Seeing these scene made her weak. Hindi nya mapigilang mapaiyak dahil sa nakita.
"Ravin!" she shouted. Nakita nya kasi na halos hindi na makahinga si Britanny sa ginagawa nito.
Para namang nahimasmasan ang lalaki. Lumingon ito sa kanya. Nang makita sya nitong nakatayo sa may pintuan at gulat na gulat ang muka nito.
"Zea-" lumapit ito sakanya. Nang akmang yayakapin sya nito ay isang malakas na sampal ang kanyang iginawad sa lalaki.
Nang humarap si Ravin sakanya ay nakita nya ang mata nitong puno ng takot. Pero binalewala nya ito. Tinignan nya lang ng masama ang lalaki as if saying "Shut-up! Don't fuc**** talk!" nang yumuko ito ay ibinaling nya ang tingin kay Britanny. Nakatayo na ito ng maayos na para bang walang nangyaring anuman kanikanina lang.
"What are you doing here Ms?" she tried to be calm. Gusto nya itong aluin dahil sa nasaksihan. Alam nyang kung nahuli sya ng dating ay baka mas nasaktan pa ni Ravin ang babae.
Yes! Nakita nya si Ravin na sinasakal si Britanny. Galit na galit ito na para talagang papatay ng tao. She never thought she would see Ravin on that state. Hindi rin nya inakalang kaya nitong mabakit ng babae kaya naman ganun nalang ang awang naramdaman nya para sa babaeng nasa ilalim nito. At dahil doon ay hindi nya napigilang mapa iyak. Ang pinaka ayaw pa naman nya sa lahat ay nakakakita ng taong nasasaktan lalo pa kung wala itong kalavan laban.
"I am here to talk Ravin about our upcoming wedding."
Para namang nagpanting ang kanyang tainga sa sinabi nito. "Come again?"
"Bingi ka ba-"
Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin ng sumigaw si Ravin.
"Shut the fuck up woman. Don't you dare talk my wife in that way!"
Nakita nyang natakot si Britanny. Pero hindi parin ito nanahimik.
"She is not your wife. Kung hindi mo ako papakasalan kukuhanin ko ang mga bata sayo. At alam mo naman siguro sa saakin panig si Mr. Vicente Lockheart kaya madali kong mababawi ang mga pamangkin ko sayo kung kelan ko gustuhin!"
"Fuc* yo-" Nararamdaman nyang kakaiba nanaman ang galit ni Ravin kaya naman pinigilan nya ito sa pamamagitan ng pagyakap dito. Natatakot sya baka kung ano pa ang magawa nito sa babaeng kausap dulot ng galit.
"Ravin, calm down. Let me talk to her." Hindi na nya hinintay ang sagot nito. Hinarao nya si Britanny.
"Tell me Britanny, ano ba talagang gusto mo?"
"Ang gusto ko?" ngumisi ito ng nakakaloko. Hindi nya alam kung saan ba nito hinuhugot ang tapang at kakapalan ng muka dahil hindi man lang ito matinag tinag. "Gusto kong pakasalan ako ni Ravin. Tutal ako naman ang legal na tita ng mga bata. Might as well maging legal narin nila akong ina."
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
Ficción GeneralRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...