THIRTY TWO

23.3K 684 34
                                    

THIRTY TWO

"Bye, Chloris. Babalik ka, ha?" niyakap kong muli si Maxine sa huling pagkakataon. Herritt and I will be leaving the Philippines in a few minutes.

"I will. I promise." hinigpitan nya ang yakap bago ako pinakawalan. "Don't be sad. Babalitaan agad kita pagkabalik ko sa amin." sinapo ko ang kanyang mukha at pinalis ang tumulong luha.

Kahit ako ay pinipigilan nalang ang aking sarili para hindi maluha. I will miss her so damn much. Iba pa rin talaga kapag kasama mo sa personal at iyong kaharap lang sa camera. But that's the way we should deal things. Hindi na ako nakatira rito at hindi na rito umiikot ang buhay ko.

"I want to see you soon." huling sinabi nya bago kami lumipad ni Herritt pabalik sa aming bansa.

Masaya ako nang bumalik sa bahay. Nandoon pa rin naglalagi sina Chlerie at ang kanyang asawa. Though this is my own house ay pinapayagan ko naman silang tumira rito ng ilang araw para bisitahin kami ni Daddy.

"Kamusta ang Pilipinas?" tanong ni Dad nang magsabay sabay kami sa pagkain. Kaharap ko si Chlerie at katabi naman nya ang kanyang asawa.

Si Daddy ang nasa pinaka-puno ng hapag habang tahimik kaming kumakain. "Ayos naman, Dad. Maganda ang takbo ng negosyo. Marami kaming nakausap ni Herritt na malalaking taong imbitado roon sa fashion show namin."

Ilang mga detalye pa ang ikinwento ko tungkol sa nangyaring pag-uwi sa Pilipinas. I told them how happy I was with my stay there and hoping to have some more ngunit ang pag-aasikaso sa negosyo ang kailangang unahin.

And plus, I'm not a citizen there anymore. Hanggang bakasyon nalang ako at hindi na ako titira pang muli roon.

"Babalik kaming Pilipinas." biglang saad ni Chlerie. Sinubuan nya ng kaunting pagkain si Samuel sa kanyang kandungan bago nito pinukol ang mga mata kay Daddy.

Dad wiped his lips bago nya pinagmasdang mabuti ang Ate. "At bakit mo balak bumalik ng Pilipinas, Chlerie? Are you going with your husband and Samuel?"

Pinakatitigan ko si Chlerie. She smiled before answering the question. "Pinag-iisipan kong pag-aralin si Samuel doon, Dad. And we already talked about this." nilingon nya ang katabing asawa. "Doon ko gustong magtayo ng ballet studio."

I was amused about her plan. Hindi na rin naman masama. "Anong mayroon sa Pilipinas at doon mo gustong magtrabaho?" hindi ko mapigilang maitanong. I'm very curious. Pwede namang dito nalang dahil nandito kami nakatira.

"I just feel like there's a need to put up a studio there. It will not be exclusive for those who can afford a class. Ang gusto kong mangyari ay turuan ang mga batang gustong matuto na walang pang-aral."

Napangiti si Dad. He was satisfied with her answer at ganoon din ako. Kung gayon ay gusto pala nyang tumulong sa mga mahihirap. That's a good idea.

We then finished the meal silently. Pagkatapos noon ay saglit kong hiniram si Samuel para ipakita kay Maxine. She already knew Samuel ever since he was inside Chlerie's womb.

"Say, hi, Samuel!" ikinaway ko ang kamay ni Samuel sa harap ng aking laptop.

"Ang cute cute talaga ng pinagseselosan ni Kei." natatawang tuya nito. Napasimangot ako. As if that guy was jealous, huh!

"You know he's not!" saad ko kay Max at pinaglaruan ang maliliit na kamay ni Samuel.

"Naririnig ko kayo sa likod ko noong nanonood tayo ng movie! Huwag ako, Chloris. Hanggang ngayon ba naman ay manhid ka pa rin?"

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon