ONE

67.9K 1.3K 16
                                    

ONE

"Good job, everyone. Pwede na kayong umuwi." sigaw ko sa mga ka-groupmates ko. Inayos ko na ang gamit sa bag ko matapos mag-alisan ng mga classmates ko.

Napalingon ako sa pinto. There he is again, leaning behind the wall. Boredom is evident in his face. Napailing nalang ako at binalik na ang tuon ko sa bag.

Dire-diretso akong lumabas ng classroom ng hindi sya pinapansin. Mula sa pagkakasandal sa tabi ng pinto ay naglakad na sya pasunod sa akin. Kaming dalawa nalang ang naglalakad dito sa corridor. Tumigil ako sa paglalakad at ganon din sya sa likod ko.

I turned around to see that his almond eyes were staring me. I raised one of my brows. "Sinusundan mo na naman ba ako?" I asked with a high pitched tone.

"No." he answered. Indenial. Halata namang sinusundan ako. Para naman kasing hindi 'to nangyayari araw-araw at ang nakakainis lang ay naiirita na ako sa kakasunod nya sakin. Kahit pa araw araw ko syang pagsabihan ay hindi naman sya nakikinig sa akin. 

I don't consider him as a stalker or my suitor cause he haven't confessed to me like he love me or something like that.

Ang natatandaan ko lang ay ang unang beses kaming nagkakilala. He said that he would want me to marry him. Ewan, basta ang alam ko lang, he makes me feel uncomfortable and that is the main reason why I hate this guy.

Ayoko namang mag-isip na may gusto sya sakin dahil lang sa sinusundan nya ako at sinabihan ng ganun before. Hindi ako feeler katulad ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

"Chlo!" tawag sa akin ng bestfriend ko. Nasa dulo sya ng corridor ng kumawag sa akin

Wonder why she's still here?

"Hey, Max! Anong ginagawa mo rito? I thought you already went home." bungad ko sa kanya ng magkalapit kami.

"Nah. Naisip kong sumabay nalang sayo." napalingon sya sa likod ko at nakangising ibinalik ang tingin sa akin. Alam ko yang tinginan nyang 'yan.

"Stop doing that Maxine!" hinila ko na yung braso nya palayo sa lalakeng 'yon. Hope he's not following us. "Nakakairita sya grabe." naglalabas pa ko ng sama ng loob ko ng bigla akong tusukin ni Max sa tagiliran ko na nakapagpatili sakin. "Stop it!" pinanlakihan ko sya ng mata pero tinawanan nya lang ako.

"Chloris Buenafuerte, you're one hella lucky girl." nginisian nya ako ng parang baliw. What's with her? "Bata palang tayo, it's already obvious na may crush na sayo si Kei. Chlo, Hendricks 'yan! You know they own millions of dollars. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanilang magkakapatid. Nakakainggit ka!"

Napairap ako dahil sa narinig ko. "My parents own millions of dollars. I don't care about their money, Max. And I'm not the type of girl na magkakandarapa sa iisang lalake. I am a woman and I shouldn't chase men cause it's their job to chase me."

"Woah! Parang humangin ata ng malakas sa parteng 'to. Ramdam mo?" she sarcastically said while pointing at me. "I get your point Chlo pero mag-isip ka ring mabuti. If I were you, nilalandi ko na si Kei. He's a big catch. There's plenty of fish in the sea pero tandaan mong nag-iisa lang din ang Kei Hendricks." natahimik ako sa sinabi nya. "Uy, pinag-iisipan na nya." pang-aasar muli nito.

Hahampasin ko sana sya pero bigla nalang syang tumakbo. Hinabol ko sya hanggang sa makauwi kami sa dorm. Parehas kaming hingal ng makarating. 

"Chloris! Pwede ba kitang makausap?" bungad sa akin ng isang babae sa tapat ng dorm namin. Yellow ang ribbon nya, meaning second year palang at sa Artemis dorm sya galing. Mas matanda ako ng isang year sa kanya. Ano kayang kailangan nito?

"You want to talk in private o ok lang sayo kung dito na tayo mag-usap?" tanong ko sa kanya.

"Can we talk privately?" naiilang na tanong nya. Tumingin ako kay Max at pinagtaasan nya lang ako ng dalawang balikat sabay lakad papasok sa loob ng dorm.

"Ok, san tayo?" sumunod ako sa kanya at napunta kami sa isang coffee shop malapit sa dorm ko. "So, anong kailangan mo sakin?" tanong ko agad pagkaupo namin. Marami pa kong kailangan tapusing homeworks kaya wala akong oras para makipagdaldalan pa rito.

