PAGKATAPOS nilang kumain ay nakarinig si Ravin ng munting yabag papunta sa kusina. Nang tignan nya ang pinangalingan nito ay bumungad sa kanya ang anak.
“Ganpa!” nakasimangot nitong sigaw sa kay Vicente. Hindi siguro sya nito napansin. “You said shaglit lang. What took you so long po?” reklamo nito.
“Cupcake.” Tila naman napansin na sya nito dahil tumingin ito sa kanya.
“Daddy!” takbo nito sakanya. Sinalubong nya ito ng yakap at hinalik halikan sa muka.
“How are you cupcake? Are you ok? May masakit ba sayo? Tell daddy.” Para namang naweweirduhan ang batang tumingin sa kanya.
“I’m ok daddy. I just play up there. Diba ganpa?”
Ngumiti naman ang kanyang ama sa bata at tumango.
“Daddy where is mommy fewie and kuya arten?”
Napahinto naman ang matanda sa ginagawa at tumingin sa kanya. Para bang nag aabang din ito nang kanyang kasagutan.
Dalawang araw kasi ang lumipas bago nila napuntahan si Vienna kaya paniguradong miss na miss na nito ang kapatid at si Zea.
“They are home baby. Gusto mo puntahan na natin sila?” tuwang tuwa naman itong tumango.
“Yes daddy.” Lumingon ito kay Vicente. “Ganpa, you’re coming with us?”
Nakita nya sa muka nito ang saglit na lungkot bago nag iwas ng tingin.
“No Apo. Next time nalang si Grandpa bibisita sa inyo.”
“Why?” malungkot na tanong nag bata. “Wala ka kasama dito? Malungkot yon.”
Napangiti ito sa pinapakitang concern ng kanyang apo.Hindi alam ni Ravin pero parang close na close na si Vicente at ang kanyang anak. Samantalang dati ay halos ipamigay na nito ang mga bata. Hindi nya alam kung totoo ba ang pinapakita nito o hindi.
“Grandpa is fine apo. One of this days ay dadalaw ako sa inyo.” Tumingin ito sakanya. “ if it is ok with your dad.” Sa paraan ng pagkakasabi nito ay parang nanghihingi ito ng pahintulot.
Hinawakan naman ni Vienna ang kanyang muka. “Daddy, can ganpa visit us. Please. Marami kasing toys si kuya Arten sa taas and lolo want to give it to him. Right ganpa?”Tumango naman ang matanda.
Kahit na nag-aalangan ay um-oo nalang sya sa mga ito. Ayaw nyang ipakita sa anak ang pag aaway nila ni Vicente. Ewan nya kung bukal ba sa loob nito ang pakikipag lapit sa anak. Pero alam nyang masasaktan si Vienna pag nag away sila ng kanyang Lolo.
Ilang sandali pa ang itinagal nila sa kusina bago nya binuhat si Vienna palabas. Nakita nyang walang katao tao sa sala kaya nag tuloy tuloy na sya palabas ng bahay. Nararamdaman naman nyang nakasunod lang si Vicente sa kanila.Nang makalabas ay agad syang sinalubong ng mga pinsan.
“Tito Nick!” Masayang sigaw ni Vienna pag kakita sa paborito nitong tito. Nagpabuhat ito kay Nick. Binati din nito ang iba pang mga tito na sila Josh at Aaron.
Hindi mo mababakas na dalawang araw itong nawala sa kanila dahil mukang masayang masaya ang bata.
Akmang ipapasok na ni Nick si Vienna sa loob ng sasakyan ng pinigilan ng bata.
“Wait tito I’ll just kiss ganpa goodbye.” Napatingin naman ang mga ito sakanya. Tinanguan nya nalang si Nick.
Inilapag nito si Vienna. Agad namang tumakbo ang bata palapit sa lolo nito at nag pabuhat.
“Bye-bye now lolo. Promise you will visit us soon ok?” natatawa namang tumango si Vicente. “Pinky swear?” iniangat ni Vienna ang hinliliit na sya naman tinangap ng lolo nito.
Kung titignan ay parang isang napakabait na tao ang nakikita nya ngayon. Para itong ang dati nyang ama. Bago pa maganap lahat ng problema sa kanilang pamilya.
Humalik si Vienna kay Vicente at nag paalam na.
NANG makarating sila sa bahay nila Kien ay agad silang sinalubong ni Zea.
“Mommy fewie!” niyakap nito si Vienna ng mahigpit. Pag katapos ay ininspeksyon nito ang bata. Tinignan ni Zea kung may sugat, pasa, galos o pantal ba ito ngunit wala syang nakita. Hindi rin ito mukang takot. Sa katunayan nga ay parang ang saya saya pa nito.
“How are you baby?”
Ngumiti ito sakanya at hinawakan ang kanyang muka. “I’m ok momie fewie. Why you and daddy keep on asking me that? Dapat si Ganpa ang kinumusta nyo eh. Cause he is old.” Inosente nitong komento.
Naguguluhan naman syang tumingin kay Ravin. Nag kibit balikat naman ang lalaki.Nang makita ni Vienna ang pinsang si Miko ay tumakbo ulit ito papunta sa bata. Ito naman ang kinuhang tyempo ni Ravin upang yakapin ang nobya.
Hinapit nya ito sa bewang at hinalikan sa labi. Miss na miss na nya ito kaya naman hindi nya mapigil ang sarili.
“I miss you wifey. Soo much.” Bulong nya dito sa oagitan ng kanikang halik.
“Hmm. I miss you too Rav.”
Napahinto lamang sila ni Zea sa ginagawa ng makarinig ng tikhim sa likod. Pansamantalang pinakawalan ni Ravin ang labi ng nobya at nilingon kung sino man ito.Nang tignan nya ay nakita nya ang malungkot na muka ni Josh na nakatingin sa kanila.
“Josh-“ tawag ni Zea ngunit hindi nito iyon pinansin.
“Excuse me.” He said bago dire-diretsong pumasok ng bahay.____________________________________
A/N: Fb Acount : Micheil Lockheart (Michielockz)
See you there. :)
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
General FictionRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...