THIRTY NINE
"Divine, huwag mo akong simulan. Hindi ako nagpunta rito para makipag-away and I hope you'll also do the same." matiim kong sabi kahit ang kamay ko'y nangangatog na sa inis.
Ngayon pa talaga. Ngayon pa talaga sumabay ang isang 'to? The nerve! Nakakapagtimpi ako noong High School kami ngunit ngayon ay hindi ko na sya pagbibigyan.
Kahit alam kong dinig nang lahat ng dati naming kaklase sa table nya ang sinasabi ko ay hindi pa rin ako magpapa-urong sa mga salita.
"Oh yeah? So anong ipinunta mo rito? Para ipaglandakan sa amin kung gaano ka kalandi? Well, news flash Chloris, hindi na iyon bago sa akin at ngayon ay mas lalo mong ipinapakita sa lahat ang tunay mong kulay."
Naikuyom ko ang aking kamay. She even crossed her arms like she's the Queen of all. That she's telling the truth and I'm the one here who's at fault. Parang lalo akong nang-galaiti dahil sa kanyang inakto.
She stared at me with so much disgust. She's standing so proud infront of me gayong hindi ko naman alam kung anong natarok nya sa buhay. And I don't even care about her. Bakit ko papakealaman ang buhay nya?
"It's funny that you're putting your efforts to put my name in shame, Divine. Pero siguro ay pagbutihin mo naman sa susunod para tama na ang ipaparatang mo sa akin. Natatawa nalang ako sa kahibangan mo."
Nag-apoy ang mga mata nya. Parang ako ang dahilan ng pagsisindi sa mga alab na iyon. Kung alam nya lang na kanina pa natupok ng malaking apoy ang mata ko ay sana hindi na sya lumapit pa sa akin at nagsalita ng kung anu-ano.
I don't get mad all the time. Alam ko kung saan ilulugar ang galit ko at kung saan ako tatahimik nalang kahit inaapi nila but the thing is, wala naman silang pruweba sa mga ipnararatang nila sa akin.
It's all false accusations! Walang ebidensya at tanging sa mga bibig lang ng mga chismosa iyon galing.
"I'm not putting you in shame, Chloris. Alam mong ikaw ang naglalagay sa sarili mo sa kahihiyan dahil sa pagpunta mo rito. Mind to explain how you get Kei even though he hasn't untied yet his relationship with Eclaire?"
Lalo kong naikuyom ang aking mga kamao. Damn this girl! Naiinis na talaga ako. I don't owe her an explanation kaya't bakit ako mag-eexplain sa kanya?
"Why not ask Eclaire for the truth, Divine? At least spare yourself some shame. Hindi mo alam kung anong sinasabi mo."
Parang naubos lang ang oras ko sa pakikipagtalo rito. Alam ko nang dati pa ay sarado na ang utak nya sa mga sinasabi ko. We already fought before and even if Max already explains everything, sya pa itong kuda ng kuda at hindi pinaniniwalaan ang sinasabi ng iba.
Tama nga naman na kung sino ang walang alam ay sila pa iyong madada.
"Now, you're avoiding the question. Bakit hindi mo nalang sagutin, Chloris kung talagang inosente ka nga?" pinagtaasan nya ako ng kilay.
Nakita kong napapatingin sa amin ang ilang dumaraan. Lumingat ako sa aming table at nakitang nakatalikod sa akin sina Maxine at Kei. Sa kanilang harap ay nandoon si Eclaire, she looked confused at matama akong tinititigan.
"Ano, nag-iisip ka pa ng palusot? See, guys? That's what I'm telling you! Hindi na sya makapagsalita because she's guilty! Mang-aagaw ang babaeng ito!" sabi nya sa kanyang mga kaibigan.
Umiling ako. I can't argue with a stupid. I'll never gonna win.
Tumalikod na ako para sana umalis nang hinigit nya ang braso ko para muling humarap. Doon na muling nag-alab ang galit sa dibdib ko.