THIRTY FOUR

22.9K 641 42
                                    

THIRTY FOUR

"Max, I can't just live here. Hindi ko kayang tumira malapit sa kanya. Hangga't alam kong ilang kwarto lang ang pagitan namin, hangga't hindi pa ako nakaka-move on... Hindi ko kaya, Max." hinawakan ni Maxine ang kamay ko at hinigit ako para panandaliang maiupo sa sofa.

I was hysteric when she arrived. Kanina ko pa sya hinihintay na makauwi. I thought I'm going to lose my mind. Simula palang ay alam ko nang hindi magandang desisyon ang pananatili ko rito kay Maxine.

Ngunit wala sa lawak ng aking imahinasyon na maliit ang mundo't magkikitang magkikita pa rin kaming dalawa ni Kei kahit anong iwas ang gawin ko.

"Can you calm down for a bit, Chlo? Ano bang nangyari? Sabihin mo muna sa akin ng mahinahon." tumabi sya ng upo sa akin at tinignan ako ng matiim sa mata. I can see how tired she was from her work. Ngayon ay ganito pa ang isasalubong ko?

Bigla akong nagdalawang isip kung sasabihin ko ba ang problema o hindi. I just want to cry but I'm too tired to do that. Walang gustong lumabas na luha sa aking mata. Nang mahimasmasan ako ay roon lang ako nakapag-isip ng matino.

"I'm sorry, Max." mahina kong sambit. "This is about Kei again. Sa tingin ko ay maiging umalis nalang ako rito sa condo mo. I can book a hotel. O di naman kaya'y kina Chlerie nalang muna ako titira. I don't want to be a burden to you dahil dito sa problema ko."

Napahinga ng malalim si Maxine. Inilingan nya ako ng ilang beses bago inalis ang mga tingin sa akin. "Is that the only solution you could think of, Chlo? Pwede ka namang sumama sa akin sa trabaho. Dalawang araw nalang at Sabado na, kung gusto mo ay aalis tayo rito ng Sabado at Linggo."

Masyadong lutang ang utak ko para makapag-isip pa ng mabuti. Hindi ko na talaga alam ang dapat gawin at sa hindi. Hindi ko na alam ang tama sa mali. Bakit ba sa lahat nalang ng ginagawa ko ay parang may nasasaktan akong tao?

"I'm so glad that you're my friend, Max. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka rito." inismiran nya lang ako at tumayo na para magtungo sa kusina.

Inayos nyang kaunti ang kanyang buhok at binuksan ang refrigerator para kumuha ng mga sangkap sa iluluto ngayong hapunan. "Lalake lang iyan, Chlo. Huwag mong masyadong ipahalatang apektado ka kundi ikaw ang talo."

Inalala ko ang nangyari kanina. Paano ako hindi ma-apektuhan sa ganoong klase ng mga salita. His words are so painful. Punong puno iyon ng sakit at paghihinagpis.

Parang sinasabi nito na umpisa palang iyon ng mga gusto nyang sabihin sa akin sa loob ng ilang taon kong pagkawala rito.

Matapos magluto ni Maxine ay naghapunan na kaming dalawa. Hindi ko na sinabi pa ang napag-usapan naming dalawa ni Kei. Pinangaralan nya lang ako at sinabihang huwag ko nalang pansinin si Kei.

And now that I think of it, hindi kaya lumalapit sya sa akin para gantihan ako? Para iparamdam sa akin kung gaano ako ka-tanga noong mga panahong iniwan ko sya rito?

Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip. Itinulog ko ang mga naglalaro sa aking utak. Tomorrow will be a solid day. Naisip kong puntahan sina Herritt sa kanilang hotel kaya naman nang gumising si Maxine para pumasok sa kanyang opisina ay naisipan ko na ring umalis para dumayo ng dalaw sa mag-nobyo.

"Iyon lang ang gagawin mo?" tanong ni Maxine sa akin habang nagpapatuyo ako ng aking buhok.

"Oo, may kukunin din ako sa kanila. Siguro pagkatapos ko roon ay dadalawin ko naman sina Chlerie. Titignan ko kung anong itsura ng tinitirhan nila ngayon." paliwanag ko at ibinaba na ang blower.

Matapos kong masuklay iyon ng ilan pang beses ay tumayo na ako mula sa harap ng salamin at naghanap ng bag na te-terno sa aking damit.

"Are you done?" sigaw ni Maxine mula sa bukana ng pinto. Tumakbo ako patungo sa kanya at matalas na tumunog ang aking takong sa kanyang sahig. Bumaba ang kanyang mata sa suot ko at tinaasan ako ng kilay. "Mag-gagala ka ng naka-heels?"

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon