TWENTY SIX
Nang malaman nina Daddy na naglayas si Chlerie matapos ang araw na iyon ay agad nila itong pinahanap. Mom was crying all day. Questioning herself why Chlerie chose her boyfriend instead of her family. Asking what went wrong.
Ako ay ilang araw nang tulala. Itinago ko iyong perlas sa maliit na box. Gusto ko sanang literal na ibaon iyon sa ilalim ng lupa iyon nga lang ay hindi naman ako makahanap ng paglilibingan noon.
"Everyday mas lumalala ang mukha mo." naputol ang pagtitig ko sa pader nang marinig ang sinabing iyon ni Herritt.
"Naglayas ang kapatid ko." mahina kong sambit at walang buhay na pinanood ang mga tao habang pumapasok sa aming classroom.
"True?!" gulat na sigaw nito. Napatingin ang iba sa amin dahil sa lakas ng kanyang boses. Bumuntong hininga ako bago tumango.
Araw araw ko nalang nakikitang umiiyak si Mommy. Dad seems to be lost since then. Parang hindi na malaman ang gagawin ngayon. Lahat kami sa bahay ay parang nawalan na ng landas sa buhay.
Pumasok ako ngayon dito sa unibersidad nang hindi nakapaglagay kahit pulbo sa aking mukha. Habang ang mga kaklase ko ay halos mga mukhang modelo sa kanilang ayos, ako naman ay kabaligtaran ng kanila.
"Mag-iisang linggo na ata. I don't know. Sumama sa boyfriend nya." pinilit akong magpakwento ni Herritt hanggang sa dumating ang professor namin. Buong break ay iyon lang din ang pinag-kwentuhan namin.
"That's true love! Your Mom should accept the truth. Hindi tumatanda ng paurong ang mga tao. Eventually, people will find love from the others. Bubuo ng pamilya at aalis sa puder ng kanyang magulang."
Umupo kami sa mga benches sa gilid katulad ng ibang estudyante. "Mom is very protective. Hindi maiiwasan na may ganoong klase ng magulang. Maybe she's just afraid that Chlerie will leave her. At hindi naman inaasahan na aalis nga si Chlerie."
"Nasasakal na siguro iyong Ate mo." tumahimik na ako. I don't know if I would feel jealous to those kids who don't have strict parents like mine. Malas nga ba ako o sobra lang ang magulang ko?
"Chloris, let us know immediately if ever your sister contacts you." tumango ako sa sinabi ni Daddy bago uminom sa aking tubig.
Pinakatitigan ko sya habang hawak ang kanyang cellphone. Kalahati ng kanyang pagkain ay hindi pa nagagalaw. Siguro ay may kinocontact iyon na taga-hanap kay Chlerie.
"May balita na po ba kay Chlerie?" saglit akong nilingon ni Daddy. Ibinaba nya ang cellphone sa gilid ng kanyang plato at hinilot ang kanyang sentido. I reached for his hand at ngumiti rito.
"I don't know, Chloris. Wala sa kanyang tinitirhan iyong lalake." nakita ko ang panlulumo sa mukha ng aking Ama. It pains me how this family is slowly breaking apart.
Sumama ako kay Daddy para mahatiran ng pagkain si Mommy sa kanilang kwarto. Hindi na ako pumasok sa loob ng kwarto at nanatili nalang sa hamba ng pinto.
"Samuel, where's my daughter?" tanong ni Mommy, hindi pinapansin ang pagbibigay sa kanya ni Daddy ng pagkain.
Naka-upo lang ito sa kama. Nakatakip ng kumot ang kalahati ng kanyang katawan at mukhang kulang sa tulog ang kanyang mukha.
She looks so lifeless. Habang tinitignan nya si Daddy ay nakikita ko ang kakulangan ng pagmamahal sa kanyang mga mata. Nasasaktan ako para kay Daddy dahil nakikita ko kung paano nya gustong ayusin ang pamilyang ito.
I want to help ngunit wala akong alam na paraan para tulungan sila. "Pinapahanap ko na. Kumain ka na muna." puno ng hanging tugon nya rito.
Naging mabangis ang ekspresyon sa mukha ni Mommy at mabilis na tinabig ang trey na nasa kama. Napatakip ako sa aking tainga dahil sa mga nabasag na kubyertos.
