TWENTY

21.4K 617 21
                                    

TWENTY

Agad akong nagpahinga pagkarating sa bahay. Nakatambak pa ang ilang pinamili ko sa sahig. Even my bag is on the floor. Hindi ko na naisipan pang ayusin ang mga iyon dahil sa sobrang pagod. Jewel and I parted ways in the airport, may sumundo sa kanya at ganon din sa akin.

Hapon ng magising ako mula sa ring ng aking cellphone. "Hello?" kinuyumos ko ang aking mata dahil sa hirap nitong idilat.

("Chloris, we're here at the airport. Would you like to have our dinner outside?") boses iyon ni Mommy. Mabilis akong napabangon sa aking higaan. Nandito na sila sa Pilipinas.

"Uhm, sure. Saan po ba? Magpapa-hatid nalang ako sa driver."

Pagkasabi sa akin ng lugar ay agad na akong nagbihis. Simple ngunit pormal ang isinuot kong kulay-lila'ng damit. Maliit ang takong ng aking puting sapatos sa paa. Matapos non ay nagpahatid na ako sa aming driver.

Hindi malamang kaba ang gumapang sa dibdib ko ngayon. How many months was it? I can't even remember the exact date when I last saw of them. Ni hindi nila naiisipang dalawin ako sa paaralan. Business purpose or not, talaga bang wala silang oras para sa akin?

Ilang mga isipin ang naglalaro sa utak ko. Kinakabahan na may halong tuwa. Kahit matagal ko silang hindi nakita ay masaya akong magtitipon kami ngayon bilang buong pamilya. It seems like forever since we last dine in. Kadalasan ay may isang kulang at ako iyon.

Tumigil ang sasakyan sa isang glamorosong restaurant. Pagkababa ko ay agad kong isuot ang puti coat na dala ko. Sleeveless ang sinuot kong dress kaya kinailangan ko pang magdala ng coat pangontra sa lamig.

"Any reservation, Ma'am?" tumango ako sa bumungad sa aking crew. Tumaas kami sa roof deck, tanaw ang ilang parte ng lugar. Ang mga ilaw sa kalapit na mga building ay nakahalina sa aking mata.

Huminga ako ng malalim at sumeryoso. Hinanap ang pamilyar na mukha sa akin. Pula ang kanyang labi, itim ang suot nyang balot sa kanyang katawan. Matatapang ang mga mata nito ng tumingin sa akin.

Muntik akong matapilok nang makalapit sa kanila. "Hi, Mom." hinalikan ko ang kanyan pisngi bago tumulak papunta kay Daddy. Tumayo ang Daddy at ipinaghila ako ng upuan. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. Matikas pa rin ang tindig ng aking Ama. I had the same eyes as his, gentle and full of thoughts. Kapag tumitingin ako roon ay parang nakikita ko ang aking sarili. "Nice to see you again, Chlerie."

Lumingon ako sa kanyang gawi. Pinagmasdan nya ang pag-upo ko. She really looks like Mom. Her cheeks bones are evident. Bilugan iyon at namumula-mula dahil siguro sa inilagay na blush-on. Her eyebrows were thin and straight like Dad. Ang akin naman ay kumurba ang dulo.

"You visited Hawaii?" nakangiting tanong ni Mommy. I could feel the authority in her voice. Like she want me to talk every detail of that vacation. Wala akong dapat na sabihing mali.

"Yes, Mom. I'm with Jewel. Ilang araw lang naman kami roon." tumango sya. Dad ordered something for me.

Kumain na ako ng tahimik. They talked about their own vacation, kung anong mga lugar ang pinuntahan nilang tatlo at kung anong nangyari sa competition ni Chlerie. Ngumingiti nalang ako kada ikinukumpara ako sa aking kapatid. Maybe they just want me to excel like my sister. Siguro nga ay kagandahan lang ng kinabukasan ko ang gusto nila.

Ilang linggo lang ang ilalagi ni Chlerie rito. Pagkatapos non ay babalik na sya sa ibang bansa nang mag-isa. My parents will manage our business, iyon ang gagawin nila sa pag-uwi nila rito.

"Your sister Chlerie just won a gold medal in a ballet competition. Her grades were excellent too." seryosong panimula ni Mommy pagkatapos naming kumain. Hinawakan ni Daddy ang kamay ni Mommy na parang pinipigilan ito sa susunod na sasabihin.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon