ELEVEN

22.1K 703 28
                                    

ELEVEN

Isang linggo ang lumipas. The students and even the teachers were excited for the Grand Ball. Nahahawaan na rin ako ni Maxine ng pagiging mainipin nya but good thing that one week went very smoothly.

I'm always keeping my eye on my gown. Ipinapakita sa akin ng designer through pictures on internet ang natapos nyang damit. Nagpa-request ako kay Mommy na gawan ako ng letter para makalabas ng school to look personally for my gown.

"I love how blue and black compliments each other. Ang ganda ng gown mo, Chlo. Sa akin naman ay light pink." wika ni Maxine ng hapon habang nag-aayos ako ng sarili sa aking kwarto.

Nakatingin sya sa picture na ipinakita ko sa kanya. The finished gown is amazing! Hindi na ako makapag-hintay na isukat iyon.

"I know yours is beautiful too kahit hindi ko pa iyon nakikita." komento ko sa kanya. Kinuha ko ang maliit na bagpack ko at isinukbit iyon sa aking balikat. "I'll be going, Max. Na-riyan na ata ang sasakyan namin sa ibaba."

Hinatid nya ako hanggang sa bukana ng aming dorm. Nasa baba na nga ang itim naming Hummer. Hinalikan ko na ang pisngi ni Maxine.

"Taas na ako." paalam nya.

Kumaway nalang ako at sinabing magte-text ako mamaya kapag nakauwi na ako. Tumango naman sya at umakyat na sa kanyang kwarto.

Lumapit na ako sa sasakyan at naghintay ng magbubukas sa akin rito ng lumapit sa kung saan si Kei.

Napalaki ang mata ko ng tignan sya. He opened the door for me bago nya inilipat ang tingin sa aking mukha. It seems like he's waiting for me to get in. Napakunot ako ng noo at nanatiling nakatayo roon.

"What are you doing here?"

Pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa pagsulpot nya rito ngayon. Kanina lang ay magkasama pa kami noong inihatid nya kami pauwi rito ni Max. Nagbihis lang ako saglit at pagbaba ko ay nandito na sya? How the hell did he do that?

"Get in. I saw your car over there. Nasiraan kayo ng gulong." may itinuro sya sa kung saan.

Hindi muna ako sumagot sa kanya at tinawagan ang driver namin. Ilang segundo lang ay sumagot na ito.

"Hello? Where's the car?" tanong ko sa mababang boses.

Sinamantala ko iyon para tanawin saglit si Kei. Malayo ang tingin nya habang nakapamulsa. Napakagat ako sa aking labi.

("Miss Chloris, nasiraan po kasi. Saglit lang po at aayusin namin. Pati ang extra'ng gulong ay butas din.") aniya.

"Gaano ho ba katagal iyan? Kailangan ay alas singko nandoon na ako para maisukat iyon at nang makauwi na bago mas alas siyete." hindi ko gustong magtaray.

Ang akin lang ay ayokong makisakay sa sasakyan ni Kei. Nahihiya ako.

There's something about him that makes me uncomfortable still. Kahit araw araw ay hinahatid nya kami ni Maxine sa dorm papauwi ay hindi rin naman ito gaanong nagsasalita kung hindi kakausapin ni Max. And as if kakausapin ko sya, no!

("Sorry Miss Chloris, bibilisan nalang po namin. Ipinadala na rin po namin ang limousine. Kalahating minuto siguro ang dating noon dito.")

"Limousine?!" hindi ako pupunta sa kung anong party para kailanganin ng gaanong kalaking sasakyan. Napahilot ako sa aking sentido. Bakit panay aberya ang nangyayari ngayon? "Paki-bilisan ang ayos sa Hummer. D'yan ako sasakay."

Ibinaba ko na ang tawag. Lumingon si Kei sa akin habang nakabukas pa rin ang pinto. Ako na ang nagsara sa kanilang sasakyan dahil sa tumatakas na lamig mula roon.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon