THIRTY ONE
"Tila sira ang isang iyon! Reckless driver! Dapat doon ay hindi binibigyan ng lisensya, eh!" angil ko nang makababa kami ni Maxine sa kanyang sasakyan.
Mabuti at wala na ang lalakeng iyon dahil naiinis talaga ako sa kanya.
Mantakin mo ba namang ipreno iyong sasakyan nya ng walang pasabi! Muntikan nang mayupi ang mukha ko sa ginawa nya!
"Hayaan mo na, tara pasok." pumasok kami sa tahimik na restaurant. May pinto sa loob noon kung saan patungo sa kanyang opisina.
There's another one outside, iyon nga lang ay umorder pa si Maxine para rito na kami maghapunang dalawa.
Pagkapasok sa kanyang opisina ay parahas akong umupo sa harap ng kanyang mesa at doon ipinag-krus ang aking mga kamay.
"Sana talaga ay hindi na tayo sumabay roon." patuloy kong reklamo. Kung makatingin pa kanina ay akala mo may nagawa akong malaking kasalanan sa kanya.
"Chill ka lang." umupo si Maxine sa kanyang swivel chair at inayos ang kaunting papel doon. Ang ibang kalat sa kanyang mesa ay dumiretso ng tapos sa basurahan. "Tulog ka sa condo ko."
Aya nga matapos malinis ang mesa. Medyo nabawasan ang galit na kanina ko pa inilalabas at ngumiti sa kanya.
"Sige, bata pa tayo noong last tayong nag-overnight nang magkasama."
Pinag-usapan namin ang gaganaping pagtulog sa kanyang condo. We're at the same age ngunit hindi pa rin ito nakakahanap ng kanyang nobyo.
Hindi ko mawari kung pihikan, may hinihintay o dahil kaka-hiwalay lang nila noong huli nya.
"Nood nalang tayo ng movie. Baka ito na ang huli dahil babalik na kayo ni Herritt sa ibang bansa." kita ko ang lungkot sa kanyang mukha kahit pa pilit ako nitong nginingitian.
"Babalik naman ako rito." saad ko.
"Kelan pa? After eight years ulit?" tumawa sya at inayos ang laman ng kanyang bag. Ngumuso ako dahil sa narinig.
I won't wait another eight years for that. "Hoy, grabe ka. Maybe next year or next next year?"
Tumawa lang muli ito at umiling. "Mabuti pa kung babalik ka rito sa reunion ng batch natin. That would be nice. Don't let me miss you again like what you did before!"
Ako naman ngayon ang tumawa sa kanyang reaksyon. "Okay, I won't!"
Pinag-isipan kong mabuti iyong tungkol sa reunion hanggang sa tawagin na kami ng isa nyang empleyado dahil handa na raw ang pina-order ni Maxine.
"Have you watched the news? Nandoon iyong balita tungkol sa inyo." aniya habang kumakain kami. Haven't tried opening my tv. Anong mayroon?
"Hindi, eh. Why? Ano raw sabi?" usyoso kong tanong.
"I watched this morning, ibinalita lang kung sinu sinong malalaking personalidad ang kasama. At ngayon nga ay inaabangan na ang opening nyo dahil kumalat na si Eclaire nga ang kinuha nyong modelo."
Ngumuya ako sa aking pagkain. "Ganoon ba?" hindi naman pala masyadong interesting ang balita.
Pagkatapos naming kumain ay sumakay na kami sa sasakyan ni Maxine para makapunta sa kanyang condo ilang minuto lang ang layo sa kanyang restaurant. Habang nasa sasakyan ay ipinaalam ko na kay Herritt na hindi muna ako babalik ng hotel ngayong gabi.
"Max, are you kidding me?" tinignan ko ang pangalan ng condo. Isang letra ng H ang nakalagay sa pinaka-gitna noon at may nakalagay na maliit na korona.