EIGHTEEN

21.5K 656 33
                                    

EIGHTEEN

Nag-agahan kami kasama nila. I sat beside my cousin. Tahimik lang ako habang kumakain habang ang iba naman ay busy sa kani-kanilang kwentuhan. It's actually good that no one talked to me. Malaya akong nakaka-kain mag-isa.

I often look at the ocean, napaka-gandang tanawin ng dagat kapag ganitong umaga. Kanina ay ramdam na namin ang init galing sa labas. Sigurado akong mangingitim ako nito mamaya kapag nagsimula ulit kaming maligo.

Hapon nang napag-pasyahan muna naming maghiwa-hiwalay. Nagbihis ako ng panibagong damit. Isinuot ko ang puting off shoulder dress ko at maliit na sling bag. Tinernohan ko iyon ng itim na gladiator sandals.

Dahil may ka-date ngayon si Jewel ay naisipan kong maglibot mag-isa sa mga bilihan ng souvenirs dito sa lugar. Bibilhan ko ng pasalubong si Maxine. Kahit damit lang o kung anong bagay na makita kong pwede kong maibigay sa kanya ay okay na.

Lumabas ako ng kwarto at ganoon nalang ang gulat ko ng makita si Kei sa tapat ng aming pinto. Napahawak ako sa aking dibdib at tinaliman ang tingin sa kanya. "You're really creeping me out, Kei."

Sumunod sya ng paglalakad sa akin. "Saan ang punta mo?" tumabi sya at nakita kong sa akin nakapako ang mga mata nya. He's wearing a navy blue shirt, white shorts and a pair of black slippers. Amoy na amoy ko ang pamilyar nyang pabango dahil sa lapit namin.

"Sa mga shops, mamimili ako ng pasalubong para kay Maxine. Jewel is with her date kaya mag-isa ako. Ikaw?" nakalabas na kami ng building. Marami ang tao sa paligid at masyadong nang mataas ang sikat ng araw. Halos hindi ko maidilat ng husto ang mata ko dahil sa sobrang init.

"Wala akong gagawin. Sasamahan nalang kita." nilingon ko sya kahit hirap ako. I saw him staring at my shoulders. Nakakunot ang noo nya habang nakatingin doon. Napahawak tuloy ako ng mariin sa sling ng aking bag.

There's nothing wrong with this shirt, right? Nasa beach kami. If I were to wear a bikini, roon ko tatanggapin kung magalit man sya sakin.

We walked through the shops. Wala na naman syang ibang sinabi tungkol sa damit ko. Una akong pumasok sa mga souvenirs katulad ng napag-planuhan. I looked at each item. Mga may bagay roon kung saan nakalagay ang pangalan ng resort o di naman kaya'y nakaukit ang salitang 'Hawaii'.

Tinignan ko ang ibang keychains. Gusto kaya ni Maxine ng ganito? Nagtingin tingin pa ako sa ibang bagay roon nang may bumagsak sa ulo kong isang malaking sumbrero.

Nakita ko si Kei na ipinatong iyon at tinignan akong mabuti. Napatingin ako sa salamin sa aking harap at inayos ang inilagay nya. "Bagay sayo 'yan." puri nya.

Ngumiti ako sa salamin at may nakitang kung anong mahabang kwintas na gawa sa mga shells ang nakasabit sa gilid nito. Agad ko iyong kinuha at sinabit sa leeg ni Kei kahit hirap akong abutin ang tuktok ng kanyang ulo para maisuot iyon sa kanya.

"Ayan din, bagay sa'yo." lalo syang nagmukhang dayuhan ng isabit ko iyon sa kanya. May nakita akong malalaking kwintas doon na gawa sa perlas. Pagkasuot ko noon ay humarap ako sa kanya. "Bagay ba?"

Tumawa sya sa akin at mabilis na nag-iwas ng tingin. Humagikhik ako at sinuotan sya ng kakaibang sumbrero na nakita ko roon.

Naagaw ng pansin ko ang pares ng mga hikaw na may palamuting feather. Itinapat ko iyon sa tainga ni Kei. Ganoon nalang ang tawa ko ng ngumuso sya sa harap ko.

Agad nagtingin sa amin ang ilang namimili kaya mabilis kong hinubad ang lahat ng inilagay kong tinda sa aking katawan, ganoon din si Kei.

Maagap na hinawakan ni Kei ang kamay ko at patakbo kaming lumabas ng shop. Tawa ako ng tawa nang tumigil kami sa pagtakbo. Kahit medyo kapos sa hininga ay hila hila pa rin ako ni Kei papunta sa isang kainan sa tabi.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon