-iwas nito sa hindi naman malinaw na dahilan. Naiinis narin sya dahil parang sya lang ang apektadong apektado sa sitwasyon nilang dalawa. Kaya naman dahil sa nararamdaman ay pinadalhan nya ito ng mensahe.
PAULI-ULIT na binabasa ni Ravin ang mensahe sakanya ni Zea.
“If you’re not going to talk to me now mabuti pang maghiwalay na tayo. You are just making me sick by your sudden disappearance and I hate it. Kung gusto mo ng space magsabi ka lang. Pero kung ayaw mo na talaga fine. Bahala ka na sa buhay mo!”
Sarkastiko syang napapa-iling habang binabasa ito at tinitignan sa kanyang laptop ang imahe nito kasama ang kanyang pinsan.
Nasasaktan sya ng sobra pero mahal nya ang dalaga. And maybe, setting her free would make her happy with the person she truly love. Pero kaya nya ba?
MAG-HAPON syang wala sa sarili. Matapos nyang ipadala ang mensahe kay Ravin ay umaasa syang sasagot ito. Nakaramdam pa sya ng guilt kalaunan. She wanted to take back her massage pero alam nyang huli na.
Malungkot syang nakayuko sa lamesa ng makarinig ng kalabog. Pag katingin nya sa pinto ay nakita nya ang taong gumugulo sa kanyang isip sa nagdaang mga araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/77895439-288-k534382.jpg)
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
General FictionRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...