TWENTY FIVE

19.3K 629 25
                                    

TWENTY FIVE

Gabi ng sumunod na araw ay magka-skype kaming muli ni Maxine. Pula na ang maiksi nyang buhok. Mas lalo syang gumanda dahil nahubog din ng panahon ang kanyang katawan.

Ngayon ay abala sya sa kanyang internship sa isang kilalang hotel dahil huling sem na nya ngayon sa kolehiyo.

Suot pa ang uniporme ng bumukas ang kanyang screen at mabilis na ngumiti sa akin. "Nakikita mo ako?" una nyang tanong at kumaway sa akin.

"Oo, malinaw." wika ko.

Bumuntong hininga ito at pumalumbaba sa harap ng camera. May kinuha itong pagkain sa tabi at sinubo iyon bago nya ako pinagmasdan.

"Kakagaling ko lang sa hotel. Sumakit ang likod ko. Wala naman ako masyadong ginawa roon."

Ngumiti ako. Lagi kaming nagsasabihan kung anong nangyayari samin. We make sure that we tell everything we do para ma-update namin ang isa't isa.

Nakilala na rin ni Maxine si Herritt. Kilala ko na rin ang ibang naging kaibigan ni Maxine ngayong kolehiyo at ganoon din naman sila sa akin.

"You should rest your back. Kahapon ay galing kami ni Herritt sa bilihan ng mga tela." ipinakita ko sa kanya iyong wool fabric na nabili namin pati iyong mga natapos kong gupitin.

"Magpahinga ka rin, Chlo. Hanggang ngayon ba naman ay masyado mo pa ring pinipilit ang sarili mo."

Malungkot nyang sambit ng makita ang mga natapos ko sa loob lang ng ilang araw.

"It's okay. Gagawan ko pa ng damit si Chlerie." tumango ito at masama akong tinignan.

I know she doesn't want me to overwork myself. Kung wala naman akong gagawin ay mabilis akong mabo-bore at maaalala ko kung anong katangahang ginawa ko dati.

"Anyway, nagkita pala kami ni Eclaire kanina. Kakatapos lang ng internship nya sa ibang bansa."

Ngumiti ako. Wala na akong balita kay Eclaire. Hindi kami nagkakausap at ayokong may nababalitaang kung ano sa kanya. Ngayon pang nalaman ko na sila na ni Kei.

No wonder why she's not reaching for me. Iyon pala ay may boyfriend na. At ang lalakeng iyon ay si Kei pa. Yung taong alam nyang may gusto sa akin noong High School pa kami.

But past is past. Siguro ay nabaon na nilang lahat iyon sa limot katulad ng pagkawala ng pagmamahal sa akin ni Kei.

I'm the only one who's living here in the past. Lahat ay malinaw pa sa aking ala-ala na parang kahapon lang nangyari. The pain is still there. Mas lalo pa nga atang lumala dahil sa nalaman ko kahapon.

"Ganoon ba?" sabi ko nalang. "Kamusta na pala si... la. Sila?"

"Sinong sila?" naguguluhang tanong nito. Ngayon lang ako nagtanong tungkol sa ibang tao. Binanggit ko rin kay Maxine dati na huwag akong babalitaan tungkol sa ibang tao dahil mas lalo kong nami-miss ang Pilipinas kapag ganoon.

She knows how much I missed being there. Na gustong gusto ko na talagang umuwi roon. Kaya hangga't maaari ay inilalayo ko sa tentasyon ang aking sarili dahil alam kong wala na naman akong babalikan doon kundi ang sakit at panghihinayang.

"Si Eclaire... Si... Kei." napalunok ako ng mariin. Napatigil sa pagnguya si Maxine sa kanyang kinakain at matiim akong pinukulan ng tingin.

"Seryoso kang tinatanong mo iyan?" tinitigan nya ako. Ramdam ko ang pagwawala ng aking puso bago ako tumango. Isa isang nanumbalik ang mga oras kung saan una kaming nagka-chat ni Maxine.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon