FIFTEEN

21K 675 29
                                    

FIFTEEN

Maxine kept on texting me. Nagtipa lang ako ng mensahe noong nakasakay na ako sa aming sasakyan pauwi. Alam kong magagalit sya sa akin dahil hindi ako nagpaalam ng personal sa kanya but it's too hard for me to go back to our table.

Seconds after replying to her message, she immediately gave me a call. ("Just what the hell? You didn't tell me you're leaving.") she sounded pissed. Isinandal ko ang aking ulo sa likuran ng sasakyan at pumikit habang hawak ang aking cellphone sa kanan kong tainga.

"I'm sorry, Max. I don't feel really good kaya hindi na ako nakapag-paalam pa." pangangatwiran ko.

("Dapat ay sinabi mo sa akin nang sa gayon ay naihatid kita palabas.") bulalas nya sa kabilang linya. Medyo maingay ang paligid. Marahil ay nandoon pa sya sa loob at marami pa ring tao ang naiwan doon. ("And Kei's searching for you, kanina pa actually. I'll just tell him that you're already driving home.")

"Thanks, Max." ayoko na gaanong magtanong kung anong nangyari matapos kong umalis. Most probably, Kei and that girl Eclaire danced. Hindi ako pwedeng magkamali roon. "Sorry, Max but I need to hang up. Masama talaga ang pakiramdam ko. Babalik ako sa dorm Linggo ng gabi."

("Okay. Text me when you get home.") iyon ang huli naming pag-uusap nang maibaba ko ang tawag. Mabilis kaming nakauwi sa mansyon. Hindi gaanong traffic dahil masyado nang malalim ang gabi. Pagbaba ko ng sasakyan ay nagmadali akong makapunta sa aking kwarto. Sa kama ko ibinagsak ang aking sarili.

I looked back at the things that happened tonight. Memorable indeed. May maganda, mayroon din namang hindi. At the end of the day, something in me kinda feel lost. Malabo ang mga pangyayari, ang isip ko, ang bawat galaw na ginagawa ko. Why am I so affected with the things around me?

Magiging mahina ako kung patuloy akong magpapa-apekto sa mga taong nakapaligid sa akin. Their judgements would matter, their insights and their words could stab me in pain. We're hurting because we let their words matter.

Natulala ako habang nag-iisip hanggang sa may marinig akong katok mula sa aking pintuan. Tumayo ako at umayos ng kaunti para pagbuksan ang kumakatok.

"Miss? May naghahanap po sa inyo sa labas." bungad ng aming kasam-bahay. Is it Maxine? Hindi ba't nai-text ko na sya kanina na nakauwi na ako?

"Sige, saglit at baba na ako. Papuntahin mo si Max sa living room. Mag-aayos muna ako." napabuka saglit ang bibig ng babaeng kasam-bahay na parang hindi naintindihan ang sinabi ko. "Sabihin mong sa living room sya maghintay. Susunod ako." ulit ko.

"Ah opo." mabilis syang tumango at umalis na. Ano bang problema noon? Muli kong sinarado ang pinto at dumungaw saglit sa aking salamin. I still got the same hairstyle, hindi sumabog. Naging light ng kaunti ang make-up ko dahil na rin siguro sa tagal.

Nagpalit muna ako ng saplot sa paa. Iyon lang ang ginawa ko bago pumunta sa aming living room. "Andyan na ba si Maxine sa loob?" tanong ko roon sa katiwalang nakabantay sa labas ng pinto.

"Miss?" isa pa itong parang bingi rin. Mahihina ba ang pandinig ng mga tao rito sa mansyon?

"Wala. Paki dalhan kami ng pagkain." yumuko ito sa akin bago ako pinagbuksan ng pinto.

Nakaka-dalawang hakbang palang ako ng mamukhaan kong hindi si Maxine ang nakaupo sa pula naming upuan. Mabilis nyang iniangat ang kanyang ulo ng pumasok ako. Napahinto ako saglit bago nagpatuloy sa paglalakad.

Seeing him again tonight kinda sting. Hindi ko alam kung saang parte ng aking katawan ko iyon naramdaman ngunit alam kong may kung anong gumihit na sakit sa loob ko. Pinuno ko ng hangin ang aking baga at ibunga iyon ng mahina nang tuluyan akong makaupo sa kanyang harap.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon