THIRTY SIX

26.2K 905 169
                                    

NOTE: Nakalimutan kong Teen Fiction pala 'to buti naagapan.

THIRTY SIX

Kinabuksan ay nagising ako sa isang kwartong hindi pamilyar sa akin. I turned to my left ngunit walang tao akong nakita roon. I'm on a king size bed. The room is quite big. Parang nasa isang 5 star hotel ako.

Damn! Nasa hotel nga ba ako?! Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa kaba. Even though my head's very heavy, I still managed to ran to the door. Para akong hinahabol ng mga pulis sa ginawa ko.

Right after I opened the door ay nakita ko agad si Kei na nanonood ng tv sa living room. Oh yeah, this is his condo!

Nasa condo nya pa rin ako. Para akong nabunutan doon ng tinik. His eyes immediately darted to me. "Kumain ka na ng agahan." aniya at muling ibinalik ang mata sa tv.

Napatingin ako sa aking sarili. My God, dalawa lang kami rito. Hindi kaya... "D-did you raped me?! Bakit ako nandito?! Where's Maxine?!" histerikal kong bintang at pinanlisikan ito ng mata.

He stood up and walked towards me. Napa-atras ako ng ilang hakbang at kabang kabang hinawakan ang dibdib ko sa posibleng pagkahulog ng aking puso.

"Tatlo kayong inalagaan ko pagkatapos nyong maglasing. And you even accused me of raping you? Ganyan ka ba talaga magpasalamat, Chloris?" seryoso nitong saad.

My jaw almost dropped. Naglasing ako? I mean, nalasing ako? Totoo?!

Teka, wala akong maalala sa nangyari kahapon. The last memory is when we're all drinking and I get the bottle to drink it alone. Hindi na malinaw sa aking memorya kung naubos ko ba ang laman ng bote o sumalampak nalang ako sa sahig.

Maybe, I got drunk. Namula ang pisngi ko habang inaalala ang nangyari. Meaning... "You're saying the truth?" I said, almost whispering those words because of shame.

"I'm always saying the truth and you're always, always doubting me." napalunok ako sa kanyang sinabi. "Mahal kita Chloris pero hindi kita hahalayin katulad ng iniisip mo. I'll wait for you to surrender then we'll do it."

"Anong surrender ka r'yan?!" halos mag-usok ang ilong ko sa hiya. Tinalikuran nya ako at naglakad papunta sa kanyang kusina.

"Kumain ka na habang mainit pa ang kanin." sumunod ako sa kanya ng lakad ngunit agad din namang napahinto nang mai-organisang mabuti ang mga sinabi nya.

Did he said he loves me? O baka nabingi lang ako? Tinuktok ko ang aking ulo. Lasing pa nga ata ako.

Naglakad akong muli at tinignan ang niluto nya. "Nasaan si Maxine at Eclaire?" kinuhaan nya ako ng pinggan at kutsara. Sumandok sya sa inilutong fried rice at minuwestrahan akong maupo nalang sa dinning table.

"Si Maxine ay tulog pa sa guest room. Si Eclaire naman ay inihatid ko na pauwi kaninang umaga." hinintay kong lumapag sa aking harap ang plato at inilapit nya sa akin ang ulam habang umuupo sa katabing silya ko.

"Salamat sa pagkain, uuwi na rin kami mamaya ni Maxine." nakakahiya namang dito pa kami inabutan ng umaga. Akala ko talaga ay nasa 5 star hotel na ako at may nanghalay na sa akin.

Mabuti't suot ko pa ang damit na suot ko kahapon. Though I haven't look at my face yet, alam kong mukha na akong sabog.

"Gusto mo ba ng kape?" tanong nya. Tumango ako at muli syang tumayo para ipagtimpla ako ng kape. Matapos nyang mailapag iyon sa lamesa ay muli syang tumabi sa akin.

"Salamat ulit." hindi na kami muli pang nagkausap dahil masyado akong nasarapan sa aking kinakain.

"Chloris..." tawag nya habang sinisimsim ko ang papaubos ko nang kape. "Pwede ko bang kuhain ang numero mo?"

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon