EPILOGUE

55K 1.5K 150
                                    

NOTE:

Thank you for supporting this story. THIS IS THE END. NO BOOK 2. NO EXTRA/SPECIAL CHAPTER. Please support my other stories, thank you <3

EPILOGUE

"Listen to me carefully, Kei. This is Mommy's favorite piece." my Mom said.

Nakaupo ako sa kanyang kandungan habang tinutugtog nya ang piyesang lagi kong naririnig kada dumadaan ako sa music room ng mansyon.

"What's that called Mom?" inosente kong tanong sa kanya habang pinapanood ang malamyos na pag-galaw ng kanyang mga daliri sa piano.

"This is Nocturne Opus 9 No 2 by Frederic Chopin, I played this when I was your age." pumikit sya para muling damahin ang pagtugtog.

Hindi ko napansing dahil sa sobrang gaan ng piyesang iyon ay nagawa ako nitong hatakin sa mahimbing na pagkakatulog.

"Kei's not ordinary. He's not very responsive to people around him. Nababahala na ako." nagising ako at mabilis na kinusot ang aking mga mata.

My Mom's holding me. Ipinahinga ko pa ng kaunti ang aking ulo sa kanyang balikat habang pinagmamasdan ang aking Ama sa harap.

"King, he's responding to me. Baka naman ay masyado pa syang bata kaya hindi talaga pala-salita." ani ng aking Ina at hinaplos ang ulo ko. Muli kong ipinikit ang aking mga mata at humimbing ng tulog.

"Master Kei?!" sigaw ng dalawa kong bodyguards, sina Kiko at Martin. Mas lalo kong itinago ang sarili sa loob ng aparador. "Kiko, roon ka maghanap sa kusina. Doon ako sa likod ng mansyon."

Matapos kong marinig ang malakas na pagsara ng pinto ay tsaka lang ako lumabas sa aking kinatataguan. May malaking party na nagaganap sa ibabang bahagi ng mansyon at ayokong makisalamuha sa mga tao roon.

Naiinis ako sa ingay nila. I just don't like hanging out with everyone. Palihim kong tinungo ang garden. Nakita ko roon ang aking nakakatandang kapatid.

"Kuya Knight..." tawag ko sa kanyang pangalan. Nakaluhod sya sa halamanan at parang may kung anong sinisilip sa likod noon.

Nang linunin nya ako ay mabilis nyang itinapat ang daliri sa labi at ngumuso. "Shhh, huwag kang maingay."

Nilapitan ko sya at sinilip ang ginagawa. "Anong sinisilip mo r'yan, Kuya Knight?"

"Si Kuya Kreed at iyong mga kaibigan nya. May kasama silang magandang babae. Sino kaya iyon? Gusto kong makilala."

Tumayo na ako at naglakad patungo sa bench na lagi kong kinauupuan. Pinagmasdan ko ang kalangitan. Nagtatago ang haring araw at makulimlim ang langit.

"What are you doing here? Hindi ba't hinahanap ka sa loob ng mansyon?" nakita kong umupo na sa aking tabi si Kuya.

Pitong taong gulang palang ako at sya naman ay sampo. Pangatlo sya sa aming magkakapatid at ako naman ang bunso, ang pang-apat. Hindi ko alam kung saan nagmana ang Kuya at kung bakit natutuwa itong nakakakita ng mga babae.

I don't find them interesting. Kahit doble ng edad ni Kuya ang isang babae basta ay matipuhan nya ay nilalapitan nya ito at nginingitian.

He's always smiling when I don't even remember the last time I smile.

"Ano? Hindi ka na naman magsasalita? Sa susunod ay ipapa-check up ka na talaga dahil hindi ka kumikibo r'yan." aniya at tumalon sa bench na kinauupuan namin para muling maglakad paalis.

Nang pumasok ako sa loob ng mansyon ay nakita ko ang lahat ng bisita na nagkakatuwaan. Hindi ko lubos maisip kung paano sila nagiging masaya sa ganitong klase ng pagtitipon. There's nothing special in here.

Killing Him [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon