SEVENTEEN

21.1K 619 15
                                    

SEVENTEEN

Halos hindi ko mahawakan ng mabuti ang aking kutsara habang kumakain. I still can't believe Kei's here. I mean of all the countries, of all the tourist spots in the world, why here? Alam ba nyang andito ako kaya sumunod sya sa akin? But that's ridiculous. He wouldn't go that far to chase me.

"It's good that you're both in the same age." saad ni Slade ng magpabalik balik ang tingin nito kay Kei at sa akin. Maybe he doesn't know that we knew each other very well. Sino ba naman ang mag-iisip na isa lang itong coincidence? That's not possible, right?

"They're studying in the same school and..." wika ng katabi ni Slade. Lumingon sa kanya si Kei na parang nagbabanta ang mga tingin.

"Knight..." tawag ni Kei roon sa lalake. Ngumisi si Knight sa kanya. Yes, I know him. Knight Hendricks. Bakit ko nga iyon kinalimutan? Sikat sya ngunit hindi ako masyadong pamilyar sa kanyang mukha. But I'm always hearing his name everywhere.

"You know each other?" tanong sa akin ni Slade. Tumango nalang ako. Bakit ba ako ang dinadaldal ng mga ito? Hindi ba pwedeng tahimik nalang kaming kumain? It would be better kung hindi nalang ako isinama rito ni Jewel. I may not look like I'm third wheeling but hell, I look so lost.

"And they're childhood friends." dugtong pa ni Knight. How come he know so much about us? Kinukwento kaya ni Kei sa kanyang Kuya ang tungkol sa pagkakagusto nya sa akin?

Panay pa ang tanong nila sa akin. Hirap na hirap na akong sumagot. Si Kei ay tahimik lang. Si Slade ang maraming itinatanong sa akin samantalang si Knight ang nagdadagdag ng ilang mga detalye na hindi ko alam kung saan nya nahanap.

"Jewel, balik na tayo sa room." bulong ko sa kanya matapos ko syang sikuhin para makuha ang kanyang atensyon. She's all smile while talking to Ryou. Animo'y walang tao sa kanilang paligid knowing they just met each other. Akala mo nama'y ilang buwan na silang magkakilala.

"Saglit nalang." ngumiti sya sa akin at binalingan na naman ang kanyang kausap. Sa inis ay tumayo ako para pumunta sa wash room. Naghugas ako ng kamay roon at inayos kaunti ang natuyo ko nang buhok.

Pagkalabas ko ay nakita ko roon si Kei. Halos atakihin ako sa pagkagulat. Dapat talaga ay masanay na ako sa pabigla biglang pagsulpot nito sa aking harap.

"Do you want to walk?" aya nya. Napabalik ang mata ko sa aming lamesa. Kahit tapos nang kumain ang mga tao roon ay hindi pa rin sila umaalis. And it's so awkward talking to Slade and Knight. Para akong bata na ini-interrogate nila.

"Sure." nauna akong maglakad. Nakasunod sya sa aking likod hanggang sa makalabas kami sa restaurant. Lumalakas ang ihip ng hangin habang naglalakad kami papunta sa tabing dagat. Nagtanggal ako ng saplot sa paa at pinanood ang bawat yapak ng aking paa sa buhanginan. "Ano nga palang ginagawa mo rito?" pauna kong tanong.

"Sinusundan kita." wika nya sa aking likod. Mabilis itong naglakad papantay sa akin at sinabayan ang paglalakad ko. Inilagay ko ang aking dalawang kamay sa likod at sinipa ang mga buhangin habang naglalakad.

"Hindi mo naman ako kailangang sundan. Wala ka bang ibang mapaba-bakasyunan? Your family? Why not go with them?" sunod sunod kong sabi. Sumaglit ako ng tingin sa kanya. Nakalagay ang dalawa nyang kamay sa magkabilang bulsa habang diretso ang tingin sa aming nilalakaran.

Ang maliwanag na ilaw galing sa mga kainan di kalayuan sa amin ang nagsisilbing ilaw na tanging nakakapagpalinaw ng kanyang imahe sa aking mata. His weary eyes looks so cute. Kinusot nya ang kanyang mata kaya napangiti ako at mabilis nag-iwas ng tingin.

"Gusto ko lang makasama ka ngayong bakasyon." he said innocently bago humikab.

Nagpasya akong maupo muna sa kaharap ang dagat. Ganoon din ang ginawa nya. Hindi gaanong malayo ngunit hindi rin naman sobrang lapit ng pagitan namin. "Iniisip ko na baka ininbitahan ka ng Kuya mo para magbakasyon dito. But I don't believe either that it's a coincidence na nandito rin kayo."

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon