SEVEN
"Stop staring at me, Kei. Hindi ako makakain ng maayos." wika ko habang pinapaikot ang spaghetti sa aking tinidor. Alam na alam kong nakatitig ito sa akin kahit pa sa pagkain ako nakatingin.
"I'm sorry." sinimulan na nito ang paggalaw sa kanyang pagkain. I ordered a lot of foods para sa kanya. Of course it's for him. Naaawa rin naman ako sa kanya kahit papaano. Hindi naman ako ganoon kasama at tao rin ako na may konsensya.
Binitawan ko ang tinidor at sumandal para tignan sya. Napatingin din ito sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. It's really awkward when he's looking at me like that. "Bakit hindi ka kumakain ng maayos? Diba gutom ka?" tanong ko rito.
Saglit nitong inayos ang kanyang upo. "Hindi lang ako makapaniwalang kasabay kitang kumain ngayon." seryoso nitong sabi at ibinalik na ang sarili sa pagkain. Kahit ako ay hindi makapaniwalang kumakain kami ng sabay.
Ang ilang mga estudyanteng nandito sa loob ay tahimik kaming pinagmamasdan. Why would they care? Bakit ba ang hilig ng ibang taong pakealaman ang ginagawa ng iba? Can they just pretend na hindi nila kami nakikita hindi itong simula nang pumasok kami rito ay para na nila akong dino-document sa kanilang isip?
Naiilang akong gumalaw. Masyado akong binibigyang pansin ng mga estudyante rito. Maybe it's because of Kei again. Hindi naman nila ako bibigyan ng pansin kung hindi ko kasama si Kei ngayon.
"Why is it that people are attracted to you? Hindi ko maintindihan." bigla kong bulas. Alam kong dapat ay ipagsa-walang bahala ko nalang iyon o di kaya'y kay Max ko nalang tinanong ang bagay na ito. But I really wonder why? Gusto kong hingin ang opinyon ni Kei.
Is he not bothered by these people around us? Yung mga mata ng babae kada naglalakad sya sa corridor. Ang ilang hagikhikan kada makikita sya ng mga ito at ilang babae na nagco-confess sa kanya, does he really don't mind that at all?
"Why do you ask? Nagse-selos ka ba sa kanila?"
One thing I hate about him is that, he's silent but deadly straightforward person. Laging nanliliit ang dila ko kada magsasalita ito.
I blinked twice. I crossed my arms at ang isang babae sa kabilang table ang napag-initan ko. I looked at her with a dagger eyes. Umirap ito sa akin. Kung hindi ko pa nahuli iyon ay baka tumutulo na ang laway non habang nakatingin kay Kei. "I don't like you so..." bitin ko sa aking sinasabi. Nagkibit balikat lang ito.
Pinanood ko ang mabagal nyang pagkain. He's a cautious person. I mean he's really careful while putting that spoon in his mouth. Naturally, he's a guy with so much class. Is it because of his family? Ako nga itong laki rin sa yaman ay hirap panatilihin ang magandang imahe ko sa ibang tao while he's just naturally everything.
But still, I don't like him. Hindi sya. Studies before anything else. I need to make my parents proud of me at sa pag-aaral ko lang nakikita ang sagot doon.
"Can we order ice cream?" tanong sa akin ni Kei. Naputol ang pagtitig ko sa kanya ng itaas nito ang tingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. It almost gave me a heart attack!
"S-sure." sya na mismo ang tumawag ng waiter. He ordered a gigantic ice cream. Natulala ako ng makita iyong inilapag sa aming lamesa. He handed me a spoon. Nag-alangan pa ako noong una kung tatanggapin ko ba iyon o hindi but I was too amaze by the ice cream that I just accepted that spoon without a word.
He first took the first spoon. Pinanood ko sya habang ninanamnam ang ice cream. Gosh Chloris, quit watching Kei! Hindi ito eating show para panoorin mo syang kumain dito! Kumuha na rin ako ng akin. That one spoon was so mind blowing.