TWENTY THREE
"Chloris, sasabay ka ba sa aming kumain?" kumatok si Maxine sa labas ng aking kwarto. Kanina pa ako nagkukulong dito simula nang malaman kong pangalawa ako sa Rankings. I don't know if I didn't study hard or Kei's just too smart for me.
"Busog pa ako." tugon ko pabalik.
"Okay... Call me if you need anything." mahina nyang sambit. Nagtalukbong ulit ako ng aking kumot at doon umiyak. Wala na akong ginawa buong magdamag kundi ang sisihin ang sarili ko. If only I studied hard. Kung sana ay napansin ko na habang maaga na umaangat ang mga scores ni Kei sa exams ay pinagbutihan ko na ang akin.
But I was too late. It only hits me when I didn't saw my name on top. Parang unti-onting gumuguho ang pangarap ko. Thinking I couldn't achieve my dream really breaks my heart. Iyon lang ang gusto kong makamit sa buhay ko.
I would be very happy if I become a designer. Bata palang ako ay planado ko na iyon. And now, I can feel that it's slowly crashing down. Kasabay noon ang walang humpay na pag-agos ng luha sa mga mata ko.
I shouldn't blame anyone except for myself. Ngunit sa loob ko ay gusto kong sisihin si Kei. He knows how much I needed that spot and he's taking it away from me! Anong gusto nyang iparating?!
"Namamaga yung mata mo." puna sa akin ni Max nang makita nya ako sa classroom kinabukasan. Inayos ko ang mga gamit ko at mabagal syang sinulyapan.
"Ah wala 'to. Nagpuyat lang ako kagabi kaka-review."
Of course I lied. Sinong hibang ang maniniwala sa akin? Daig ko pa ang kinagatan ng ipis sa mata. Ni hindi ako nakakain ng hapunan dahil sa kakaiyak at tuluyan nalang na nakatulog nang ganon ang sitwasyon.
Nang pumasok si Kei sa classroom ay agad akong nanahimik at binuksan ang aking libro para makapag-basa. Hindi ko mabilang ang araw simula ng huli naming pag-uusap. Not because of our ranks but because he sneakily studied hard to beat me.
Pinaniwala nya akong dahil sa soccer kaya naging mailap sya sa amin nitong mga nakaraang linggo. Iyon pala ay palihim na akong tinatalo nang hindi ko nalalaman. I feel like he's been planning something na hindi ko alam.
Kapag nalaman kong ginagawa nya lang ito para pag-trip'an ako o kung anong walang kawenta kwentang bagay ay hindi ko sya mapapatawad. I can compete with him.
There's no reason to blame him after all. Wala lang talaga akong mapaglabasan ng sama ng loob kaya nang makita ko ang resulta ay gusto ko syang sisihin. But that's senseless. Isinaisip kong may gusto lang syang patunayan sa kanyang mga magulang kaya nagpupursigi sya ngayon sa pag-aaral.
I don't want to think that I'm involved in every little thing he do. Kakaibang kirot ang naramdaman ko sa aking dibdib habang pinapagaan ko ang aking sarili. The heavy emotion inside me wants to burst out. Hindi na noon kinakaya ang iba't ibang klase ng emosyon.
Tumayo ako bago pa man may makakita sa pagtulo ng mga luha sa mata ko. I was running down the stairs. Hindi ko ata kayang pumasok ngayon. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa dinala ako ng sarili kong mga paa sa likod ng gym.
Doon ko nilabas ang lahat ng natitirang sakit sa akin. Everytime someone asks me if I'm okay, I always... Always end up crying again. Mahirap magpanggap na okay. Mahirap maging matatag.
"Chloris..." naikuyom ko ang aking kamay. Sinundan na naman nya ako. Pinahid ko ang luha sa aking pisngi at tumingin muna sa langit bago ito hinarap.
"What now, Kei? You want me to congratulate you?" puno ng pait kong singhal sa kanya. Mainit na umagos ang bagong luha sa mga mata ko. Damn, tears! Kailan ba kayo mauubos?! "Well, congratulations! Natalo mo ko. Happy now?"