"I'll go straight to the point, are you dating Kei Hendricks from Poseidon?" nagulat ako sa tanong nya. Poseidon is the name of the dorm for third year high school student for boys. Ang kabaligtaran nya ay yung dorm namin which is Athena, dorm for third year girls.

"And what made you think that I'm dating that guy? We're not even close for your information and I'm not insterested in him." walang buhay na sagot ko. This is not the first time that someone confronted me with this issue. Kailangan ko na talagang makausap si Kei tungkol dito. I'm not dealing with his girls anymore.

"Pero lagi ko kayong nakikitang magkasama." parang paiyak na sabi nito sa akin. Oh please. Enough with the drama.

"Magkasama? I don't remember in my entire existence that we hanged out with each other. Kung may gusto ka sa kanya, feel free to chase him. Wala ako na akong kinalaman sa inyo." tumayo na ako at kinuha ang bag ko. "Goodness!" mahina kong singhal habang papabalik sa Athena.

"Chloris! What's with the face? Kung nakikita mo lang yung sarili mo, sigurado akong mauuya ka." natatawang sabi ni Max pagkarating ko sa kwarto. Nakahiga sya sa kama ko at nakapagbihis na ng pambahay.

"Nakakasira ng araw yung babae kanina. Akala ko naman kung anong sasabihing importante iyon pala ay tungkol lang kay Kei. Ano bang nangyayari sa mundo na kahit saan ako pumunta ay hindi ako tinatantanan nyang si Kei? Pati ikaw, sya ang bukambibig!"

"Kalma, Chlo." tumawa si Maxine na parang hindi makapaniwala sa narinig. "Inaasar lang naman kita sa kanya kasi masyado kang affected. Konting asar lang ay naghi-hysterical ka na agad sa sobrang inis. Baka naman may gusto ka na sa kanya."

"What?! Ako? May gusto sa kanya? Max, are you out of your mind? Hindi ako magkakagusto sa kanya! Never!" galit na sabi ko at parahas na naupo sa kama.

"Magpreno ka sa pananalita mo, Chlo. Baka bukas makalawa ay isa ka na sa mga babaeng humahabol sa kanya."

"Like I said, N-E-V-E-R! Lumabas ka na nga sa kwarto ko!" pagtataboy ko sa kanya. Natatawang sumunod naman si Max sa sinabi ko. Nahiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Kinuha ko ang isang unan ko at niyakap ito ng sobrang higpit.

Bata palang ako ay kilala ko na si Kei. Eight years old ako ng makilala ko sya. Unang beses palang ng pagkikita namin ay hindi ko na sya agad nagustuhan. Lalo pang lumala iyon ng sumunod kaming magkita at lumala pa ng lumala hanggang ngayon.

Pero hindi ko kayang i-deny sa sarili ko na lagi ko syang naiisip. Naiisip sipain, sapakin, suntukin at patayin for no particular reason. Kung tutuusin ay wala naman talaga syang ginagawa saking masama. Sadyang ayoko lang talaga sa kanya.

"Pst!" napaupo ako sa narinig ko. May narinig ba akong sumitsit sakin? "Pst!" shoot! What was that? Napatayo na ako at nagmamadaling kinuha yung sapatos ko. "Pst!" pinakinggan ko kung saan galing yung tunog.

Napaka-imposibleng may magnanakaw rito sa school. Past 6pm na at kadalasan ay nagsisibalikan na ang mga estudyante sa sari-sarili nilang dorm.

May nagga-gala ring mga professor sa paligid kaya imposible talagang may makapasok na magnanakaw rito. Pwera nalang kung kaya nyang akyatin yung pagkataas taas na bakod ng school namin and if I'm not mistaken, may ground pa sa taas non kaya maluluto sya ng buhay 'pag nagkataon.

Wag mo naman sabihing may magnanakaw sa school na 'to?! Millionaire or billionaires ang mga magulang ng mga estudyante rito. Eh pano kaya kung killer pala? No! Ayoko pang mamatay! "Tatawag ako ng professor! Lumabas ka!" sigaw ko at matalas na luminga sa paligid ko.

"Chloris." mahinhing bigkas sa pangalan ko. Mahina lang iyon ngunit hindi 'yon nakawala sa pandinig ko. Lumapit ako sa bintana dahil doon ko narinig ang boses. Pagkasilip ko ay muntik na akong mawalan ng kaluluwa sa nakita.

"Kei, what are you doing there?!" I hysterically asked ng makita ko sya sa itaas ng puno.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon