THIRTY THREE
"Nakapag-empake ka na ba, Chloris?" dumungaw si Chlerie sa aking kwarto. I just finished packing up my bags. Sa dinami rami noon ay aakalain mong sasama na ako sa kanilang pamilya para manirahan sa Pilipinas.
"I think I'm all done." tinignan ko ang isang malaking trolley kasama ang dalawa pang extra bag at isang handbag. Ang isang trolley ay naglalaman lamang ng mga sapatos, ang isa naman ay para sa mga shirts, jackets and other dresses at ang panghuli ay para sa pang-ibaba at ibang mga alahas.
"Maglalayas ka?" puna ni Chlerie.
"No, magtatagal lang ako roon. Hihintayin ko ang reunion ng batch namin noong High School kaya marami akong dinala." wika ko rito. Nagkibit ito ng balikat sa akin at nilagpasan na ang kwarto ko.
After an hour ay dumating na si Herritt kasama ni Gaston. Tumulong sila sa paglalagay ng aking mga bagahe sa sasakyan. "Buti nalang malaki ang maskels ni Gaston." malagkit na tinitigan ni Herritt ang biceps ng kanyang nobyo.
Ngumisi si Gaston kahit alam kong hindi naman nito naiintindihan ang sinasabi ni Herritt. "Thanks, Gaston." pasalamat ko rito nang mailagay ang lahat sa sasakyan. Tinanaw ko ang sasakyan ng pamilya ni Chlerie.
Dad will be riding with them. Ako naman ay sasama sa dalawang ito. Sumakay na ako sa likuran ng sasakyan. Gaston will be the one driving at si Herritt ang nasa passenger seat.
I'm the greatest third wheel in the whole world! Nagtakip ako ng aking earphones dahil sa kaharutan ni Herritt. Umandar ang sasakyan at tahimik kong pinagmasdan ang mga nadadaanan. I just can't listen to both of them. Mabuti na itong music ang pinapakinggan ko hindi ang harutan nilang dalawa sa aking harap.
Nang makarating sa airport ay agad na akong bumaba. Kasunod ng aming sasakyan sina Chlerie. Isinuot ko ang aking shades at tumulong sa pagbubuhat ng mga gamit.
"Dad, if you want to live again in the Philippines, just let me know. Kahit anong oras ay welcome ka sa bahay namin." Dad nodded his head to Chlerie pagkatapos ay niyakap nya ito ng mahigpit.
"If Chloris will decide to live in the Philippines then that's the only time I will go back there." sinulyan ako ng Daddy. Kahit si Chlerie ay napatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila at nagpatay malisya.
Hindi ako babalik ng Pilipinas para roon muli tumira. I'm happy here. Wala namang rason para iwan ko ang lugar na ito. Nandito ang negosyo ko at nandito ang buhay ko. I have friends here, kaya ko ring makipag-usap kay Max through skype.
"Visit us, Chlerie." Dad said before kissing Samuel's forehead and turned to me. "Enjoy your vacation, Chloris and don't forget to call me from time to time." lumapit ako sa kanya at niyakap ito.
"I will, Dad." kumaway ako sa kanya habang papaalis na kami. I hate leaving Dad alone. Sana ay pupwede ko syang isama but he doesn't want to travel that much.
Pagkapasok ng eroplano ay kanya kanya na kami ng ginagawa. I'm alone and nobody was sitting infront of me. Unlike Chlerie who's sitting with her husband and Herritt with his boyfriend.
It was days of travel bago kami nakarating ng Pilipinas. I was exhausted. Mabilis kong pinaalam kay Maxine na nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin para mabilis kaming makauwi sa kanyang condo.
Mabuti at hindi katulad ng dati na may mga nakaabang sa aming photographers, ngayon ay malinis at hindi mo makikitaan ng ibang tao na palihim kumukuha ng aming litrato. Before was announced, ngayon ay pilit naming itinatago.
"Are we going to part ways now?" tanong ko kay Herritt. Umiling ito sa akin.
"Magpapa-book muna kami sa isang hotel. You're going with Maxine, right?" tanong nya na tinanguan ko. Si Chlerie naman ngayon ang binalingan ko.