TWENTY FOUR

18.7K 637 41
                                    

TWENTY FOUR

"I'm so proud of you, Chloris." mahigpit akong niyakap ni Mommy pagkatapos kong makababa sa stage para maibigay ang aking speech.

"Thanks, Mom." mahina kong sambit.

Nginitian ako nito ng matamis bago nilingon ang Daddy sa kanyang tabi.

Dad welcomed me in his arms. Mahigpit kong dinaluhan ang kanyang yakap.

"We're so proud of you, anak." bulong nito sa akin.

"Anything for you, Dad." ilang mga liwanag ang nakapagpahiwalay sa yakapan namin galing sa mga camera'ng kanina pa nakatutok sa amin.

Mom gave her smile to every flash of the camera. Sa tabi nya ay pumwesto na rin ako para makuhaan ng litrato. She looks so proud of me. Nakakagaan ng loob.

I was so overwhelmed that I cried while giving my Valedictory Speech. Nakakahiya man umiyak sa harap ng maraming tao ay hindi ko na napigilan. Sa bungad palang ng pagpapasalamat ko sa lahat ng taong nakasama ko rito sa school ay naluha na ako.

And thinking we'll go separate ways from now on actually make me sad. Iba't ibang daan patungo sa mga pangarap namin ang kanya kanya na naming tatahakin and who knows, after so many years, may ilan na sa amin ang magiging kilala sa larangan na pinili namin.

Some could stumble while they chase for their dreams but that doesn't mean they're behind from the others.

"Congrats ulit, Chloris!" hinawakan ni Maxine ang kamay ko.

Nakangiti kong hinawakan ng mahigpit ang mga kamay nya.

"Thank you for everything, Max. Tatawagan kita palagi pag-alis ko." hindi ko na napigilan ang emosyon ko.

I hugged her tight. She's my only bestfriend here.

Alam ng lahat na si Maxine lang ang nag-iisang kaibigan ko simula ng tumuntong ako sa High School. At ngayon ay maghihiwalay na kami. Hindi maipaliwanag na paghihinagpis ang bumalot sa puso ko.

"I will miss you, Chlo! Huwag ka ngang umiyak kasi naiiyak din ako!" saway nito sa akin.

Pagkahiwalay namin ay pinunasan ko ang luha sa kanyang mukha.

"Ngayon palang ay nami-miss na kita!" I then wiped my own tears.

Kung sana ay magkasama nalang kami ni Max hanggang kolehiyo ay magiging masaya ako.

We've been bestfriends for years now. Balikat ng isa't isa ang nasandalan namin sa mga oras na nangungulila kami sa sariling mga magulang. Studying here is not easy. Malayo sa magulang, malayo sa kabihasnan. But we survived. Iyon ang mahalaga.

"I'll try to visit you at kung hindi man ay babalitaan nalang kita."

We bid our goodbyes. Kahit sa mga kaklase ko ay nagpaalam din ako. The only person whom I still haven't talked to is Kei.

Tinanaw ko sya sa malayo. His family is here. They're screaming elegance, power and wealth in everything they do. The aura there is too much for me to take. Hindi ako lalapit doon para maramdaman kung gaano ako kaliit sa kanila.

Hindi sasapat ang ilang artikulo para ipakalat na ang pinaka-bata sa mga Hendricks ay sa wakas tutuntong na sa kolehiyo. Sigurado akong pati sa telebisyon ay ibabalita rin iyon.

Photographers love them. They're getting the attention they want. Nakita kong lumapit sa kanila si Eclaire. Kei's Mom smiled at her at nakangiting hinalikan ni Eclaire ang pisngi nito.

Nakaramdam ako na parang may tumutusok sa aking loob. Mabilis akong nag-iwas ng tingin at humalukipkip sa gilid. Nakakainggit.

Tumulak na kami paalis ng school. Sa sasakyan ay tahimik akong nakatanaw sa bintana. I haven't talk to him. Kahit isang segundo ay wala. Ganito ba ako aalis?

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon