Kasama ni Ravin si Aaron upang pumunta sa kanyang ama. Nasa ibang bansa ang kanyang ina at hindi nya pa nasasabi dito ang ginawa ng asawa.
Mula kasi ng mangyari ang aksidente sa kanyang kapatid ay dumistansya na ang kanyang ina at wala na itong naging pakialam. Masyado kasing nagalit ang kanyang ina kay vicente dahil sa nangyari sa unica ija ng pamilya kaya nito trinato ng ganon ang asawa.
"Bro, tell your man to make sure the safety of Vienna. Shot Vicente or who ever if necessary but make sure my daughter is safe." Aaron nodded and start instructing his men.
Sya naman ay isinukbit na ang baril sa bewang. Alam nyang maaaring maging marahas ang gagawin nyang pagbawi sa anak dahil makapangyarihan ang ama. Kung anong meron sya ay higit pa ang meron ito kaya nagpatulong sya sa mga pinsan na sya namang nagpatulong sa mga ama nito na kapatid ni Vicente.
"All is set Rav. Lets go?"
Sumunod na sya sa pinsan at lumulan sila sa sasakyan nito nakita nya doon si Josh at Nick na Sasama sa kanila.
Habang nasa daan ay tinawagan nya si Kien. Kinukumusta nya si Zea at Arken. Nasa bahay kasi nito ang kanyang mag-ina para sa kanilang siguridad at sa paki-usap narin ni Mika.Masyado kasi itong nag alala sa kaibigan pati kay Vienna ng malaman ang nangyari.
"Rav, please be safe." She heard Zea said.
"I will wifey. Babalikan akong buo at gwapong gwapo." He is trying to lighten the mood dahil alam nyang nababalot ng pag-aalala ang kanyang fiancée.
"Yabang! Just make sure na tutuparin mo yan kung hindi nako mawawalan ka ng magandang fiancée." She kidded.
Natawa naman sya sa banat nito.
"I love you Zea. And I promise to bring Vienna home safe."
"I love you too Rav. Be home safe and please make it soon."
Nang matapos ang tawag ay napatingin sya kay Josh. Nakita nya sa muka ng pinsan ang kalungkutan. Mukang malalim nga ang pagtingin nito kay Zea. Kung nag kataon pala ay baka nahuli sya sa dalaga.
Hindi nya alam ang dapat na maramdaman dahil dito. He is happy to have Zea and he intend to have her for himself alone. Wala nang sinumang maaring magpantasya dito maliban sa kanya. But, thinking how Josh feels towards it ay nalukungkot sya para sa pinsan. At baka pag katapos nilang mabawi si Vienna ay kakausapin nya ito.
"Ravin, stop thinking unnecessary things. Focus on our mission. We have to get Vienna safe and fast so you should focus your mind on that." Pangaral sa kanya ni Aaron. Siguro ay nakita sya nito.
"Sorry!"
Tumango naman ito sakanya bilang tugon at tinapik ang kanyang balikat.
"We're here!" sigaw ni Nick na syang nag mamaneho. Nakita rin nila sa kanilang harapan at likuran ang sasakyan ng mga tauhan ni Aaron.
Pagkababa ng sasakyan ay agad syang lumapit sa gate. At gaya ng inaasahan ay sinalubong sila ng sandamakmak na tauhan ng kanyang ama.
"I want to talk your boss!" sigaw nya sa pinuno ng mga ito. Kilala nya iyon dahil minsan narin nyang naging tauhan ang lalaki.
Ilang minuto lang ang lumipas ng makita nya ang ama.
"Ravin, what a pleasant visit." Lumapit ito sakanya na para bang walang anumang gusot sa pagitan nila. "Come in son. Isama mo narin ang iyong mga pinsan."
Nagtatangis ang kanyang panga sa sobrang galit. Gusto nya itong sapakin ngunit pinigilan nya ang sarili.
Pumasok silang magpipinsan sa bahay. Nang nasa loob na ay agad nyang hinanap ang anak.
"Where is my daughter Vicente?" lumingin ito sakanya at ngumiti.
"that is not the proper way to talk your father son. You should show some respect." Umiiling ito na may mapaglarong ngiti sa muka.
"Damn it Vicente!" akmang susugurin nya ito ng pigilan sya ni Aaron.
"Tito, we came here to get Vienna. At para po maiwasan ang anumang enkwentro sa pagitan ng ating mga tauhan ay mas makabubuti po na ibigay nyo na sya sa kanyang ama." It was Nick who talked to his father.
Nakatingin lang sakanyang galit na muka si Vicente. Hindi nya mabasa ang emosyon meron ito.
"I'll do that later but, first let me have the privilege to have lunch with my son."
Iminuwestra nito ang isang kamay upang sabihing magpunta sya sa kusina. Sa kadahilanang ayaw nyang may mapahamak ay sumunod sya dito. Nagpaiwan naman ang lahat kasama ang kanyang mga pinsan sa sala. Sila lang ni Vicente ang pumunta sa hapag.
"Take a sit son." Malumanay nitong utos.
"So, I supposed you're not really planning to have a lunch with me while you know I am murdering you on my mind right? Kaya sabihin mo na kung bakit mo ko inaya dito."
Tumingin ito sakanya. Hindi nya alam kung tama ba ngunit may nakita syang lungkot sa mga mata nito ngunit panandalian lang.
"Whatever you say I still want to eat with my son."
Kahit na napipilitan ay pinagbigyan nya ito. "Siguraduhin mo lang na ilalabas mo si Vienna pagkatapos." Tumango ito bilang tugon.
Tahimik silang kumakain ng mag salita ulit ito. "It has been a while when the last time we did this."
Napaangat ang kanyang tingin sa ama ngunit nakita nyang nakayuko ito at kumakain. Hindi nya alam kung tama ba ang kanyang kutob o hindi. Ngunit anupaman iyon ang mahalaga ay makuha nya ang kanyang anak mula dito.
_________________________________
A/N: Konti palang ang friends ko sa FB so sad. :(
BINABASA MO ANG
Lockheart Series 3 - Ravin's Revised Rule
General FictionRaiter Vinzce "Ravin" Lockheart a well known terror business man. He has this "Rules" that everyone who wanted to deal with him has to follow. That is "You should always obey me." But unfortunately not everyone is willing to do such. When he met Aza...