DALI-DALING nag punta sila Zea sa ospital kung saan naka confine si Arken. Pagkarating ay agad nilang tinanong sa reception kung nasaan ang bata.
Sinabi ng mga ito ang kung nasaan si Arken. Ayon sa mga ito ay nasa operating room ang bata kaya’t agad silang nagtungo doon.
“Manang Saling!” tawag pansin ni Ravin sa matanda pagkakitang pagkakita nya dito.
“Sir.” Mangiyak ngiyak ang matanda na sumalubong sa kanila.
“Ano pong nangyari? Kumusta si Arken?”
“Sir.” Nangiginig ito dahil sa pag-aalala at takot. “Si Arken po, nahulog po sya sa hagdan.”
“Nahulog? Panong nangyari yon?” hindi mapigilan ni Ravin ang mapasigaw dahil sa galit.
Paanong mahuhulog ang kanyang anak gayong napakaraming kasambahay ang meron sila. Wala man lang bang umalalay dito? At paanong gising pa ito ng ganitong mga oras?
“Ravin, calm down. Arkin needs us kaya kumalma ka. Walang mangyayari kung idadaan mo lahat sa init ng ulo.”
Huminga ng malalim ang binata at sinabunutan nito ang sariling buhok at naglakad sa harapan ng operating room. Alam nyang sinusubukan nitong pigilan ang galit na nararamdama dahil sa nangyari kay Arken.
“Manang, ano po bang nangyari?”
“Nagtatapon po ako ng basura sa labas ng biglang dumating si Senyor Vicente kasama si Ma’am Britany. Marami syang dalang mga tauhan.” Tuloy tuloy ang agos ng liha ng matanda habang nag sasalaysay. “ Pumasok po sila sa loob. Yung mga gwardyang inatasan ni sir na magbantay ay walang nagawa ng tutukan sila ng baril ng mga kasama ni senyor. Nang makapasok po, pumunta agad si Ma’am britanny sa kwarto ng mga bata.” Humagul-gol na ito pagkasabi noon.
“Shhhh!” niyakap nya ang matanda upang aluin. Nakaramdam din sya ng pangamba at matinding pag-aalala mula sa narinig dito.
“Manang pagkatapos po anong ginawa nila? Nasaan po si Vienna?”
“Pagkalabas po ni Ma’am britanny hila-hila na nya si Vienna. Iyak po ng iyak yung bata. Kaya po sinugod ni Arken si ma’am at kinagat. Nagalit po si ma’am kaya… kaya po… ti..tinulak nya si Arken.”
Kumirot ang puso nya sa narinig. Isipin palang ang hirap na pinagdaanan ng mga bata ay dinudurog na ang kanyang puso. Napaka walang hiya ng babaeng iyon upang maatim na saktang ang mga batang walang kalaban laban. Talagang sagad sa buto ang kasamaan nito.
“Fu** them. Put***-*** nila.” Ravin was furios. Gusto nyang sugudin si britanny at pag bayarin ito sa ginawa sa kanyang mga anak.
“Ravin!” niyakap ni Zea ng mahigpit si Ravin. Hindi na nya mapigilang mapa-iyak sa mga nalaman.
“Manang si Vienna nasaan? Nasaan ang bunso ko?”
“Sir, dinala po sya ni senyor-“
“Fuck!” sumisigaw ng ani ni ravin. Sobra sobra na ang nararamdaman nyang galit at gusto nyang patayin si Britanny at ang matandang Lockheart. Sinagad na ng mga ito ang kanyang pasensya. Walang kahit na sinuman ang pwedeng manakit sa kanyang pamilya. At sa ginawa ng mga ito, matitikman nila ang kademonyohan niya. Sisiguraduhin nyang magbabayad ang mga ito sa ginawa nila.
HINDI binitiwan ni Zea ang yakap kay Ravin. Natatakot sya na baka mag wala ito pag bumitiw sya. Patuloy lang syang nakayakap dito habang umiiyak.
Ilang minuto rin ang tumagal ng bahagyang kumalma ang binata.
“Zea.” Inangat nito ang kanyang muka upang titigan. Tinuyo ng binata ang kanyang luha at inalalayan sya pa upo sa upuan sa gilid katabi ang matanda.
Nang akmang tatangalin ni ravin ang kanyang kamay ay umiling sya.
“No, let me hold you please!” patuloy nyang pag-iyak.
“Shh! Don’t cry. Tatawagan ko lang si Aaron at Kien para ipaalam sa kanila ang nangyari. I also need Aarons team para makuha natin si Vienna. Can I ask you Zea to stay here for Arkin?”
He don’t need to ask. Gusto nyang manatili dito at bantayan ang bata. Nais nya rin mabawi ang bunso sa mga walang awang kumuha dito.
“Yes I will. And Ravin, please get Vienna, baka kung ano ng ginawa ni Britanny sa kanya. Please Rav, do everything to get her.”
Tumango naman ito at hinalikan sya sa noo bago umalis. Nagbilin muna ito sa dalawang lalaking kasama ni Aling saling. Ito ay ang driver at isang body guard.
Makalipas ang halos isang oras ay hindi parin bumabalik si Ravin. Hindi parin lumalabas ang doktor na syang nag aasikaso kay Arkin, kaya naman doble doble ang kanyang pag-aalala para sa mag-ama.
“God, please. Please save Arkin and Ravin. Sana po ay maging maayos sila pati si vienna. Lord, I’m begging you please keep them Safe. “ Taimtim nyang dasal.
Nang makita nilang bumukas ang pinto ng OR ay agad silang tumayo. Lumabas doon ang doktor. Agad itong sinalubong ni Zea.
“Dok kumusta po si Arkin? Ano pong kalagayan ng anak ko?”
Halos pigil ang kanyang hininga sa pag-aabang ng sagot nito.
“Wag po kayong mag-alala misis, ayon sa resulta ng ct scan ay wala naman pong natamong malalang pinsala ang ulo ng anak nyo. Bahagyang sugat lamang po sanhi ng pagkaka untog. Nagkaroon din po sya ng bali sa kanang kamay ngunit hindi naman ganon kalala. Natahi na po namin ang kanyang sugat at na simento ang kanyang kanag kamay. Sa ngayon po ay nagpapahinga na ang bata. Ano mang oras po bukas ay magigising narin sya.”
Dahil sa narinig ay nabawasan ang kanyang pag-aalala. Pagkatapos makausap ang doktor ay ipinalipat na nito ng silid ang bata.
“Thank you lord at walang malalang nangyari kay Arken. Salamat po. Naway kabayan mo rin po si Vienna at Ravin.”
Ang kanyang dasal.
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
Ficción GeneralRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...